Chapter 33

106 15 0
                                    

"A-Athenna??!" Hindi makapaniwalang tanong ni Vaile. Lumapit agad si Athenna kay Vaile at nagyakapan silang dalawa.

"It's been a year simula nang huli tayong magkita." Sabi ni Athenna.

"I miss you so much, Athenna." Sabi ni Vaile.

"I miss you so much too, Vaile." Sabi ni Athenna.

Nagulat sina Ana, Ariel, Daren, at Din kina Athenna at Vaile dahil nagkiss sila.

"Oo nga pala, Din, Daren, Ariel, at Ana, siya si Princess Athenna, girlfriend ko. Athenna, sila si Ana Chrislet, Princess Ariel Miller, Prince Daren Miller at Prince Din Vasque." Sabi ni Vaile.

"Prince Din Vasque?! at Ana Chrislet?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Athenna.

"Opo, bakit po?" Tanong nina Din at Ana.

"Ay oo nga pala hindi mo pala kami maalala." Sabi ni Athenna.

"Sorry po." Sabi nina Din at Ana.

"Hindi, okay lang." Sabi ni Athenna.

"Big sis, Athenna, girlfriend ko nga po pala, si Ariel." Sabi ni Din. Nagulat si Athenna.

"Bakit? hindi na si Ana? eh ang sweet-sweet niyo kaya dati, Din, anong nangyari?" Tanong ni Athenna.

"Athenna, malalaman din nila yan 'pag bumalik na yung ala-ala nila." Sabi ni Vaile.

"By the way, Big sis Athenna, gusto ko pong maging King of Kings kasi kapag naging King of Kings ka na ibigsabihin non ay ikaw yung pinakamalakas." Pag-iiba nang topic ni Din dahil napansin niyang hindi na komportable sina Ariel at Daren.

"Honestly, Din—" Hindi na naituloy ni Athenna ang sasabihin niya dahil hinawakan ni Vaile ang kanang balikat ni Athenna gamit ang kaliwang kamay niya.

"Wag muna." Bulong ni Vaile kay Athenna. Tumango si Athenna.

Naramdaman agad ni Vaile na may matulis na bagay na tutusok kay Athenna kaya bigla siyang nawala sa kinatatayuan niya dahil hinawakan ni Vaile ang paparating na matulis na bagay na tutusok sa likod ni Athenna at nahanap niya agad ang bumato non kaya bigla siyang lumitaw sa harapan ng bumato at sinaksak niya yun gamit ang matulis na bagay na binato nang bumato. 2 seconds lang yun ginawa lahat ni Vaile.

"Woah, amazing." Sabi ni Din.

"Alam mo ba na idol mo siya dati? at sa tuwing nakikipaglaban siya ay lagi kang naaastigan sa kanya." Sabi ni Athenna kay Din. Bumalik na si Vaile sa tabi ni Athenna.

"Pwede po ba na pagbalik natin sa mansion ni Master Walren ay ikwento mo po sa akin ang buhay ko dati rito sa mundong toh?" Request ni Din kay Vaile.

"Sige ba, walang problema." Pagsang-ayon ni Vaile.

"Bumalik na tayo sa mansion ni Walren para maikwento ko na sa inyo ang buhay dati rito ni Din." Aya ni Walren.

     Hindi nila alam na may isang taong nakatingin sa kanila at pinapanood sila. Nung nakabalik na sila sa mansion ni Walren ay nagulat si Walren dahil bumalik na si Athenna.

"Kamusta na Athenna?" Tanong ni Walren.

"Okay lang po, eh ikaw po?" Tanong ni Athenna.

"Okay lang din." Sagot ni Walren.

"Tara upo na tayo sa sofa." Aya ni Walren. Umupo na silang pito sa sofa.

"Master Walren, ikukwento ko kay Din yung buhay niya dati rito." Sabi ni Vaile.

"Sige lang." Sabi ni Walren.

Flashback sa buhay ni Din dati

New world: The SS World (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon