"AaaAAHHH!!!" Sigaw ni Din.
"AaaAAHHH!!!" Sigaw ng lalaking 18 years old.
Napasigaw si Din dahil pagdilat niya ay may lalaking malapit sa mukha niya. Napaatras ang lalaki at si Din naman ay napaupo.
"Sino ka?!?!" Sigaw na tanong ni Din habang nakaturo ang index finger niya sa kanang kamay niya sa lalaki.
"Master Din, Ako po si Liam, ako po ang nasa loob ng singsing na 'yan." Sabi ni Liam.
"Ah, I see." Sabi ni DIn.
"Ako naman si Prince Din Vasque." Pakilala ni Din.
"Hindi ka na makakabalik dito sa singsing?" Tanong ni Din.
Biglang bumukas yung pinto kaya napatingin sina Liam at Din don.
"Din!" Nag-aalalang tawag nina Vaile, Daren, Ana, Athenna, at Ariel.
Huminga silang lima nang maluwag nung nakita nilang okay lang si Din. Nagulat silang lima at nagtaka nung nakita nila na may lalaki sa kwarto ni Din.
"Sino siya?" Tanong ni Ariel.
"Siya si Liam, dahil sa kanya ako nagulat at napasigaw. Dito siya sa singsing nakatira na binigay sakin ni King Thomas." Sabi ni Din at pinakita niya ang singsing, nagulat si Ariel dahil binuksan na pala ni Din yung box na binigay sa kanya ni King Thomas.
"Binuksan mo na pala? kelan pa?" Tanong ni Ariel.
"Kagabi lang." Sagot ni Din.
"Ah." Sabi ni Ariel.
Tumayo si Din at kinuha niya ang crown niya at ipinakita niya ito sa lima. Nagulat sina Vaile at Athenna dahil 'yang crown ni Din ay matagal ng nawawala.
"Your crown!" Sabi ni Athenna.
"Saan mo nakita 'yan? matagal na 'yan nawawala eh."Tanong ni Vaile.
"Nakalagay toh sa loob ng box na binigay sakin ni Ariel na galing King Thomas." Sagot ni Din.
"Ah." Sabi ni Vaile.
"Nasa kanya lang pala 'yan?" Tanong ni Athenna.
"Tara kumain na tayo!!" Aya ni Walren mula sa baba.
"Sige po!" Sagot nilang anim tapos bumaba na sila.
Kumain na sila at habang kumakain sila ay nagkekwentuhan silang walo.
"Master Walren, siya si Liam, ang secret no. 4." Sabi ni Din. Nagulat si Walren sa sinabi ni Din.
"Secret no. 4?" Hindi makapaniwalang tanong ni Walren.
"Opo." Sagot ni Din.
"Ah." 'Yan na lang ang nasabi ni Walren.
Pagkatapos nilang kumain ay pinakita rin ni Din kay Walren ang crown niya.
"Woah." Manghang sabi ni Walren pagkahawak niya sa crown ni Din.
"Ay oo nga pala, may gagawin pa pala ako ngayong oras." Sabi ni Walren. Binalik na ni Walren ang crown kay Din.
"Bye." Paalam ni Walren sa kanila at lumabas na siya nang pinto at gate.
"Bye." Paalam ng pito.
"Tara, Liam! punta tayong training ground!" Aya ni Din. Nagulat naman si Vaile dahil ganyan din ang pag-aya ni Din sa kanya dati.
Pumunta na sina Din at Liam sa training ground at dinala ni Din yung isang letter para sa stage 5 ng kapangyarihan niya roon. Binuklat ni Din ang letter at nagulat siya dahil iba pala yung nakuha niya kaya bumalik siya sa mansion ni Walren pero naiwan si Liam sa training ground.
May bigla siyang nasense si Liam na isang class A na demon kaya bigla siyang napunta sa likuran ng demon. Nagulat ang class A na demon dahil bigla na lang nawala si Liam na tinitignan niya kanina, hindi niya naramdaman at alam na nasa likod na niya pala ito.
Sinuntok ni Liam ng napakalakas ang class A na demon gamit ang kapangyarihan niya pero hindi tumalsik ang class A na demon dahil tumagos ang kanang kamay ni Liam na pinangsuntok niya sa likod nito. Namatay agad ang class A na demon at inalis na ni Liam ang kanang kamay niyang tumagos sa katawan nun.
Tumayo na si Liam ng parang walang nangyari.
"Brutal as ever, by the way, ikaw pala ang guardian ni Prince Din?, Big brother."
"(That voice!)" Sabi ni Liam sa isip niya.
Napalingon si Liam sa nagsalita. Nagulat siya sa nakita niya.
"Jayven." Sabi ni Liam.
"Himala, nasaan si Jayden? yung kambal mo." Tanong ni Liam.
"Ayun, may ibinigay sa kanyang special mission ni Daddy." Sagot ni Jayven.
"Ah, okay." Sabi ni Liam.
"Eh ikaw? anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Liam.
"Ah ang mission ko raw sabi ni daddy ay tignan ko raw kung anong nangyari rito sa Suhllight Kingdom." Sagot ni Jayven.
"Ah okay, mag-ingat ka." Sabi ni Liam.
"Sige na, Big brother. Bye." Paalam ni Jayven.
"Bye." Paalam din ni Liam tapos umalis na si Jayven.
Pagkaalis ni Jayven ay dumating naman si Din.
"Liam." Tawag ni Din.
"Ang bilis mo naman." Sabi ni Liam.
Nagstart na si Din na magtraining ng 5th stage nang kapangyarihan niya at pagkatapos non ay umuwi na sila. Nagbihis na si Din at isinuot na niya ang crown niya. Maya-maya lamang nung dumating na ang lalaking maghahatid at sundo kay Din ay lumabas na si Din ng mansion ni Walren.
"Prince Din, nice to meet you again, I am Laire the assistant of the Kings of King." Sabi ni Laire. Napa-woah si Din.
"Nice to meet you too." Sabi ni Din.
"Tara na." Aya ni Din.
Tumango si Laire at sumakay na sila sa napakagarang kalesa. Umalis na sila at habang nakasakay sina Din at Laire ay nagkekwentuhan sila.
"Umm, Laire." Tawag ni Din.
"Bakit po, your highness?" Tanong ni Laire.
"Pwede ko bang ilabas si Liam?" Tanong ni Din at nagtaka si Laire. Maya-maya lang ay na-gets din ni Laire ang sinasabi ni Din at lubha siyang nagulat.
"NasAiyo aNG SecRet nO. 4?!?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Liam.
"O-Opo." Sagot ni Din.
"Sige, sige po, Prince Din, wala pong ka-proble-problema." Sabi ni Liam.
"Ah okay, salamat." Sabi ni Din.
"Your welcome, your highness." Sabi ni Liam.
Itinapat ni Din ang kanang kamay niya kung nasaan ang singsing na suot niya sa harapan niya.
"Liam." Tawag ni Din.
Biglang lumitaw si Liam na nakaupo.
"Yes, master?" Tanong ni Liam.
"Wala, samahan mo kaming umupo rito." Sabi ni Din.
"Okay, master." Sabi ni Liam.
Makalipas ng tatlong araw ay nakarating na sila sa lugar kung saan nagmemeeting ang mga hari. Bumaba na sila at pumasok sa malaking meeting room.
"Nandito na si Prince Din Vasque." Sabi ni Faire nang nakapasok na kami kaya lahat ng mga hari ay napalingon samin at tinititigan nila ako.
BINABASA MO ANG
New world: The SS World (book 1)
FantasíaIsang araw may isang grupo na nakacape na kulay black at inatake nila ang mundo kung nasaan don nakatira sina Din. Dinala ng tatay ni Din sina Din at Ana sa ibang mundo at ang huling habilin sa kanya ng tatay niya ay dapat siya ang maging pinakamal...