Chapter 1

1.3K 70 1
                                    

     Nasa ibang mundo na sina Din at Ana. Sa isang gubat sila sinummon Umiyak sila nang umiyak doon hanggang sa um-okay na sila unti dahil namatayan nga sila nang pamilya. May narinig silang sumigaw, at ito ay boses babae kaya pinuntahan nila ito agad.

      Pagkapunta nila ron ay pinapalibutan ang babae ng mga bandits. Hindi napansin sina Din at Ana nang mga bandits. Biglang nagflashback kayla Din at Ana dahil naabutan din nila ang pamilya nila kasama ang tatay ni Din na pinalibutan at pinatay. Nawala sa control ang dalawa kaya mula sa kinatatayuan nila ay nasa harap na agad ng babae silang dalawa at lahat ng mga bandit sa likod nilang tatlong ay patay na.

Nagulat sina Din at Ana sa ginawa nila dahil hindi nila ineexpect yun, pagkatingin nila sa babae, nakapikit parin ito at natatakot.

"Dumilat ka na, natalo na namin sila." Sabi ni Din. Unti-unting dinilat ng babae ang kanyang mga mata at nagulat siya dahil patay na ang mga bandit.

"Mukhang kasing edad ko lang kayo pero paano niyo sila napatay? Dalawa lang kayo at nasa mga 20-katao sila." Sabi ng babae.

"Hindi rin namin alam eh haha." Sabi ni Ana. Tumayo na ang babae. Nagtaka ang babae sa sagot ni Ana dahil hindi nila alam kung paano.

"Maraming Salamat, sa inyong dalawa. Ako si Ariel, ako ay 12 na taong gulang na at ako ay nakatira sa Easei Kingdom. Ang Easei Kingdom ang pinakamalapit na Kingdom dito, at mga ilang lakad lang ay makakapunta ka na sa Easei Kingdom. Ikinagagalak ko rin kayo makilala." Sabi ng babae.

"Ako naman si Din at ako ay 12 na taong gulang din. Ikinagagalak din kitang makilala at Salamat din sa inpormasyon." Sabi ni Din.

"At ako naman si Ana at ako ay 12 na taong gulang din. Ikinagagalak din kitang makilala at Salamat din sa inpormasyon." Sabi ni Ana.

"Ang pormal niyo naman, paano pa kaya kapag kausap niyo ang royal family sa Easei Kingdom. Kung gusto niyo palang pumunta sa Easei Kingdom, Doon kayo pumunta at deretso lang kayo ah? Sige, hanggang sa muli, Salamat ulit." Sabi ni Ariel.

"Sala-" Hindi na naituloy nina Din at Ana ang sinsabi nila dahil bigla na lang naglaho si Ariel.

"mat." Tuloy nilang dalawa.

Pagkalipas nang ilang mga minute ay nasa loob na ng Easei Kingdom sina Din at Ana.

"Paano tayo magsisimula? Eh wala naman tayong pambili ng mga pangangailangan natin." Sabi ni Din.

"Oo nga, paano kaya tayo magsisimula?" Tanong ni Ana.

Naglakad-lakad na lang silang dalawa at may naabutan sila roong matandang lalaki na sinasaktan ang matandang babae na parang nasa 80's na kaya hindi na silang dalawa na nagdalawang isip pa, sinugod na nila agad ang matandang lalaki. Nagclose combat lang sila at nang makalipas nang mga ilang minute ay natalo rin nilang dalawa ang matandang lalaki.

"Maraming Salamat, sa inyong dalawa. Malapit ng gumabi, umuwi na kayo sa inyong tahanan." Sabi ng lola.

"Ah eh wala po kaming tirahan eh hehe." Sabi ni Din.

"Eh nasaan ang mga magulang niyo?" Tanong ng lola.

Hindi umimik ang dalawa at lumuha lang sila dahil bigla na namang nagflashback ang mga nangyari.

"Ay naku! Pasensya na dahil pinaalala ko pa, wag kayong mag-aalala dahil alam ko yang pakiramdam na yan at wag narin kayong mag-alala dahil simula ngayon aampunin ko na kayo." Sabi ng lola.

Biglang nawala ang lungkot sa kanilang mukha at ito'y napalitan ng saya.

"Maraming Salamat po!" Sabi nilang dalawa.

Nagising na silang dalawa at pagbaba nila sa kwarto nila papunta sa lamesa ay may nakahain na agad na pagkain.

"Good morning, mga apo." Sabi ng lola.

"(Simula ngayon, hindi ko kayo pababayaan dahil ayaw ko nang maulit pa ang nangyari.)" Sabi ng lola sa isip niya.

"Good morning din, Lola" Sabi nila Din at Ana.

"(Simula ngayon, hindi ko po kita pababayaan dahil ayaw ko nang maulit pa ang nangyari.)" Sabi nila Din at Ana sa isip nila. Nagsimula na silang kumain.

"Ang saraaap!" Sabi nina Din at Ana.

"Ay oo nga po pala, lola. Magpapakilala na po pala kami. Ako po si Din, 12 na taong gulang na po ako." Sabi ni Din.

"Ako naman po pala si Ana, 12 na taong gulang din po ako." Sabi ni Ana.

"Ako naman si Hilda Lee, ako ay 82 taong gulang na." Sabi ng lola.

"Umm, Lola Hil, Sino po yung dalawang magkapatid na nasa picture?" Tanong ni Ana.

"Sina James at Jim yan, mas matanda si Jim sa inyo nang 2 taon at si James naman ay mas bata siya nang 1 taon sa inyo kaso nga lang patay na sila 2 taon na ang nakakalipas, naalala niyo yung matandang lalaki kahapon? Tatay nila yun, siya na lang ang hindi pa nakakapagmove-on. Kaya niya ako sinasaktan dahil sinisisi niya ako dahil sa pagkamatay ng mga anak niya. Namatay sila dahil noong 2 taon ng nakalipas ay sinugod itong Easei Kingdom ng Jusai Kingdom tapos ayun lumaban ako pero dahil mahina ako...hindi ko sila naipagtanggol, wala rin kasi ang tatay at nanay nila rito that time kaya ayun." Kwento ng lola.

"Ah, sorry po dahil pinaalala ko pa po." Sabi ni Ana.

"Okay lang, apo" Sabi ng lola.

"Ano ba ang full name niyo?" Tanong ng lola.

"Din Vasque po." Sabi ni Din.

"Ana Chrislet." Sabi ni Ana.

{Pronounciation of Chrislet is Krisley}

Lubhang nagulat si Lola Hilda dahil sa mga apilyido nila.

"Saan kayo galing? Saan kayo nakatira? Anong pangalan ng mga magulang niyo? Hindi niyo ba alam na-" Hindi na lang tinuloy ni Lola Hilda ang sinasabi niya. Naguluhan sina Din at Ana sa kanilang lola.

"Tapos na pala tayong kumain tara pumunta na tayo sa 'Royal Academy', ieenroll ko kayo ron. Nakita ko kasi na may Malaki kayong potential, at tsaka nung kinalaban niyo yung tatay nina James at Jim parang bihasa na kayo at practisadong-practisado." Sabi ni Lola Hilda.

New world: The SS World (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon