2 years later...
Earsei Kingdom. Nakabalik na agad si Ariel sa Earsei Kingdom agad dahil ito ay inaatake nina Mordred. Sa ngayon, si Ariel, King Arthur, at Olivia ang kumakalaban kay Mordred.
Mas lumakas si Mordred ngayon naging halimaw na siya. Sugatan at duguan na silang tatlo.
"Where is Din???" Tanong ni Mordred. Kanina pa yan tinatanong ni Mordred.
"Hindi nga namin alam." Sagot ni Ariel.
Hindi na makatayo sina Ariel, Olivia at King Arthur dahil sa malubha na mga sugat. Gumawa nang napakalaking diamond na shape si Mordred na kulay peach-black at hinagis na niya ito agad kina Ariel.
"(Eto na yata ang katapusan.)" Sabi ni Ariel.
Binato na ni Mordred yun kina Ariel. May biglang lumitaw sa harapan nina Ariel, Olivia, at King Arthur at blinock niya yun gamit ang D diamond niya. Nagulat si Mordred dahil may kayang sumalag sa atakeng yun, at mas lalo naman siyang nagulat nung nakita niya kung sino yun, nagulat din sina Ariel, King Thomas, at Olivia kung sino yun.
"Sorry, I'm late. By the way, I'm back, everyone." Sabi ni Din.
"D-Din." Sabi ni Ariel.
"(So, siya pala yung kwinikwento sakin ni Ariel.)" Sabi ni Olivia sa isip niya.
"It's okay, now go, Din, We have a 100% fate in you." Sabi ni King Arthur.
"Yeah, Thanks." Sabi ni Din tapos bigla siyang napunta sa harapan ni Mordred, sinuntok ni Din ng napakalakas si Mordred gamit ang light magic niya, tumalsik si Mordred ng napakalakas at napakabilis sa sunod-sunod na magkakahilerang mga bahay.
"Woah." Sabi nina Ariel, Olivia, at King Thomas.
"King Thomas, thanks for training him." Pagpapasalamat ni King Arthur kay King Thomas.
"Your welcome. Anyways, that is the 3rd stage of Din's unique power." Sabi ni King Thomas.
"Ano yung tatlong diamond sa likod ni Din?" Tanong ni Ariel.
"Yung nasa gitna ay ang H Diamond. Ang H Diamond ay ginagamit niya pangheal sa mga nasugatang parte nang kataan niya. Yung nasa kanang side naman na diamond niya ay A Diamond. Ang A Diamond ay pwede niyang gawing kahit anong weapon, pwede niya ring iatake yun sa kalaban niya kaso nga lang kapag ginawa niya yun ay mawawala na ang 3rd diamond niya or A Diamond. At yung nasa kaliwa naman ay ang D Diamond. Ang D Diamond ay ginamit niya kanina, yun ay pangdepensa." Sabi ng Thomas.
Tumayo na si Mordred na parang walang nangyari sa kanya.
"What the?" Tanong nina Ariel, Olivia, at King Arthur.
"Summoning: The leader, the most powerful or the 13th members of my disciples, Zed!" Cast ni Mordred.
May isang lalaking lumitaw sa harapan ni Mordred.
"Go!" Utos ni Mordred.
Inatake ni Zed si Din pero di natuloy yun dahil biglang sinipa si Zed ng napakalakas kaya tumalsik siya nang mabilis sa mga bahay at bumaon siya ron.
"Ana." Sabi nina Din at Ariel.
"Hi, Ariel, Din." Sabi ni Ana.
"Hello." Sabi nina Ariel at Din.
"Go, Din, ako na ang bahala sa sinipa ko." Sabi ni Ana. Pumunta na si Ana sa lalaking sinipa niya na isang leader ng mga disciples ni Morded.
Biglang sinummon ni Mordred ang 12 niyang disciples. Nailagay narin ni King Thomas sina Ariel sa medical place at siya na ang nagbantay don para kapag may mga kalaban na lumapit ay mamamatay agad.
Sumugod kay Din ang anim na disciples ni Mordred ng sabay-sabay at wala pang mga 5 minuto ay natalo na niya agad ang anim na sumugod sa kanya.
Sumugod na lang ulit ang anim pang natitira na disciples ni Mordred kay Din. Linabas na ni Din ang sword niya, ang secret no. 1 at nung inatake na siya nang anim na natirang disciples ni Mordred ay bigla siyang nawala sa pwesto niya, napunta siya sa likod nilang lahat at bigla na lang namatay lahat ng anim na natirang disciples ni Mordred.
Gulat na gulat si Mordred.
"I am really serious now, Mordred." Sabi ni Din sabay nagglare siya kay Mordred.
[Doon naman tayo kay Ana.]
Mga 6 minuto na ata naglalaban sina Ana at Zed. May maskara si pala si Zed.
"Pwede mo bang tanggalin yang maskarang yan?" Tanong ni Ana. Huminto muna silang dalawa sa pakikipaglaban.
"Bawal." Sagot ni Zed.
"Bakit? para saan ba yan?" Tanong ni Ana.
"Hindi ko alam, basta pagkabuhay ko, may maskara na ako at sabi sakin ni master Mordred na wag na wag ko raw ito tanggalin." Sabi ni Zed.
"Ah okay." Sabi ni Ana.
"Magiging seryoso na ako ah?" Sabi ni Zed.
"(What? hindi pa siya seryoso sa lagay na yan??)" Tanong ni Ana sa isip niya.
"Humanda ka." Banta na Zed.
Biglang nagbago nang appearance si Zed tapos bigla namang hindi makagalaw si Ana.
"I can't move!" Sabi ni Ana.
Pinagsususuntok at pinagsisisipa ni Zed si Ana, sumuka nang dugo si Ana dahil don.
"Weak. Akala ko pa naman na hindi ako mabobored sayo, how disappointing." Sabi ni Zed.
"Oh really? Are you even sure? Excuse me 'cause i'm not done yet. Nagsisimula pa lang din ako." Sabi ni Ana. Biglang nagbago nang itsura si Ana at may biglang lumitaw na Ice Dragon sa likod ni Ana.
Lubhang natakot si Zed. Biglang nakaramdam ng goosebump si Zed sa Ana.
"Sa tingin mo ikaw lang ang merong ganyan?" Tanong ni Zed. Bigla ring may lumitaw na peach-black na dragon sa likod ni Zed.
Biglang nakakagalaw na ulit si Ana at naglaban na ulit sila ni Zed pati ang mga dragons nila. Pinagsususuntok at pinagsisisipa ni Ana si Zed at maya-maya lamang ay biglang bumaliktad ang nangyayari, si Zed naman ang nagsususuntok at nagsisisipa kay Ana. Pagkalipas ng ilang minuto ay naging tie ang laban ng dragon nila.
Pagkalipas ng ilang minuto ay gumamit na sila nang magic nila. Ginawang Ice ni Ana ang lupa na tinatapakan nila pero dinevour yun ni Zed gamit ang dark or demon magic niya. Biglang nagtransform si Zed sa pinakalast stage nang power niya at ganon din si Ana.
Black ang aura ni Zed habang si Ana naman ay kulay light blue. Naglabas din si Ana nang spear."Tapusin na natin toh, sa isang shot." Sabi ni Zed.
"Yeah." Sabi ni Ana.
Inipon lahat ng lakas ni Ana sa spear niya habang si Zed naman ay sa kanang kamao niya. Inatake na nila ang isa't-isa.
"aaaaaAAAHHHHHHHH" Sigaw nilang dalawa.
*bbBOOooOoOOMm
Nasira ang 1/4 ng Earsei Kingdom.
BINABASA MO ANG
New world: The SS World (book 1)
FantasyIsang araw may isang grupo na nakacape na kulay black at inatake nila ang mundo kung nasaan don nakatira sina Din. Dinala ng tatay ni Din sina Din at Ana sa ibang mundo at ang huling habilin sa kanya ng tatay niya ay dapat siya ang maging pinakamal...