Narrator's POV
Kanina pa kami tapos ni King Reigh makipaglaban kay Leo. Mga 2 segundo lang ang itinagal ng laban namin. Kamusta na kaya yung iba?
"King Reigh, Gusto mo ba talagang malaman ang lahat-lahat?" Tanong ko sa kanya.
"Oo, mahal na hari." Sabi niya.
"Sige, sasabihin ko na, makinig ka ng maigi." Sabi ko sa kanya. Nag-nod siya.
Makalipas ng ilang oras sa pagkekwento ko sa kanya ay natapos narin at hindi ko mainpinta ang reaksyon ng mukha niya nung nalaman niya ang lahat-lahat.
"King—" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil bigla akong nagsalita.
"Shh, ba ka may makarinig." Sabi ko sa kanya.
Din's POV
Naibalik ko na ang nawalang MP sakin kaya pinabalik ko na sina Nichole, Liam, at Aiden. Nakipaglaban din si Ariel kasama ang tatlo.
"Salamat sa inyo, Ariel." Sabi ko.
"Ikaw na muna ang magpahinga, Ariel." Sabi ko sa kanya.
Sinuot ko na ang lahat ng secret numbers. In-activate ko narin ang stage 2 ng SS Magic. First time ko lang ipagsama-sama lahat ng meron ako kaya may bagong outfit na naman ako at nag-iba ulit ang itsura ko, lalo na ang kapangyarihan at aura ko.
Kalat na kalat ang aura ko sa buong paligid. Nag-iba narin ang aura't itsura ni Fraile. Sa isang iglap lang ay sinummon ko ulit ang isang batalyon na kulay puting knights at si Alaric.
"Go." Utos ko.
Hindi rin nagpatalo si Fraile kaya nagsummon din siya ng isang dragon at isang batalyon na demons. Sumugod na ang mga alagad namin sa isa't-isa at ganon din kaming dalawa.
Napakabilis naming magclose-combat ni Fraile. Makalipas ng ilang minuto ay hindi kami makatiis na gamitin ang magic namin kaya naglaban narin kami habang ginagamit namin ang magic namin.
Wasak-wasak na ang buong paligid dahil sa laban namin ni Fraile. Makalipas ng ilang oras ay tumigil muna kami ni Fraile sa pakikipaglaban at dumistansya sa isa't-isa. Hinabol na namin ang aming mga hininga.
"Ngayon na lang ulit ako nakaranas nangganito kasayang makipaglaban at ngayon na lang ulit ako nagseryoso." Sabi ni Fraile.
Ang dragon na lang namin dalawa ang natira.
"Chakram!" Tawag ko at lumitaw yun sa kanang kamay ko.
Hindi ko napansin na nasa likod ko na pala si Fraile. Sasaksakin na sana ako ni Fraile kaso sinipa siya nina Ana at Daren kaya tumalsik siya. Bakit hindi ko napansin 'yun? Don't tell me may tinatago pa siya sa lagay na 'yan.
"Daren, Ana." Sabi ko.
"Din." Sabi nila.
May naisip ako!
"Guys, I have an idea." Sabi ko.
"Nakarecover ka na ba, Ariel?" Tanong ko sa kanya.
"Okay na naman." Sagot ni Ariel.
"Halika rito." Sabi ko.
Lumapit na si Ariel.
"Maging isa tayo." Sabi ko.
"Hindi ba tayong apat ang dalawang yinyang?" Tanong ko sa kanila.
"Oo." Sagot nila.
"Edi magsama-sama tayo para maging isang ganap na yin yang." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
New world: The SS World (book 1)
FantasíaIsang araw may isang grupo na nakacape na kulay black at inatake nila ang mundo kung nasaan don nakatira sina Din. Dinala ng tatay ni Din sina Din at Ana sa ibang mundo at ang huling habilin sa kanya ng tatay niya ay dapat siya ang maging pinakamal...