Chapter 30

249 7 0
                                    

[Pipay's POV]

"Pipay Bebe!"

Rinig kong nakakabinging sigaw ni Dheez sa telepono.

"Aray! Umagang umaga Dheez, ano bang ibabalita mo at ganyan ka makasigaw diyan!" nakaupo ako sa kama ko, katatapos ko lang naligo para mag ayos na papasok ng skwelahan.

"Ready kana?" mukhang excited!

"Ano na naman? Anong ready ready ka dyan!"

Malamang, inaabangan nila yung pag aayos ko. Eh anong magagawa ko? Na on the spot na ako kahapon sa kahihiyan matapos makita silang todo ayos sa kanilang sarili. Mga kaibigan ko talaga, bukod sa napakasupportive nila ay nanlalaglag den eh!

"Guess what bebe, may ibabalita kami sa iyo nila Krey, Rosch, at Arjane. Na talaga nga namang ikakagulat mo." di pa rin maalis yung lakas ng boses ni Dheez sa kabilang linya.

Kaya naman mas lalo akong naguluhan.

"Ano ba yon? Sabihin mo na kasi wala na akong oras mag ayos. Papasok na ako." mahina pa rin yung boses na tila ba hindi ako interasado sa mga naririnig ko mula sa kanya.

"O siya, mag ayos kana. As in yung mag ayos ng bonggang-bongga ha! Baka mamaya jologs na naman e." paninigurado naman sa akin.

"Tssss, oo na Dheez! K bye."

Pinatay ko na yun saka ko hinagas ng mahina yung cellphone ko sa malambot kong kama. Tumayo ako saka ko ibinaling yung tingin ko sa malaking salamin na nakatayo sa gilid. Pinagmasdan ko yung sarili ko ng ilang minuto.

"Pipay, maraming salamat kasi eto na. Andito na tayo. Wala e, kailangan ka nang lumabas sa totoo mong katauhan. Maging praktikal ka na, hayaan mo na muna yung mga bagay na bumabagabag sa'yo. Tama na sigurong magpakatigas ka ng dahil lang sa pagkakamali ng isang lalaki na minsang minahal mo ng sobra, hindi ba? Mapapatawad mo pa ba siya sa oras na magpaliwanag pa siya kung bakit niya nagawa yon sa iyo ha? Oo kaya mo yan. Kaya mo siyang patawarin, para mabawasan yung hinanakit mo, para kumawala na yung sakit na matagal mo ng kinikimkim diba? At para mapatawad mo na rin yung sarili mo sa taliwas mong mga plano. Kaya eto na ang bagong simula ulit. Pagpasok mo ng school, dapat masaya! Dapat laging nakasmile, dapat behave, at dapat ilabas na ang ganda na tila ba walang makakapantay pa sayo. Naiintindihan mo?"

Napangiti na lamang ako sa mga nasabi kong mga yun para sa sarili ko. Ito na nga, hindi ko na papatagalin pa. Magsisimula ulit ako tulad ng dating ako. Ajahhhhh!

Dahan dahan akong bumaba sa tricycle na sinakyan ko papasok ng University. Oo tama, hindi ko na dinala yung motor ko dahil nakakabawas yun ng kagandahan ko. Ayoko naman magmotor ng nakasuot ng heels no! For god sake! Hindi sa maarte ako, pero ayoko! Ayoko! At lalong ayoko!

Paakyat ako sa napakataas na hagdanan ng main entrance sa University habang nakasabit naman itong bag ko sa pagitan ng kamay at braso ko.

"Freshman ba yan? Anong department siya?"

At ngayon palang magsisimula ang mga tanong na madalas kong marinig mula pa noon.

"Grabe, ang ganda niya pare! Hindi siya tao, diwata siya!" sumunod namang nasambit ng kasama nung isang lalaki na kasabayan kong papaakyat ng hagdanan.

Bigla naman ako natigil ng humarang sa aking harapan ang isang gwardiya sa main entrance.

"Bakit po?" napatanong ako agad agad sa kanya.

"Anong department ka hija?" yung mukha niya ay parang nakakita ng multo.

"Ah---- Sa HRM po." tugon kong di maalis sa tingin yung reaksyon ng guwardiya. Bakit ganon siya makareact ng makita ako?

Babaeng Di KinikiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon