"Sige na, Prince Din, may pag-uusapan pa kami rito, puntahan mo na yung dalawa mong kaibigan at sabihan mo na sila tapos pumuta kayo rito kasama ang mga bagahe niyo, see you soon." Sabi ni King Reigh.
"Okay." Sabi ni Din. Tumayo na si Din.
"Tara na, Liam." Sabi ni Din at umalis na silang tatlo ron.
Sumakay na silang tatlo sa sinakyan nila kanina at umandar na sila pabalik sa mansion ni Walren. Habang nakasakay sila ay may nahagip si Din na dalawang kambal na batang lalaki kaya pinahinto niya sinasakyan nila.
"(Jayden! Jayven!)" Gulat na sinabi ni Liam sa isip niya.
Bumaba na si Din sa sinasakyan nila at pumunta sa magkakambal.
"Mga bata anong ginagawa niyo rito sa gitna ng gubat?? Umuwi na kayo dahil delikado rito sa labas. Saan kayo nakatira? Anong pangalan niyo?" Sabi ni Din.
"Ako po si Jayden at siya naman po si Jayven..." Sabi nang isa sa kambal at bigla silang umiyak.
"Oh bakit kayo uumiyak??" Tanong ni Din.
"Pinatay po kasi ng mga demons ang pamilya namin at kaming dalawa lang po ang nakasurvive." Paliwanag ng isa sa kanila habang umiiyak. Nagulat si Din. Napayuko si Din at nagalit.
"'Wag kayong mag-alala dahil ako ang tatapos sa lahi ng mga demons, ipaghihigante ko ang pamilya niyo, tandaan niyo 'yan." Sabi ni Din tapos binaling na ulit niya ang ulo niya sa kambal.
"Talaga po?" tanong ng kambal.
"Promise." Sabi ni Din. Biglang sumaya ang kambal.
"Yey! pero kuya gusto rin po namin na sapakin yung mga demons haha." Sabi ni Jayven.
"Wow, ang tapang niyo naman." Sabi ni Din.
"Talaga po?" Tanong ng kambal.
"Oo, by the way, saan kayo tutuloy ngayon?" Tanong ni Din.
"Hindi po namin alam." Sagot ng kambal.
"O siya sige, aampunin ko na lang kayo." Sabi ni Din.
"Papa." Sabi ni Jayden.
"Papa talaga? ang bata ko pa ho haha sige kung gusto niyo." Sabi ni Din.
"Makikilala niyo mamaya yung mama niyo." Excited na sabi ni Din. 8 years old pa lang ang kambal.
"Tayo na." Aya ni Din.
Sumakay na sila sa sinakyan nila kanina at nagsimula na itong umandar. Nung gabi na ay nakasandal na natulog ang kambal kay Din.
———
Pagkauwi nila sa mansion ni Walren ay pumasok na agad sila sa loob.
"O Din." Sabi ni Walren.
Bumaba agad si Ariel galing sa kwarto niya.
"Din!" Tawag ni Ariel.
"Ariel." Sabi ni Din. Lumapit si Ariel kay Din. Napansin ni Ariel ang kambal kaya nabaling ang atensyon niya sa kanila.
"Hello, kids. Anong pangalan niyo?" Tanong ni Ariel.
"Ako po si Jayven at siya naman po si Jayden." Pakilala ni Jayven.
"Mama." Tawag ni Jayden kay Ariel. Nagulat si Ariel.
"Papa." Tawag naman ni Jayven kay Din.
"Ariel, simula ngayon tatawagin nila tayong mama at papa." Sabi ni Din. Nagulat si Ariel at nagblush.
"What?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Ariel.
"Yeah." Sagot ni Din.
"Ayaw mo?" Tanong ni Din.
BINABASA MO ANG
New world: The SS World (book 1)
FantasyIsang araw may isang grupo na nakacape na kulay black at inatake nila ang mundo kung nasaan don nakatira sina Din. Dinala ng tatay ni Din sina Din at Ana sa ibang mundo at ang huling habilin sa kanya ng tatay niya ay dapat siya ang maging pinakamal...