Maraming salamat po sa mga nagbasa ng story ko at sorry din po sa mga typo. Honestly, may book 2 pa po ito kaya sana po marami pa po ang makabasa ng story ko para ganahan akong ituloy yung book 2 haha.
Sa book 2, doon na talaga sila magkakaroon ng real adventure at pupunta na sila sa realidad kung saan nandoon talaga yung totoo nilang mga kalaban tsaka makikilala niyo ang kuya ni Din sa book 2 at marami pa pong mga plot twist na magaganap sa book 2. Hahanapin din ni Din sina Aero Vasque at Princess Charlotte Crimson. Ano kaya ang magiging reaksyon nila na si Ana ay si Charlotte Crimson? Ano rin kaya ang magiging reaksyon ni Daren na niloloko lang pala siya ni Ana? Sino rin kaya yung lalaking nasa loob ni Din? Bakit kaya SS world ang title ng story? Ano kaya ang meaning ng SS? Abangan lahat 'yan sa book 2 kaya sana rumami ang mga magbasa para matuloy yung book 2 para ganahan akong mag sulat haha.
Muli, maraming salamat sa mga nagbasa ng story ko. Sinimulan ko ito nung october 5, 2019 at natapos ito ngayong araw, december 22, 2019. Oo nga po pala, sana basahin niyo rin ang bago kong story pero sa bagong story na 'yun ay kasama ko ang mga kaibigan ko sa paggawa non. Ang title non ay "Obscure Entity". Maraming salamat.
BINABASA MO ANG
New world: The SS World (book 1)
FantasyIsang araw may isang grupo na nakacape na kulay black at inatake nila ang mundo kung nasaan don nakatira sina Din. Dinala ng tatay ni Din sina Din at Ana sa ibang mundo at ang huling habilin sa kanya ng tatay niya ay dapat siya ang maging pinakamal...