Chapter 38

98 13 0
                                    

Nagising si Din sa lugar ni Nichole.

"Oh, Din—" Sabi ni Nichole pero hindi na naituloy ni Nichole ang susunod niyang sasabihin dahil biglang nagsalita si Din.

"Akala ko natalo ko na siya pero hindi pa pala." Sabi ni Din.

"Ah, Din. Gamitin mo kaya tong gamit ng daddy mo na nilagay mo rito sa lugar ko." Suggest ni Nichole.

"May magagawa ba yun?" Tanong ni Din.

"'Di natin alam unless na i-try mo." Sagot ni Nichole.

"Sige gagamitin at susuotin ko yan, saan ba ako pwedeng magbihis?" Tanong ni Din.

"Hindi mo na kailangan magbihis, basta hawakan mo lang yan at i-imagine mo na suot-suot mo yan." Sagot ni Nichole.

     Ginawa ni Din ang sinabi ni Nichole sa kanya at gumana nga iyon at ang hawak niya ngayon ay ang damit na suot-suot niya kanina.

"Maraming salamat, Nichole." Sabi ni Din.

"Din, I believe na mamamaster mo na ang 4th stage ng unique mong kapangyarihan. Just believe it!" Sabi ni Nichole.

"Yeah, thanks, see you later!" Masayang sabi ni Din.

Nagising na si Din at nakita niyang mamamatay na si Vaile kaya nagtransform na agad siya sa 4th stage nang unique niyang kapangyarihan at bigla siyang napunta sa kanang side ni Leo tapos sinuntok niya nang napakalakas si Leo at tumalsik si Leo pero nakatayo agad siya.

"Big bro Vaile!" Sigaw ni Din.

Hiniga ni Din ang walang malay na si Vaile sa lapag at humarap siya kay Leo.

"Prince Leo Crimson." Sabi ni Din.

"Prince Din Vasque." Sabi ni Leo. Nagulat si Leo sa suot ni Din.

"That outfit!" Inis na sabi ni Leo.

Inatake nila ang isa't-isa nang napakabilis at napakalakas tsaka ang lakas nilang dalawa ay magkapantay na sa isa't-isa.

Kung magclose-combat silang dalawa ay parang may makikita kang nagkikislapan na dalawang tuldok na napakabilis at sa kada buga nila nang magic or lakas ay may malalakas na tunog.

3 minuto na silang naglalaban pero hindi parin sila napapagod pero hinihingal na sila kaya tumigil muna silang maglaban, tumayo muna sila at hinahabol nila ang mga hininga nila.

"(Totoo nga! namaster ko na nga talaga ang 4th stage nang unique kong kapangyarihan.)" Sabi ni Din sa isip niya.

Ang ginamit ni Din na sword ngayon ay ang sword ng tatay niya at sinummon na niya rin ngayon ang sarili niyang sword kaya nakahawak na nang dalawang sword si Din ngayon.

Mas lumakas ang presence ni Din ngayon dahil hawak na niya ulit ang secret no. 2 niya na isang sword.

"Malalabas na nga rin ako nang weapon." Sabi ni Leo.

Nagsummon si Leo nang napakalaking at napakahabang hammer. Sumugod na si Leo kay Din at hinampas na ni Leo si Din ng hammer niya pero ipinangblock ni Din ang dalawa niyang sword.

Bumalik na si Leo sa dati niyang pwesto.

"Prince Leo, Ilalagay ko na ang lahat-lahat ng kakayahan kong matalo ka kaya humanda ka." Banta ni Din kay Leo.

"Sige ba, ako rin." Sabi ni Leo.

Inilagay ni Din ang lahat-lahat ng kapangyarihan niya sa dalawang sword na hawak-hawak niya at naaksidente niyang naitransform ang sarili niya sa 5th stage nang kapangyarihan niya. Inilagay naman ni Leo ang lahat ng kapangyarihan niya sa hammer niya na napakahaba at napakalaki.

Sumugod na sila sa isa't-isa at nung tatama na ang weapons nila sa isa't-isa ay bigla silang napunta sa ibang lugar, napunta sila sa forest at doon na dumikit ang mga weapons nila sa isa't-isa, nasa ere silang dalawa, by the way.

Nawala ang forest dahil sa ginawa nilang dalawa. Nung tatapakan na nila yung lupa ay bumalik na sila bigla sa training ground at doon na nila naitapak ang mga paa nila.

Sugatan at duguan silang dalawa kaya napaupo na si Leo pero nakakatayo parin si Din dahil sa secret no. 2. na suot niya. Bigla na lang nagteleport si Din sa likod ni Leo at bigla na lang namatay si Leo tapos saka lang nawalan ng malay si Din.

May dalawang taong lumitaw, kinuha nila si Leo at nawala na lang silang tatlo bigla. Tumakbo papunta si Ariel kay Din at niyakap niya ito habang nakaupo siya.

———

3 weeks later....

Hanggang ngayon ay hindi parin ayos ang mga nasira rito sa Suhllight Kingdom lalo na yung palace ni King Anthony. Nasa ospital si Din at....

"Din!" Sigaw ni Ariel sa tuwa dahil sa wakas ay nagising na si Din.

"Sino ka? Nasaan si Ana, Kuya Vaile at Ate Athenna?" Tanong ni Din. Nagulat si Ariel sa mga sinabi ni Din.

"D-Din, ako toh, si Ariel, ang girlfriend mo." Sagot ni Ariel.

"Huh? Si Ana lang ang kilala kong girlfriend ko tsaka isa pa paano kita magiging girlfriend kung hindi naman kita kilala?" Tanong ni Din. Naiyak na si Ariel dahil naisip niya na nagkaamnesia si Din sa mga bago niyang ala-ala at bumalik naman ang dati niyang mga ala-ala nung bata siya rito.

"Hahahaha." Tumawa si Din kaya natigil ang pag-iyak ni Ariel at napatingin siya kay Din.

"Joke lang! hahaha 'wag ka nang umiyak haha." Loko-lokong sabi ni Din.

Sinamaan ng tingin ni Ariel si Din at lumabas na si Ariel, iniwan niya sa loob si Din.

"(Ah ganon ah?)" Tanong ni Din sa isip niya.

Pumunta si Din sa bintana at binuksan niya 'yun.

"Ariel, sige ka, kapag iniwan mo ko rito tatalon ako rito sa bintana!" Sabi ni Din. Nagulat si Ariel sa sinigaw ni Din, 'di niya matiis si Din kaya pumasok na siya ulit sa kwarto ni Din.

"Sige, talon ka nga?" Tanong ni Ariel.

"Sige." Sagot ni Din at tumalon nga siya.

"Din!" Sigaw ni Ariel.

"Pilosopo?" Tanong ni Ariel.

"Pwede rin?" Sagot ni Din na patanong.

"Eh akala ko tatalon ka talaga eh, tumalon ka lang naman pala dyan sa kinatatayuan mo eh." Sabi ni Ariel.

"Ariel, halika ka may sasabihin ako sayo." Sabi ni Din.

"Ano yun?" Tanong ni Ariel habang naglalakad siya palapit kay Din.

Nung nakalapit na si Ariel at nakaharap na siya kay Din ay....

New world: The SS World (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon