Chapter 37

228 5 2
                                    

[Pipay's POV]

"Besssssss... may ibabalita ako sa inyo! Kyahhhh!"

Kitang-kita namin nila Rosch, Arjane at Krey si Dheez na kumakaway habang papalapit sa amin, mukhang kilig na kilig ang bruha. Ano kaya nakain nito at umagang-umaga ganyan ang saya ng mukha niya.

Nakatambay kami dito sa kiosk ng HRM malapit sa department namin. Dito madalas ang tambayan ng mga estudyante kapag vacant ang klase nila. Mamaya pa kasi yung klase namin kaya dito muna kami magpapalipas ng oras.

"Oh, bakit parang ngarag na ngarag yang mukha mo. Puyat ka ba?" pambungad ni Krey kay Dheez ng makalapit ito sa amin.

Hindi ko naman muna pinansin yung sasabihin ni Dheez dahil as usual tungkol na naman sa pinanood niyang romantic movie ang ibabalita niya. Tssssss. Kaya naman ay kinuha ko yung earphone ko at sinuot yon sa magkabilang tenga ko. Naghanap ako ng kanta para mapakinggan. Sakto naman nakita ko bigla yung kantang Imahe ng Magnus Haven, binuksan ko yun para pakinggan.

Tahimik lang ako habang nakatingin sa maraming estudyanteng naglalakad papasok sa kani-kanilang departamento. May mangilan-ngilan din namang natigil para tignan kami sa kinauupuan namin.

"Omg... TALAGA!!!" sigaw ng mga kaibigan kong bruhilda kay Dheez.

Kahit ano pang lakas ko ng volume nitong cellphone ko ay hindi pa rin matalo yung mga tili ng mga babaeng to. Ano kaya pinagkukwentuhan nila at ganyan sila makatili. Bwiseeeet.

Bahagya kong hinina yung kanta para mapakinggan ko bawat detalye ng sinsabi ni Dheez. Ewan ko ba, may kung anong nag uudyok sa akin para makipag-usosyo sa pinagsasabi nila. Nagkunwari akong walang naririnig.

"So paano nangyare? Ene be!" gigil na gigil si Rosch sa paghablot ng buhok ni Dheez sa sobrang kilig.

"Teka lang sandale! Gaga to, so ganito nga. Hindi ko alam na ganun pala kagaling kumanta yung mokong na yun? Omg.. grabe ang galing galing niya! Yung feeling na sakin niya inialay yung kantang yon? Bes..." sabi nitong Dheez na mangiyak ngiyak sa kilig na nararamdaman. Nagtatalon pa ito ng mahina.

"Oy teka nga, magsabi ka nga sa amin. Paano nangyari yan? Are you dating with him?" sumunod namang nagsalita itong si Arjane na dimo alam kung nalilito o kinikilig den.

Tanging yung mata ko lamang yung gumagalaw, ewan ko ba. Gigil na gigil akong malaman kung sino pinag uusapan ng mga to.

"Hmmmmm, hinde no! Ano ka ba. We're not dating..." nakangiti namang sagot ni Dheez sa kanila.

"So paano nga kayo nagkasama kagabi?" usisa naman ni Rosch muli sa kanya.

"Diba nga wala siya kahapon? So accidentally nakita ko yung post niya sa instagram which is kasama niya yung family niya sa isang place, ewan ko kung saan. So pagkatapos, nagmessage ako sa kanya to hang out with him. And guess what? Syempre ako si Dheeziel Alegre, walang sinuman ang makakatanggi sa akin maski siya no?" yung mukha niya na parang nangmamayabang sa ganda. Bruhilda talaga itong kaibigan ko.

Teka, sino ba kasi itong sinasabi niya? Bakit di manlang nila pangalanan! Kung kanina pa sana ako nakinig edi nakilala ko kaagad yung pinagkukwentuhan nila. Hindi yung nagmumukha akong chismosa sa pinag-uusapan nila haysss.

"Mabait ba siya? Siya ba yung lalaking ideal ng mga babae? Kwento mo naman sa amin besss." mukhang nagkakainteres narin itong si Krey sa sinasabi ni Dheez.

"Uhmmm. Sa totoo lang oo. Syempre sino ba naman ako para sabihing hindi siya ideal person ng mga tulad nating naghahanap ng forever no, tsaka ako yung nakasama niya kagabi kaya masasabi ko talaga na he's good, kind and very accomodating!" tanaw na tanaw ko sa mga mata ni Dheez yung mga korteng puso habang kilig na kilig sa pagkukwento haysss.

Babaeng Di KinikiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon