Chapter 46

76 13 0
                                    

Nung gabi na ay....

"Din, uwi na tayo, gabi na." Aya ni Ariel.

"Ayoko pa, gusto pa kitang makasama at ma-solo." Sabi ni Din.

"By the way, may tiwala ka sakin di ba?" Tanong ni Din.

"Oo naman boyfriend kita eh, bakit?" Tanong ni Ariel. Tinakpan ni Din ang mga mata ni Ariel gamit ang panyo niya.

"Basta." Sagot ni Din.

"Okay." Sabi ni Ariel.

"Sundin mo yung sasabihin ko ah? para 'di ka madapa." Sabi ni Din.

"Okay, pero okay lang naman kahit na madapa ako eh." Sabi ni Ariel. Biglang sumimangot si Din.

"Bakit naman??" Tanong ni Din.

"Kasi kahit naman na madapa ako, sasaluhin mo naman ako eh." Sagot ni Ariel.

"Ang corny mo." Sabi ni Din. Si Ariel na ngayon ang nakasimangot.

"Bala ka nga dyan."Pagtatampo ni Ariel. Tumalikod na si Ariel kay Din at nung naglakad siya palayo ay nadapa siya at iba ang sumalo sa kanya. Nakatakip parin ang mga mata ni Ariel.

"Di ba? Sasaluhin mo naman ako kapag nadapa ako eh." Sabi ni Ariel at nung tinanggal na niya ang panyo na nakatakip sa mata niya ay nagulat siya dahil ibang tao 'yun kaya lumayo siya agad.

Napaatras si Ariel at tumama yung likod niya kay Din kaya napatigil siya sa pag-atras. Napalingon si Ariel kay Din.

"Din! bakit hinayaan mong iba ang sumalo sa'kin??" Tanong ni Ariel.

"Hindi ko hinayaan, sadyang nauhan niya lang talaga ako." Sagot ni Din.

"Edi 'wag kang babagal-bagal kung ayaw mong masalo ako ng iba." Sabi ni Ariel.

"Eh bakit? sa kanya ka ba nahulog? di ba sakin ka lang nahulog? kaya ako lang ang pwedeng sumalo sa'yo." Sabi ni Din.

"Oo na lang." Sabi ni Ariel. Napatingin silang dalawa sa sumalo kay Ariel kanina nung nadapa siya.

"Ariel??!" Hindi makapaniwalang tanong ng lalaki.

"Huh? excuse me, magkakilala ba tayo?" Tanong ni Ariel.

"Aruy, 'di mo na 'ko naaalala??" Tanong ng lalaki.

Maya-maya lang ay naalala narin ni Ariel.

"Ah!! Jerome?!?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Ariel.

"Yeah, ako nga." Sabi ni Jerome.

"Kamusta ka na??" Tanong ni Jerome.

"Okay lang tsaka meet my boyfriend he is Prince Din Vasque." Sabi ni Ariel at nagholding-hands sila ni Din.

"Prince Din Vasque!!??" Hindi makapaniwalang tanong ni Jerome.

"Oo bakit??" Tanong ni Ariel.

"Hala!, Prince Din alam mo ba birthday ni Alexia sa susunod na araw, ba ka pwede kang pumunta?? kasi alam mo ba?? Idol na idol ka ng kapatid kong babae." Sabi ni Jerome.

"Ah sige lang." Pagpayag ni Din.

"Kamusta narin pala si Alexia??" Tanong ni Ariel.

"Ayun, okay lang din." Sabi ni Jerome.

"Ah sige, nag-iintay kasi sakin yung girlfriend ko eh—" Napahinto sa pagsasalita si Jerome dahil biglang nagsalita si Ariel.

"May girlfriend ka na?? Pakilala mo siya samin sa susunod na araw ah??" Sabi ni Ariel.

"Sige, sige. Mauuna na ako ah? ingat kayong dalawa." Sabi ni Jerome.

"Ikaw din." Sabi ni Ariel.

"Sino siya?? kaano-ano mo siya??" Tanong ni Din.

"Ah, pinsan namin siya ni Daren." Sagot ni Ariel.

"Ah, okay." Sabi ni Din. Nilagay na ulit ni Din ang panyo pantakip sa mata ni Ariel.

"Tara na." Aya ni Din.

Nung nandon na silang dalawa ay pumunta si Din sa likod ni Ariel para tanggalin ang panyong nakatakip sa mga mata ni Ariel.

"Wow." Manghang sabi ni Ariel.

Dinala ni Din si Ariel dito sa napakagandang lugar, pangromantic. Yinakap ni Din si Ariel sa likod tapos nilagay ni Din ang baba niya sa kaliwang balikat ni Ariel.

"Ariel." Tawag ni Din.

"Hmm?" Ariel.

"I love you." Sabi ni Din. Kumawala si Ariel sa pagkakayakap sa kanya ni Din sa likod niya at humarap siya sa kanya. Hinawakan ni Ariel ang magkabilang pisngi ni Din gamit ang dalawa niyang kamay.

"I love you too." Reply ni Ariel.

Hinawakan ni Din ang dalawang kamay ni Ariel gamit ang dalawa niyang kamay at ibinaba ito. Linapit ni Din ang mukha niya sa mukha ni Ariel at hinalikan niya si Ariel.

———

Kinabukasan, nasa hospital na naman silang lahat para bisitahin ang limang hari.

"Kamusta na po, mga hari?" Tanong ni Din.

"Medyo okay na naman." Sagot ni King Reigh.

"Mga ilang araw pa po kayo makakaalis dito sa ospital?" Tanong ni Ariel.

"3 days na lang." Sagot ni King Ralph.

"Daren, tara bili tayo ng inumin natin." Aya ni Din.

"Sige." Pagpayag ni Daren.

     Nung nasa labas na sina Din at Daren ng ospital ay naglakad na sila papunta sa bilihan ng mga pagkain at tubig.

"Daren, namimiss mo si Ana noh??" Tanong ni Din habang naglalakad sila.

"Oo." Sagot ni Daren.

"Pero ilang months na lang naman magkikita na kayo eh yiiee." Sabi ni Din. Bigla na lang napangit si Daren.

"Oo nga eh, excited na 'ko." Sabi ni Daren habang naglalakad sila.

"Daren, paano kung nagkita na ulit kayo ni Ana tapos may first boyfriend na siya?? ikaw kasi ang bagal mo eh." Sabi ni Din habang naglalakad sila. Napahinto sa paglalakad si Daren kaya napahinto narin si Din sa paglalakad.

"Hindi yan, may tiwala ako ron." Sabi ni Daren.

"What if????" Tanong ni Din.

"Edi kung gusto niya yun edi wala akong magagawa, papakawalan ko siya kasi dun naman siya masaya eh." Sagot ni Daren.

"Ah okay." Sabi ni Din.

     Nagpatuloy na sa paglalakad si Din at ganon din si Daren, maya-maya lamang ay nakarating na sila sa bilihan ng mga pagkain at inumin kaya bumili na sila nung naglalakad na sila pauwi ay may naalala si Din.

"Ay oo nga pala, Daren." Sabi ni Din habang nalalakad sila.

"Ano?" Tanong ni Daren habang naglalakad sila.

"Si jerome yung childhood friend niyo ni Ariel di ba??" Tanong at sagot ni Din habang naglalakad sila.

"Paano mo nalaman??" Gulat na tanong ni Daren habang naglalakad sila.

"Ah, kasi nameet namin siya ni Ariel kagabi sa daan, may girlfriend na nga eh." Sagot ni Din.

"Weh??? may GIRLFRIEND na siya??" Hundi makapaniwalang tanong ni Daren habang naglalakad sila.

"Oo." Sagot ni Din habang naglalakad sila.

"Oo nga pala ang sabi niya ay ipapakilala niya raw samin yung girlfriend niya bukas kasi bukas narin naman daw yung birthday ng kapatid niya." Sabi ni Din.

"Kung ganon tara, Din, mamili narin tayo ng susuotin natin para bukas at regalo." Sabi ni Daren.

New world: The SS World (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon