Chapter 25

145 19 0
                                    

     Nasira ang 1/4 ng Earsei Kingdom. Nakahiga si Ana at siya ay Sugatan at duguan habang si Zed naman ay nakatayo pero sugatan. Nagsuka nang dugo si Ana.

"Weak." Sabi ni Zed tapos naglabas siya nang dagger at sinaksak niya si Ana pero hindi natuloy yun dahil biglang nawasak ang maskara niya. Gulat na gulat si Ana sa nakikita niya ngayon.

"Daren." Sabi ni Ana at nawalan na siya nang malay.

"A-Ana!!" Sigaw ni Zed or Daren. Bumalik na si Zed sa pagiging Daren. Gulat na gulat si Daren dahil may hahawak-hawak siyang dagger at nakaupo siya sa tabi ni Ana. Gulong-gulo si Daren sa mga nangyayari ngayon.

"D-Did I do this to you? Ana? Kung oo, I am really sorry." Sabi ni Daren.

[Balik na tayo kay Din.]

"I am really serious now, Mordred." Sabi ni Din sabay nagglare siya kay Mordred. Ramdam naramdam ang presence ni Din sa buong paligid.

"(Bakit parang may nagbago sa kanya? tsaka bakit parang may something din sa kanya?)" Tanong ni Mordred sa isip niya.

"(I think we will surrender this time or must I say I not we.)" Sabi ni Mordred sa isip niya.

"ARGHH." Galit na sabi ni Mordred.

"Bakit? natatakot ka na ba, Mordred? nasaan ang tapang mo?" Tanong ni Din ng seryoso.

"Tsk, HA HA HA HA." Sabi ni Mordred.

"Ako? matatakot? are you kidding me? DIN!!!" Sigaw ni Mordred na galit.

"Sure?" Tanong ni Din. In-activate na ni Din ang stage 4 niya at naging kulay white ang buong katawan niya tapos naging color gold ang mga mata niya tapos naging napakalakas ng presence niya. Naging 25 patong ang lakas niya sa isang hari, parang pinagsama ang lahat ng walong hari sa lakas niya kapag ina-active niya ang stage 4. 

     Biglang napunta si Din sa likod ni Mordred at bigla na lang namatay si Mordred.

"There is no doubt about it, you are Prince Din, the-" Hindi na naituloy ni Mordred ang sinasabi niya dahil namatay na siya.

"I told you that I am serious, Mordred." Sabi ni Din at nawalan na siya nang malay.

[Doon naman tayo kina Ariel, King Thomas at iba pa.]

     Nagulat sina King Thomas dahil biglang nawala ang mga demon soldiers ni Mordred na nakikipaglaban malapit sa medical place.

"Tapos na, natalo na ni Din si Mordred." Sabi ni King Thomas.

     Nagdiwang ang lahat ng mga tao. Tumayo na si King Thomas at pupunta na kay Din, biglang tumayo rin si Ariel.

"Sasama po ako, King Thomas." Sabi ni Ariel. Pagkapunta nina Ariel at King Thomas kay Din ay dali-daling tumakbo agad si Ariel kay Din na nakahiga.

"Din!" Sigaw ni Ariel.

"Wag kang mag-alala okay lang siya, oo nga pala, Ariel, dahil ginamit niya ang stage 4 ng kapangyarihan niya ay 2 linggo siyang ganyan para marecover ang lahat na nawalang magic power(MP) sa kanya. Bukas pala aalis na ako rito kaya ikaw na ang bahala sa kanya. Ariel, sa totoo lang, kaya wala ako bukas dahil may special mission ako galing sa king of kings, hindi rin ako sigurado kung makakabalik ako rito nang buhay dahil class SS ang special mission na yun, kaya kung hindi ako makakabalik dito nang buhay, ibigay mo sa kanya itong box na ito. Wag na wag niyo tong bubuksan, dapat si Din lang, okay? Tsaka gagawin ko rin ang best ko na makabalik dito." Sabi ni King Thomas.

"Masusunod po, King Thomas." Sabi ni Ariel.

"Sige, ako na ang magdadala kay Din sa medical place. Hanapin mo na si Ana." Sabi ni King Thomas. Sinunod yun ni Ariel at nung nakapunta na siya kung saan pumunta si Ana kanina ay gulat na gulat siya at hindi talaga siya makapaniwala.

New world: The SS World (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon