Chapter 30

139 18 0
                                    

Monday...

     Back to school na naman sina Din, Ariel, Ana, at Daren. Pagkapasok nina Din at Ariel sa room nila ay maraming nag-ayiiee sa kanila. Nung lunch na ay lumapit si Ariel kay Din at bigyan niya si Din ng lunch box.

"Para sayo, Din." Sabi ni Ariel.

Napatingin si Din kay Ariel at napatingin siya sa lunch box na binigay sa kaya ni Ariel.

"Ang sweet naman ng girlfriend ko, salamat, Ariel, tikman ko nga kung masarap." Sabi ni Din.

Magkatabing kumain si Din at Ariel. Nagulat si Din dahil napakasarap pa lang magluto ni Ariel.

"Wow, Ang sarap! Ang galing mo palang magluto, Ariel? Ang swerte ko naman na ikaw ang future wife ko." Sabi ni Din.

"Th-Thank you." Sabi ni Ariel.

"Your welcome, Ariel." Sabi ni Din

Pagkatapos nilang kumain ay saktong may sumabog.

"Ano yun?" Tanong ni Ariel.

Lahat sila ay tumingin sa bintana at may nakita silang mga taong inaatake ang mga kapwa nila tao. Biglang pumunta si Din sa mga taong inaapi sa labas ng school nila.

Nung nasa gate na si Din ay biglang sumara yung gate kaya hindi na nakalabas si Din sa Gate. Sinundan siya nina Ana, Ariel, at Daren.

"Anong nangyayari?" Tanong ni Daren.

"Hindi rin namin alam eh." Sabi ni Din.

"Stay back, Prince Din. We will protect you. It's time naman na kami naman ang poprotekta sayo." Sabi ni Principal Augustin.

"What? Ano bang nangyayari ngayon?" Gulong-gulong tanong ni Din.

"Kaya sila rito pumunta dahil kukunin ka nila, dahil ikaw lang ang makakatalo sa kanila. Kaya ibubuwis namin ang buhay namin para sayo kasi ikaw lang ang makakatalo sa mga demons, ikaw lang ang taong uubusin ang lahi nang mga demons." Sagot ng Principal.

"Kung ako lang ang makakatalo sa kanila edi mamamatay kayo kapag kinalaban niyo sila." Sabi ni Din.

"Tama, kaya habang nakikipaglaban kami sa mga demons na nag-anyong tao ay umalis na kayong apat dito at hanapin niyo ang magkapatid na isang demon slayer pero bago niyo muna pala sila hanapin, hanapin niyo muna ang taong nagngangalang Walren Cleurr." Sabi ni Principal Augustin. Biglang nag-iba ang expression nina Ariel at Daren nung narinig nila sa ang magkapatid at napansin yun ni Din.

"No! I will help all of you!" Pilit ni Din.

"It's an order, Prince Din." Sabi ni Principal Augustin.

"Din, tara na." Aya ni Daren.

"What?! Pati ba naman ikaw, Daren? Sige nga, kung ikaw ang nasa posisiyon ko? siguradong yun din ang gagawin mo." Sabi ni Din. Sinuntok ni Daren ng malakas si Din para matauhan siya.

"What was that for??" Gulat na tanong ni Din.

"Baliw ka ba? kung hindi pa tayo aalis ngayon edi mas lalong marami ang mamamatay. At tsaka kung sakali namang makidnap ka nila ngayon, edi sila na ang maghahari rito sa SS World! at babalik na naman sa dati ang SS World magiging The Deadly, Despaired World, The DD World!!!." Galit na sigaw ni Daren. Nanginginig sa takot si Daren. Nagulat si Din sa mga sinabi ni Daren.

"Daren, umiiyak ka." Sabi ni Ana. Nagulat si Daren dahil hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya kaya umalis sa agad don, susundan na sana siya ni Ana kaso..

"Ako na." Sabi ni Ariel at sinundan na niya agad si Daren.

"Bakit ganon-ganon na lang ang reaksiyon ni Daren?" Tanong ni Din.

"Oo nga, nag-aalala tuloy ako sa kanya." Sabi ni Ana.

"Alam niyo kung bakit ganon yung reaksiyon niya?" Tanong ni Principal Augustin.

"Bakit po?" Tanong nina Din at Ana.

