Makalipas ng isang taon ay napakasweet na nina Din at Ana sa isa't-isa. Halatang gustong-gusto nina Ana at Din ang isa't-isa, nagkadevelopan na nga pero napakaaga naman.
Bihasa narin si Din sa pagc-close-combat. Ang pinag-aaralan at tinetraining naman ni Din ngayon ay ang paggamit niya nang light magic. As usual, ang bilis niyang matuto.
Biruin mo yun? ang isang 5 years old na bata ay bihasa na sa pagc-close-combat at nag-aaral na kung paano gumamit ng magic, pero sabagay itinadhana siyang maging hero nang mundong toh eh.
Nasa training ground kami ngayong apat ngayon at nakaupo't nagkekwentuhan.
*boom*
Napatingin kami sa narinig namin na sumabog.
"Teka lang Din at Ana ah? titignan lang namin yung narinig nating sumabog, dyan lang kayo." Utos ni Vaile. Tumango silang dalawa at pumunta na kami ni Athenna sa sumabog.
Napahinto kami sa paglalakad ni Athenna dahil may naramdaman kami na may malaking bato na babagsak samin galing sa sumabog. Bigla ko na lang naramdaman na may tumulak sakin at nadapa ako, nakita ko rin si Athenna na nadapa rin.
Paglingon ko sa malaking bato ay...
"DIN!!! ANA!!!" Sigaw namin ni Athenna.
Si Din at Ana ay duguan dahil tinulak nila kami kaya sila tuloy yung nabagsakan. Dumudugo ang ulo nila nang malubha.
Tumayo kami agad ni Athenna at tinulak namin ang malaking bato.
"Din!, Ana!" Sabi namin ni Athenna.
Nung nahawakan na namin ni Athenna sina Din at Ana ay bigla na lang kami tumalsik ng malakas sa wall. Ang huling beses ko na lang na nakita ay kinuha sina Din at Ana nang di ko kilalang lalaki at tsaka ako nawalan ng malay.
———
Pagkagising ko ay napaupo agad ako at...
"Din!!!" Sigaw ko.
"Nasaan ako?" Tanong ko.
"Nasa ospital ka, Vaile." Sabi ni mama.
"Si Din?" Tanong ko.
"Hindi ko alam kung nasaan pero sinundan na sila ni Ana roon ng pamilya nila." Sagot ni mama.
Pagkalingon ko sa kanang side ko ay nakita ko si Athenna na hindi parin gising.
"Ma, kailangan kong puntahan si Din." Sabi ko.
"Hindi pwede, ba ka hindi ka pa okay." Pagpipigil ni mama sa akin.
"Sasamahan ko po siya."
Napatingin kami ni mama sa nagsalita at nagulat ako na kagigising lang ni Athenna.
"Hindi pwede. Walang aalis sa inyong dalawa dahil ba ka hindi pa kayo okay." Sabi ni mama.
"I'm sorry, mama pero parang kababatang kapatid ko na si Din, kaya susunod ako sa kanila." Sabi ko.
"Sasama ako." Sabi ni Athenna.
"Sige, bahala ka." Sabi ko.
Sumunod na kami kina King Anthony. May nakita kaming portal na pasara na kaya pinasok namin agad yun ni Athenna at may mga dugo sa lupa kaya sinundan namin yun.
Nakita na namin sina King Anthony, ang reyna at ang pamilya ron ni Ana na kakatapos lang nilang makipaglaban sa kalaban namin.
Nagmadali kaming pumunta ron ni Athenna at nung nakarating na kami ron ay lumuhod kami ni Athenna sa harapan ni King Anthony.
BINABASA MO ANG
New world: The SS World (book 1)
FantasíaIsang araw may isang grupo na nakacape na kulay black at inatake nila ang mundo kung nasaan don nakatira sina Din. Dinala ng tatay ni Din sina Din at Ana sa ibang mundo at ang huling habilin sa kanya ng tatay niya ay dapat siya ang maging pinakamal...