Maya maya ay pinaharurot na niya yung motor niya! Potek! Mahuhulog ako nito!! Waaaaaaahhhhhh!
"Oy teka mahuhulog ako!" pasigaw ko namang sabi.
Di pa rin siya natigil sa kakaharurot sa kanyang motor. Binilisan na niya ito ng takbo. Halos maluha ako sa sobrang bilis ng pagmamaneho niya. Waaaaahhhhh!
Wala talaga akong makapitan lintek!
Ang bibilis nilang magpatakbo ng motor grabe.
"Hoy! Pwede bang dahan dahan lang? Please?" sigaw ako ng sigaw ko sa kanya pero di pa rin ako pinapakinggan.
Mabilis pa rin ang takbo niya tapos mas lalo pa niyang pinabilis.
Waaaaaahhh! Bwisetttt! Dito palang patay na patay na ako!
Di ko napansin na bigla niyang niliko ang motor papalapit sa may kanto. Kaya naman!
Napakapit ako sa kanyang tiyan, na siya naman nayakap ko siya ng sobrang higpit at saka nauntog yung mukha ko sa kanyang ulo sa likod! Huh? Omygod! Omygod! Omygod!
Nanlaki yung mata ko sa pagkabigla ko. Lagot na naman ako nito! Waaaaaahhhh!
Tuloy pa rin ang kapit ko sa pagkakayakap ko sa kanya habang napapikit ako sa sobrang pagkagulat ko matapos niya iliko sa kanto yung minamaneho niyang motor niya.
Takot na takot ako sa nararamdaman ko ngayon. Nanginginig na rin yung ilang bahagi ng katawan ko sa sobrang pagkataranta.
Balahura! Naramdaman kong napahinto agad yung motor. Hindi ko pa rin inaalis ang kamay ko sa pagkakayap ko sa kanya. Para akong takot na takot na bata sa itsura ko.
"Ay tarantando ka talaga! Tanggalin mo nga yung kamay mo sa katawan ko!" pilit nitong tinanggal ang mga kamay kong nakayakap sa kanya.
Dahan dahan ko naman minulat ang mga mata ko.
"Ah, ahehehe sorry diko sinasadya." agad akong kumawala sa katawan niyang yakap yakap ko at napakamot ako ng ulo sa pagkakahiya.
"Baba." malumanay niyang sabi.
"Huh? So dito na tayo? Ba----bakit dito?" nalilito kong sabi, di pa rin natatanggal sa katawan ko yung nginig ko.
"Sabi nang baba!" sumigaw siya sa akin.
Wala naman akong nagawa kundi bumaba agad na parang wala pa rin sa sarili. Para akong tutang sunod lang sa kanyang mga sinasabi.
"Pipay, anong nangyare?" sigaw naman ni Dheez sa kanya. Diko namalayan na pati sila napahinto rin matapos ang paghinto ng motor ni Pipay, kasi naman e!
Lumingon naman si Pipay sa kanila ng sobra ang inis ng mukha tapos nagsalita na ulit.
"Mauna na kayo doon, sunod nalang ako." utos niya naman sa kanila na halata sa boses niya ang namumuong galit.
Agad rin namang sumang-ayon yung mga kaibigan niya at pinaandar na muli nila yung kani-kanilang motor habang tinatanaw namin ang mga kaibigan niyang papalayo sa aming paningin.
Tapos lumingon ulit siya sa akin. Bumaba naman siya sa pagkakasakay nito sa kanyang motor. Dali-dali niya akong bingyan ng pingot sa tainga.
"Aray! Aray masakit. Tama na woy." pagmamakaawa ko naman sa kanya.
"Yan ang nababagay sa'yo manyak!" paninisi naman niyang sabi sa akin.
"Aray, malay ko bang liliko ka? Alam mo namang wala akong makapitan. Aray, aray ko naman!" patuloy pa rin kong sabi sa sakit na nararamdaman ko mula sa pagkakapingot niya sa tainga ko.
BINABASA MO ANG
Babaeng Di Kinikilig
RomanceHindi na bago sa atin yung katagang 'pinagtagpo pero hindi tinadhana'. Andami na yang nilokong bitter na mga tao matapos iwan ng taong mahal nila o pinagkaitan mabigyan ng magandang relasyon pagdating sa pag-ibig. Nasaktan, mas lalo pang sinaktan, a...