"Ikinagagalak din naming mga Hari na makilala kayo, Yin yang." Sabi ni King Zack.
"Ariel, Daren, hindi niyo man lang nasabi samin ang bagay na 'yan." Sabi ni Din.
"Pasensya na Din, ngayon lang din namin kasi nalaman na totoo pa lang ang ikinukwento samin ni Daren ni lolo." Sabi ni Ariel.
"So, let the training... begin!" Pagdedeklara ni King Alexander.
---
Kasalukuyan kaming nasa isang napakalaking training field.
"Itong training field na 'to ay ang pinakamalaki sa buong mundo." Sabi ni King Reigh.
"Wow." Sabi nina Jayven at Jayden.
"First of all, unahin natin kung paano gamitin ang kapangyarihan ng yin yang." Sabi ni King Alexander.
"Prince Daren at Princess Ariel kay King Zack kayo magtetraining nang isang taon." Sabi ni King Alexander.
"At ikaw naman Prince Din ay kay Faire at sa aming natirang hari na available. Pagkatapos pala ng sampung buwan ay magkakaroon kayo ng duel sa aming mga hari. Prince Din VS All the Kings and Yin yang VS All the Kings." Sabi ni King Alexander. Pumunta na silang tatlo sa kani-kanilang bagong master at nagsimula na rin agad.
Habang nagtetraining silang tatlo ay doon muna tayo kina Walren.
"Umm, Master Walren, gusto ko po sanang maglakbay, around the world habang nagseself-training po ako, puwede po ba?" Tanong ni Ana.
"Ah sige lang basta mag-ingat ka ah?" Sabi ni Walren.
"Kami na lang muna ang mag-aalaga kay Terrence." Sabi ni Athenna.
"Ah sige po, maraming salamat po. Sige na po, mag-aayos na ko para makakaalis na po ako bukas ng maaga." Sabi ni Ana at pumunta na siya ng kwarto niya para mag-ayos.
"Master Walren, nararamdaman ko pong sina Din at Ana ang isa pang yin yang." Sabi ni Vaile.
"Yeah, nararamdaman ko rin." Sabi ni Walren.
Kinabukasan ng maaga ay umalis na si Ana.
"Bah-bye, ingat!" Sabi nina Vaile, Athenna at Walren.
"Thank you, kayo rin!" Sabi ni Ana at tumuloy na siya sa paglalakad.
Ana's POV
Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa gitna ng gubat dito sa aming lugar kasi may imimeet ako ron. Nung nakarating na ako ron ay....
"Hi princess!" Bati sakin ni... Mordred.
"Hi prince Mordred." Bati ko rin sa kanya.
Nagsinungaling ako sa kanila, hindi talaga ako maglalakbay around the world habang nagtetraining dahil ang totoo ay ako ang tunay na anak ng hari ng crimson family at babalik na ako sa kanila tutal nasa ibang lugar naman ang ini-spy ko eh, silang tatlo, Din, Ariel, at Daren.
"Nice act!" Masayang sabi namin ni Mordred sa isa't-isa at nag-apir, ang totoo ay magpinsan kaming apat. Si Dad ang hari ng Plurk Kingdom tapos may batang kapatid si dad at 'yun ang ama nilang tatlo ni Mordred. Lahat ng mga pinakita ko kina Din, sa kanilang lahat ay act lang 'yun lahat, 'di 'yun totoo.
Binuksan na ni Mordred ang portal at pumasok na kami ron. Pagkalabas namin sa portal ay bumungad sa akin ang lugar ni Dad. Argh, namiss ko lahat-lahat ang mga nandito.
"Dad!" Tawag ko at lumapit ako sa kanya para yakapin siya.
"May princess!" Tawag din sakin ni Dad. Nagyakapan kami ni dad at maya-maya lang ay kumalas na kami ron.
"Ana anak, after 1 year bumalik ka ulit kina Din tapos ituloy mo lang pagpapanggap mo. Itetrain ka ni Kuya Leo mo rito in 1 year.
"Sige po, dad, masusunod po." Sabi ko.
"Umm dad, may tanong po ako." Sabi ko.
"Ano 'yun."
