Chapter 31

128 17 0
                                    

Maggagabi na't naglalakad parin sina Din, Daren, Ariel, at Ana habang iyak parin sila ng iyak. Malungkot silang nag-usap...

"Sino nga ulit yung hahanapin natin?" Tanong ni Din.

"Si Walren Cleurr." Sagot ni Daren.

"Ah okay." Sabi ni Din.

"Saan natin siya hahanapin?" Tanong ni Ana.

"At nasaan na ba tayo?" Tanong ni Ariel.

Napatigil sa paglalakad sina Din, Daren, Ana at Ariel dahil may isang lalaking mga nasa 20's na lumitaw sa harapan nila.

"Din, Daren, Ariel at Ana, right?" Tanong ng lalaking lumitaw sa harapan nila.

"Paano mo nalaman?" Tanong ni Ariel.

"Sino ka po ba?" Tanong ni Daren.

"Ako yung hinahanap niyo. Ako si Walren Cleurr." Pakilala nang lalaking lumitaw sa harap nina Din.

"Hindi namin ine-expect na mahahanap ka namin agad, Mister Walren." Sabi ni Ana.

"Alam kong napakasakit ng nangyari sa inyo pero kailangan niyong tanggapin. Kaya nangyayari toh sa mga buhay natin dahil may purpose ito, tandaan niyo yan kaya tara na sa aking munting mansion." Sabi ni Walren.

Pagdating nila sa munting mansion ni Walren ay namangha sila dahil literal na mansion nga talaga ito, unti lang ang reaksiyon nila dahil wala sila sa mood.

Sinamahan at tinuro ni Walren ang mga kwarto nila at nagkulong sila agad sa kwarto nila. Makalipas na nang isang linggo ay hindi parin sila lumalabas sa sari-sarili nilang kwarto kaya pinuntahan ni Walren ang apat at pwinersa niya itong lumabas papuntang training ground.

Nung nasa training ground na sila ay sinuntok ng malakas ni Walren isa-isa ang apat. Tumalsik silang apat sa wall.

"KUNG MAGIGING GANYAN LANG KAYO ARAW-ARAW, WALANG MANGYAYARI SA INYO! OO NAIINTINDIHAN KO KAYO DAHIL NARANASAN KO NARIN YAN, NARANASAN KO YAN 10 YEARS OLD PA LANG AKO. ALAM NIYO? ISANG TAON AKONG NAGKULONG SA KWARTO KO NON AT LABIS NA PINAGSISIHAN KO 'YON DAHIL WALA NAMANG NAGAWA ANG PAGKULONG KO SA KWARTO KO. KAYA NAISIP KO NON NA MAGTE-TRAINING NA LANG AKO DAHIL WALA NAMANG NAGAGAWA ANG PAGIGING GANYAN NIYO. PAANO NIYO PAPATAYIN LAHAT NG MGA DEMONS KUNG GANYAN KAYO? EDI MATATAGALAN PA YUNG PAGBALIK NIYO SA EARSEI KINGDOM??" Sigaw ni Walren.

Bumalik na sa realidad ang mga utak nilang apat, natauhan sila sa sinabi ni Walren sa kanila.

"Yeah, tama ka, Mister Walren. Walang magagawa ang paggaganto namin kaya tara na po, mag training na tayo. Salamat po." Sabi ni Din.

"Salamat, Mister Walren." Sabi nang apat sa kanya.

"Sige, Sugurin niyo na ako agad. Hindi niyo ako matatalo nang magkakahiwalay kaya sugurin niyo ko as a team!" Sabi ni Walren.

"Okay." Sabi nilang apat.

     Unang sumugod si Daren, sinuntok niya si Walren pero iniligan lang yun ni Walren, Sumunod na umatake si Ana at inilagan lang din ni Walren yun. Hanggang sa, paulit-ulit lang yon na nangyayari.

"Ang sabi ko lumaban kayo as a team!" Striktong sabi ni Walren.

Hinahabol nila ang mga hininga nila tapos non ay pinalibutan nila si Walren.

"Hays, Ang lalakas nga nila kapag individuallly pero pagdating naman sa teamwork kulelat." Sabi ni Walren.

Umatake nang sabay-sabay silang apat kay Walren. Sinuntok nila nang sabay-sabay si Walren pero imbis na sinuntok nila si Walren ay nasuntok nila ang isa't-isa dahil tumalon si Walren sa ere.

"Ouch!" Sabi nila dahil masakit.

"Tsk, tsk, tsk." Sabi ni Walren habang nasa ere.

Sinipa ni Walren ang apat galing sa ere pero tumalon agad paalis ang apat sa direksiyon niyang sisipain ni Walren. Pagkaapak palang ni Ana sa lapag ay nasa likod na agad niya si Walren at sinuntok agad ni Waren ng malakas si Ana kaya tumalsik si Ana sa wall, nagsuka rin siya nang dugo.

"Ana!" Sigaw nina Din, Daren, at Ariel.

Sumugod si Daren ng galit kay Walren. Sinuntok ni Daren ng malakas si Walren pero inilagan yun ni Walren ng parang wala lang at tsaka niya binatukan ng malakas si Daren kaya napadapa nang malakas si Daren sa lapag ng wala sa oras.

"Wag mong pairalin ang emosyon mo." Pangalan ni Walren.

Sumugod sina Ariel at Din ng para silang duo kaya nagulat si Walren dahil parang may kakaiba sa kanilang dalawa. Habang sumusugod sina Din at Ariel kay Walren ay nagpapalit-palit sila nang pwesto nang mabilis.

"(That duo move!)" Sigaw ni Walren sa isip niya.

"HHHAAAAA!!!" Sigaw nina Din at Ariel.

Nung nagkasalubong ulit sina Din at Ariel nung magpapalit na ulit sila nang pwesto ay bigla na lang sila nawala at lumitaw na lang sila bigla sa kanan at kaliwa ni Walren. Si Din ay lumitaw sa kanang side ni Walren sa ere na na aakmang sisipain niya si Walren sa upper body niya at si Ariel naman ay lumitaw sa kaliwang side ni Walren na nakasquat na aakma namang sisipain si Walren sa lower body niya.

"(Patay.)" Sabi ni Walren sa isip niya.

Sinipa na nina Din at Ariel si Walren ng napakalakas, at solid na tumama yun kay Walren dahil hindi na siya nakapagreac. doon. Tumalikod sina Din at Ariel kay Walren na nakahiga pagkatapos nilang sipain si Walren. Bigla may dumating na lalaki at nagulat siya kung bakit nakahiga si Walren sa lapag at kung bakit narin may sugatan at nandon sina Din. Napatingin ang apat sa binata.

"Master Walren!" Sigaw ng binatang lalaki at dali-dali siya pumunta kay Walren.

Nung nakarating na ang binata kay Walren ay biglang nagsalita si Walren.

"Okay lang ako, biglang naparalize lang ang katawan ko at ipapakilala ko silang apat sayo mamaya kapag okay na yung katawan ko." Sabi ni Walren. Napatingin ang binata kay Din.

"Bakit po?" Tanong ni Din. Pagkalipas ng 2 minuto ay saka lang sinagot ng binata ang tanong ni Din dahil may iniisip siya.

"Ah! naalaa ko na." Sabi ang binata.

"Ikaw yung nakita ko sa Neyou Kingdom sa may kainan." Tuloy ng binata.

"Huh?" Tanong ni Din. Pagkatapos lang din ng 2 minuto sinagot ni Din ang tanong ng binata dahil inalala niya pa yun.

"Ah! oo." Sagot ni Din.

"Magkaparehas kayo nang mata nang nakita ko eh. Bakit ka ba kasi nakamaskara non." Tanong ni Din.

"Basta." Sagot ng binata.

"(Hanggang ngayon parin na nakita ko siya ulit ay may kakaiba ang nararamdaman sa kanya.)" Sabay na tanong nina Din at ng binata sa isip nila.

"Okay, okay na ako." Singit ni Walren habang tumatayo siya.

"Tara sa sofa." Aya ni Walren.

Nung nakapasok at nakaupo na silang anim sa sofa ay...

"Sorry pala sa inyong apat kanina ah? kailangan ko kasi gawin yun dahil ako na ang bago niyong master simula nung nagmeet tayo." Sabi ni Walren.

"Master?" Gulat na tanong ng apat.

"Oo, binilin kayo sakin ni King Thomas bago siya pumanaw." Sabi ni Walren. Biglang lumungkot ang mukha ni Din.

"Okay ang yan, Din. Kailangan mong tanggapin." Sabi ni Walren.

"Ipakilala ko muna sa inyo itong estudyante ko." Sabi ni Walren.

"Siya si Prince Vaile Collins." Sabi ni Walren.

Nagulat sina Din, Ana at Ariel pero hindi nagulat si Daren dahil wala na siya non kaya bigla siyang nagtaka kung bakit nagulat sina Din, Ariel, at Ana.

New world: The SS World (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon