[King's POV]
Hindi ko namalayan na napahawak na ako sa baywang ni Pipay, dahil na rin sa bugso ng damdamin na nararamdaman ko. Masaya kaming nagpapalitan ng mga ngiti sa isa't-isa bagay na hindi na namin alintana ang nangyayari sa aming paligid.
Inilagay nito ang kanyang mga kamay sa aking leeg na talaga nga namang mas lalo akong nakaramdam ng bagay na kinikiliti sa katawan, mistulang kuryente ang dumadaloy dito. Naalimpungatan nalang ako sa pagkakatulala sa kanya nang makarinig ako ng pagdabog sa bandang kinauupuan ng mga kaibigan ko. Naaninag ko ang mabilis na pagtakbo ni Sonn palabas ng conference room.
Marahan akong kumawala sa pagkakahawak kay Pipay, inihanda ko ang sarili ko sa agarang pagtakbo para sundan si Sonn. Sumunod din naman ang mga kaibigan ko.
"Sonn", pagtawag ko habang tumatakbo palabas ng conference room.
Malinaw naman ang dahilan kung bakit bigla nalang siya umalis sa loob, dahil siguro sa nakaramdam siya ng selos. Pero hindi, kailangan kong itama yung pagkakamaling ginawa ko kanina. Hindi maaring magwawakas ang pagkakaibigan namin ng dahil lang sa lintik na nararamdaman ko kay Pipay. Maiiwasan ko pa naman yun, alam kong makakaya ko.
"Sonn!" patuloy kong pagsigaw ng makita ko siyang mabilis ang lakad sa labas. Nasa tapat na kami ng gym sa sandaling ito.
"Sonn... tol, saglit lang", pilit kong bulalas sa kanya para pakiusapan na tumigil sa paglalakad. "Tol saglit lang... pwede ba akong magpaliwanag?" dagdag ko pa.
Bahagya siyang tumigil saka ako hinarap.
"May hindi ba ako alam King?" nagsalubong ang kanyang mga kilay sa labis na pagtataka.
Napatahimik ako, tanging yung hingal ko lang ang nagbi bigay ingay. "Wa----la tol..." usisa ko naman sa kanya.
Napangiwi siya, "Wala? E, anong ipapaliwanag mo kung wala naman pala?" nagbago yung tono ng boses niya.
Bumaling kami ng tingin sa mga kaibigan namin ng marating kung saan kami nag-uusap. Pare-pareho silang hingal dahil sa mabilis na pagtakbo pababa ng communication department building. Puno ng pag-aalala ang kanilang mga mukha. Alinsunod, nanlaki ang mga mata nila nang tumingin sila kay Sonn, agad naman akong napabling ng tingin sa kanya para alamin kung bakit bigla nanlaki ang mga mata ng mga mokong 'to. Nahuli ko si Sonn na kinikinditan sila saka nginusuan para utusan na iwanan kaming dalawa. Aminado naman ako na mabilis kumunekta ang mga kaibigan ko sa gustong ipahiwatig ni Sonn sa kanila kaya tumalikod sila sabay-sabay at naglakad pabalik ng conference room.
Nagsalubong pa rin ang mga kilay niya sa akin, "Oh, ano nga pala yung ipapaliwanag mo?" bigkas nitong sabi sa akin.
Napakamot ako sa ulo ko, "Tol, yung kanina--- hindi ko sinasadya na hawakan si Pipay sa---" pautal kong pagpapaliwanag.
"Tol... ano ba nasa isip mo?" napangiti ito ng nakakaloko.
"Ba----kit ka nakangiti? Hi---ndi ka ba galit?" nalilito na ako sa sandaling ito sa mga kinikilos niya.
"Ano bang iniisip mo? Na nagseselos ako? Hahaha." pambihira, nakakainis yung tawa niya.
"Baka nga---- ba-kit ka ba umalis agad?"
"Tol, bibili lang ako ng pagkain. Hinahabol ko kasi yung oras kasi kanina pa pala nasa engineering department yung inorder kong pizza. Delivery kasi yun..." paliwanag niya.
"Huh?" bigkas ko na hindi pa rin maalis ang pagtataka sa mukha.
Pambihira! Nakakahiya, hindi ko naman alam na may inorder siyang pagkain. Nagmukha tuloy akong muntanga. Nasabi ko pa talaga sa kanya na magpapaliwanag ako. E, parang hindi ko naman kayang sabihin yung nararamdaman ko sa girlfriend niya sa harapan niya.
BINABASA MO ANG
Babaeng Di Kinikilig
RomanceHindi na bago sa atin yung katagang 'pinagtagpo pero hindi tinadhana'. Andami na yang nilokong bitter na mga tao matapos iwan ng taong mahal nila o pinagkaitan mabigyan ng magandang relasyon pagdating sa pag-ibig. Nasaktan, mas lalo pang sinaktan, a...