"Nung 6 years old kasi sila, naabutan nila ang panahon na yun at lahat ng mga matatalik na mga kaibigan niya ay namatay dahil pinatay sila nang mga kawal doon ng mga demons doon. Namatay din ang kuya ni Daren doon, si Prince Waren Miller, ang 1st prince nang Earsei Kingdom. Sobrang close pa naman nina Prince Waren at ni Prince Daren. Pinatay sila sa harap pa talaga ni Daren, nung kuya na niya yung pinatay ay bigla na lang siyang nagwala at bigla na lang namatay ang lahat ng mga demons. Dahil sa kanya natapos ang ang DD World at siya ang nagpalit ng pangalan nitong mundo, pinangalanan niya itong The SS World. Tanong nga kami nang tanong sa kanya kung bakit, SS World ang ipinangalan niya pero ayaw niya talagangsabihin kaya pinabayaan na lang namin." Kwento ni Principal Augustin.

"Daren." Sabi nina Din at Ana.

"Sige po, Principal Augustin, susunod na po ako." Sabi ni Din.

"Mabuti naman at naliwanagan ka na kahit na light magic ang power mo." Sabi ni Principal Augustin.

"Ana, pwede bang pakisabi kina Ariel at Daren na aalis na tayo." Request ni Din.

"Sige, walang problema." Sabi ni Ana at umalis na siya.

"Nahanap ko na ang magkapatid, Principal Augustin." Sabi ni Din.

"Sino?" Tanong ni Principal Augustin.

"Ang magkapatid na yun ay sina Ariel at Daren." Sagot ni Din.

"Tama, as expected to you, Prince Din." Sabi ni Principal Augustin.

"Paano mo naman nalaman?" Tanong ni Principal Augustin.

"Kasi Light magic at Demon Slaying powers lang ang nakakatalo sa mga demons at tsaka napansin ko na nag-iba ang expression nina Ariel at Daren nung narinig nila yung word na magkapatid. Pero ang tanong ko lang is bakit may ganong kapangyarihan si Ariel?" Tanong ni Din.

"(Mahusay ka talaga, Prince Din.)" Sabi ni Principal Augustin sa isip niya.

"Alam mo ba yung history ni Ariel na nakapata-" Hindi na naituloy ni Principal Augustin ang sasabihin niya dahil biglang nagsalita si Din.

"Alam ko." Sagot ni Din.

"Alam mo pala. Kahit na alam mo yun minahal mo parin siya ah?" Tanong ni Principal Augustin.

"Syempre, kung mahal mo talaga ang isang tao, tatanggapin mo siya kahit ano pa mang meron sa kanya." Sagot ni Din.

"Si Prince Waren ay mayroong SP, Spirit Partner, katulad mo Prince Din, eh namatay siya di ba? kaya pumili nang bagong amo ang SP niya at ang pinili nang SP niya ay si Princess Ariel. Dapat nga kay Daren kaso nga lang mayroon ng SP si Daren." Sabi ni Principal Augustin.

"Ah, I see. Salamat sa pagsabi, Principal Augustin." Sabi ni Din.

"Your welcome, Prince Din. Oh, nandiyan na sila." Sabi ni Principal Augustin. Napalingon si Din kina Daren, Ariel at Ana.

"Sor-" Sabay na magsosorry sana sina Din at Daren sa isa't-isa kaso nga lang biglang nagsalita si Principal Augustin.

"Mamaya na kayo mag-sorry sa isa't-isa, umalis na kayo, mag-ingat kayo at tsaka na kayo bumalik dito sa Earsei Kingdom kapag pinatay niyo na lahat ang mga demon, all of you are a great students from this Kingdom the special school, Goodbye." Paalam ni Principal Augustin.

Hindi nila namalayan na nakapasok na ang ilang mga demons sa special school kaya umalis na agad sina Din, Daren, Ariel at Ana, ni hindi man lang sila nakapagpaalam sa mga mahal nila sa buhay sa Earsei Kindom. Umiiyak silang apat habang tumatakbo paalis sa Earsei Kingdom.

"Pinapangako namin na papatayin namin lahat ng mga demons!" Sigaw nilang apat.


---------

Author's Note:

Saan na kaya tutuloy ang apat? At tsaka ang sunod-sunod nilang kasiyahan sa Earsei Kingdom ay napalitan ng ganitong napalungkot na pangyayari. Kawawa naman silang apat at tsaka paano na yung lola nina Din at Ana? Nasaan na yung sinabi nila sa lola nila na poprotektahan daw nilang dalawa ang lola nila? Ano na main characters?! hahaha nagagalit tuloy yung author haha. Ano kaya ang next na mangyayari? abangan natin yan kung anong maisip ng imagination at utak ko hahaha.

New world: The SS World (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon