Pag-angat ko ng cellphone ko para kunan ang sarili ko ng litrato ay may nakita akong lalaki na nagflash sa screen ng cp ko. Mukhang pamilyar. Kaya binaba ko saglit yung hawak hawak kong cellphone at lumingon sa may gawing likuran ko.
Tinignan yung lalaking nasa cellphone ko. Teka? Si ano yan ha! King? Huh? Sumisipsip siya ng Pink Milktea habang tinitignan ang hawak niyang cellphone niya. Waaaahhhh! Wait! Ba---bakit Pink Milktea rin gusto nito? Omygod! A yokong makita niya ganito suot ko! This can't be! Masyado akong girly sa suot ko! Waaaahhhhh! Magtatago ba ako? Saan ako magtatago? Bwiseeeeet!
Paano ko itatago ang sarili ko sa damuhong 'to! At talagang pati ba naman dito sinusundan ako ng bangungot na ito! Waaaaaaahhh! Ayoko na! Ayoko na sa mundong to!
Pasimple akong lumingon sa kanya ng dahan dahan, para lang akong tanga. Nakangiti siya habang tinitignan ang kanyang cellphone na hawak.
"Ssssshhhh, at talagang Pink Milktea pa talaga inorder mo ha. Iilan lang nakikita ko nag oorder nang ganyan dito a. Ssssshh." mahina kong sabi sa sarili ko habang nagnanakaw ako ng tingin sa kanya habang siya naman ay sumisipsip sa straw ng kanyang Milktea.
Maya maya ay tumango siya sa pagkakayuko niya. Agad naman akong lumingon ng diretso para umiwas ng tingin sa kanya. Please, please wag mo sana ako mapansin! Pero hinde, kasi di pa naman niya ako nakikitang nakadamit pangbabae talaga.
Maya naman, ay umulit akong nagnakaw ng tingin sa kanya kaya nakita ko na naman siyang nakangiti pa rin habang may tinitignan sa kanyang cellphone.
"Walang pasok ngayon ha, ano gingawa niya ngayon dito? May apartment din ba siya malapit dito?" kinakausap ko pa rin ang sarili ko habang nakatingin na naman sa kanya.
Maya maya ay tumango ulit siya, sumabay naman ako agad ng iwas ng tingin sa kanya. Bakit ganun? Natataranta talaga ako kapag napapatingin siya sa bandang kinauupuan ko? Nakakabwiseeeet naman talaga eh! Antagal naman kasi nung inorder ko para makaalis na agad dito, baka magkaroon pa ng eskandalo mamaya kapag napansin niya yung ganitong suot ko. Waaaaaaaahhhh katapusan ko na!
Umulit na naman ako sa ginagawa ko, pasimple na naman akong lumingon sa bandang kinauupuan niya sa likuran ko. Ang saya saya niya! May patakip takip pa siya sa kanyang bibig sa sobrang tuwang nadarama. Ano bang pinapanood nito bakit ganun nalang yung saya niya? Di naman siya cute no? Pangit niya ngumiti. As in, literal na ang pangit niya sobra!
Di pa rin natanggal yung pagnakaw ko ng tingin sa kanya. Pero ilang saglit pa ay tumayo na siya! Saka ako lumingon diretso sa harap ko para umiwas sa kanya. Kinakabahan ako. Pero bakit ba ganito nalamg yung kaba na nararamdaman ko? Nakakabwiseeeet kang King ka. Malas ka talaga sa buhay ko. Malas!
Paglingon ko sa side ay nakita kong naglakad siya! Waaaahhh!!! Palabas na kaya siya? Ay salamat naman!
Pasimple kong sinundan ng tingin sya kung saan siya pupunta, pero ba-----bakit? Bakit siya papalapit sa kinauupuan ko? Waaaaaaaaahhhhh! O no!! Diyan ka lang Kingkong! Wag kang lumapit nakakainis!
Napaurong ako sa pinakagilid ng kinauupuan ko, as in nasa sobrang gilid na ako. Kung pwede lang butasin pa yung upuan para makaurong pa ako ng todo todo ginawa ko na!
Pasimple ko na naman siyang tinignan, nasa side siya ng table ko nakatayo! Ba---kit huminto pa dito? Nako! Nabwibwiset na talaga ako sayo damuho ka! Alis! Shu! Alis na!!!
Tinatakpan ko ang mukha ko sa nakalugay kong buhok. Halos di na makita ang mukha sa sobrang pagtakip ko. So ganito nalang ba ang sitwasyon ko ngayon? Ano pa ba kasing ginagawa ng mokong na to at bakit dito pa naisipang tumayo?
Busy'ng busy siya kakalikot doon sa cellphone na hawak hawak ng isang kamay niya.
"Ssssshhhh, bakit kaya di pa umalis? Kabwiset talaga!" ako lang yung nakakarinig sa pinagsasabi ko.
BINABASA MO ANG
Babaeng Di Kinikilig
RomanceHindi na bago sa atin yung katagang 'pinagtagpo pero hindi tinadhana'. Andami na yang nilokong bitter na mga tao matapos iwan ng taong mahal nila o pinagkaitan mabigyan ng magandang relasyon pagdating sa pag-ibig. Nasaktan, mas lalo pang sinaktan, a...