Din's POV
Nandito na lahat ng mga tao sa grand ball, lahat ng mga royal family ay nandito pati narin ang iba pa naming kilala. Dito sa palace ni dad ang venue. Kasama ko rito sa table namin sina Ariel, Daren, at Ana. Pumunta na si dad sa taas.
"Good evening, Ladies and Gentlemen. Ngayong gabi ay iaannounce ko sa buong mundo na natalo na ng anak ko ang limang hari pati narin ako kaya ang next KING OF KINGS ay si PRINCE DIN VASQUE." Sabi ni dad.
Nagpalakpakan kami at naghiyawan ang mga tao.
"Pwede ko bang tawagin ang anak ko na pumunta rito sa stage." Sabi ni dad.
Tumayo ako sa upuan at naririnig ko na nagbubulungan silang lahat.
"Ang gwapo, malakas na, mabait pa."
"Sana siya ang mapangasawa ng anak ko."
Marami pa akong narinig na mga bulungan habang naglalakad ako papunta kay dad. Nung nakarating na ako ay nagsalita ulit si dad.
"Oo nga pala, saka lang makukuha ng anak ko ang titolo ko kapag naging 18 years old na siya." Sabi ni dad.
"He is my son, The Next King of Kings, Prince Din Vasque." Sabi ko.
Nagsihiyawan lahat ng mga tao at nagpalak-pakan.
"Dad." Sabi ko at nagnod siya.
"Pwede ko bang tawagin ang pinakamamahal kong babae na pumunta samin dito ni dad." Sabi ko at nagulat ang mga tao dahil meron na akong mahal. Nadisappoint ang nagsalita kanina.
Tumayo si Ariel. Nagulat ang mga tao dahil napakaganda ni Ariel. Muli, nagbulungan ang mga tao. Nung nakapunta na siya ay inakbayan ko siya.
"Meet my girlfriend, Princess Ariel Miller." Pakilala ko. Nagsipalak-pakan ang mga tao at naghiyawan din.
Humarap kami ni Ariel sa isa't-isa. Biglang may pumutok na mga fireworks kaya napatingin ang lahat doon, habang nakatingin lahat ng mga tao ron ay binaba na nina Daren ang banner.
Nung nawala na ang lahat ng fireworks ay bumalik na ulit ang tingin nila sa amin. Nagulat ang mga tao lalo na si Ariel dahil nakaluhod na ako sa harapan niya. Nakita niya rin ang banner.
"Will you marry me?" Basa ni Ariel. Nagblush si Ariel. Haha ang cute niya kapag nagbablush siya.
"..." -Ariel-
"Y-Yes." Sabi ni Ariel. Ano raw??
"Ano?? 'di ko marinig, pakilakasan please." Sabi ko.
"Yes!" Sigaw niya. Napakalaki ng ngiti ko.
Biglang tumugtog ang mga violinist ng romance songs. Isinuot ko na kay Ariel ang singsing. Tumayo na ako agad at yinakap si Ariel ng mahigpit, yinakap niya rin ako pabalik. Maya-maya lamang ay kumawala na kami sa yakap namin sa isa't-isa.
"Kiss! Kiss! Kiss!" Paulit-ulit na sigaw ng mga tao.
Binigyan ko si Ariel ng napakatamis na halik.
———
Pagkatapos lahat ng mga nangyari ay kinausap ako ni dad.
"Din, makikilala mo ang big brother mo sa realidad, excited ka na ba?" Tanong ni dad.
Nagulat ako dahil may big brother pala ako.
"Super Excited." Sagot ko ng nakangiti.
BINABASA MO ANG
New world: The SS World (book 1)
FantasyIsang araw may isang grupo na nakacape na kulay black at inatake nila ang mundo kung nasaan don nakatira sina Din. Dinala ng tatay ni Din sina Din at Ana sa ibang mundo at ang huling habilin sa kanya ng tatay niya ay dapat siya ang maging pinakamal...