"Bakit parang hindi sina Mordred, kuya Fraile at kuya Leo ang umaatake sa mundo nina Din?" Tanong ko kasi parang may kakaiba eh. Nagulat sina Mordred at Dad sa tanong ko.
"What?? hindi naman sila umaatake eh." Sabi ni Dad.
"Oo nga, hindi pa kami nagma-make ng move." Sabi ni Mordred. Nagulat ako sa sinabi nina Mordred at Dad.
"Edi sino sila???" Takang tanong ko.
Nagkatinginan lang kaming tatlo rito. Napatayo si Dad at nagdeklara siya ng emergency meeting. Umalis na kami ni Mordred sa lugar ni Dad dahil magmemeeting sila ron. Naglalakad na kami ngayon ni Mordred papunta sa lagi naming tinatambayan dito sa palasyo.
"Mordred, seryoso, kamukhang-kamukha niyo talaga at parehas na parehas kayo ng ugali at ng kapangyarihan." Sabi ko.
"Sino kaya sila?" Tanong ni Mordred.
"Kaso nga lang ang ipinagtataka ko is mas malakas kayo sa kanila nila ng limang patong. Ang akala ko nga nung una eh hindi niyo sineseryoso eh hanggang sa lagi silang natatalo kay Din, eh kilala ko pa man din kayo na hindi kayo nagpapatalo." Sabi ko.
"Humanda sila samin kapag nakilala namin sila." Pagbabanta ni Mordred.
I feel sorry for Daren kasi halata naman na mahal niya ako eh kaso nga lang acting-acting ko lang din yung kunwari mahal ko rin siya, too bad, Prince Daren.
"Anong iniisip mo?" Tanong ni Mordred sa akin. Hindi muna ako sumagot kay Daren dahil napansin kong nandito na kami sa tambayan namin.
"Nandito na pala tayo." Sabi ko tapos umupo na kami.
"Kwento mo naman sakin lahat ng nangyari." Sabi ni Mordred.
"Sige." Pagpayag ko.
Matapos kong ikuwento kay Mordred ang lahat ay lunch time na kaya kumain na kami. In-enjoy namin ni Mordred ang araw ngayon kaya deretso agad kami sa sarili naming kwarto nung gabi na dahil napagod kami.
Kinabukasan, nagsimula na aking training, I mean namin pala. Nung water break na naming apat ay...
"After 1 year, yung mga kumopya sa katauhan niyong tatlo ay nagdeklara ng war kina Din." Sabi ko at ikinagulat nila 'yun.
"After 1 year babalik ka ron di ba? edi kailangan mo talagang magtraining kasi pagbalik mo ron war na eh tsaka sipain mo nga yung mga 'yun para samin." Sabi ni Kuya Fraile.
"Haha sige sige." Pagpayag ko naman.
By the way, nasa ibang mundo pala kami, wala kamim sa SS World.
"Okay, tapos na ang water break! tara na uli!" Sabi ni Kuya Leo.
"Yeah!" Sabi ko at bumalik na sa pagtetraining.
Narrator's POV
After 8 months kina Din ay ito na ang araw na kakalabanin niya ang lahat ng mga hari na mag-isa lang siya. Nasa napakalaking Training Field sila ngayon at nakatayo na si Din sa field at kaharap niya ang limang hari. Nakaupo naman sina Daren, Ariel, Jayven, Jayden at Faire sa audience sit.
"Ito na ang pinakaiintay naming araw, Din." Sabi ni King George.
"Malaki ang expectation namin sa'yo, Prince Din." Sabi naman ni King Alexander.
"(Grabe, ang laki ng ipinagbago ng aura ni Din.)" Sabi ni King Ralph sa isip niya.
"Faire, ikaw na lang ang referi." Utos ni King Reigh.
"Okay po." Sabi ni Faire at pumagitna na siya kina Din at sa mga hari.
"Ready...
.
.
.
.
.
set...
.
.
.
.
.
...GOOOO!!!!!" Sigaw ni Faire.
BINABASA MO ANG
New world: The SS World (book 1)
FantasíaIsang araw may isang grupo na nakacape na kulay black at inatake nila ang mundo kung nasaan don nakatira sina Din. Dinala ng tatay ni Din sina Din at Ana sa ibang mundo at ang huling habilin sa kanya ng tatay niya ay dapat siya ang maging pinakamal...