"Paano po? Bakit po??" Tanong nina Din at Ana.
"2 years ago, namatay ang mama niya, ang mama niya ang pinakakaclose niya sa lahat, tsaka sobrang close nila and then one time umatake ang Jusai Kingdom at ayun, pinatay ang mama niya tapos nacorner na si princess Ariel, walang pake at hindi natatakot si Ariel that time kasi galit na galit siya tapos sa sobrang galit niya, sumigaw siya nang napakalakas at ayun namatay lahat ng mga tao ng Jusai Kingdom, tapos yung ibang tao na nakatira rito sa Earsei Kingdom ay nadamay at namatay. At pagkatapos niyan natakot at walang naglalakas ng loob na kumaibigan kay princess Ariel. Kaya mga apo salamat dahil sa wakas may mga kaibigan na siya at kayo yun. Anyways, paano kayo naging magkaibigan?" Sabi ng lola.
Kwinento ni Ana ang lahat-lahat sa lola nila tapos nagtraining na sila.
———
Matutulog na sila.
"Goodnight."
———
Kinabukasan sa school nila ni Din at Ana.
"Class, Next week na agad ang labanan niyo kung sino ang magiging representative dito sa ating Kingdom sa Secondary, kaya galingan ninyo at tsaka ang mga makakapagparticipate lang doon ay ang makakapasa sa graduation exam ng mga teachers niyo, sorry kung biglang naging rush dahil utos toh ng mas nakakataas sa lahat ng mga Kingdom dito eh kaya wala rin naman kaming magawa." Sabi ni Sir Hector.
"Kitakits na lang tayo next week dahil wala kayong pasok this week para makapagtraining kayo sa sarili niyo. Tapos yung sa susunod na araw kayo mag-gagraduation exam sa mga teacher niyo, Bye." Sabi ni Sir Hector tas bigla na siyang nawala.
———
Graduation exam day.
Nasa field na ang secondary royal section at walo lang ang nakapasa sa exam, 4 sa babae at 4 din sa lalaki.
"Ang mga nakapasa sa lalaki ay sina Prince Daren, John, Drake, at Din. Sa babae naman ay sina Princess Ariel, Ella, Ana, at Rhia. Ihanda niyo na ang mga sarili niyo dahil maglalaban-laban kayo, babae sa babae at lalaki sa lalaki, See you on next Monday." Sabi ng announcer.
———
Battle day.
Maraming mga manonood na pumunta ngayon.
"Ready na ba kayo??" Tanong ng announcer.
"YES!!" Sigaw ng mga taong nanonood.
"Sa mga lalaki muna tayo magsimula, bubunot muna ako, Oh, John vs.......Din! John VS Din." Sabi ng Announcer.
Pumunta na sa field ang dalawa.
"Ready set...go!" Sigaw ng announcer.
Sa sobrang seryoso ni Din hindi niya narinig ang sinabi ng announcer kaya aatakihin na siya ng kalaban niya. Nagulat ang lahat ng mga tao pati ang mga opisyales sa school tsaka ang royal family dahil aatakihinna si Din pero hindi pa siya gumagalaw. Nung sinuntok na siya ng kalaban niya ay nawala siya bigla sa position niya at lumitaw siya sa likod ng sumuntok sa kanya. At bigla na lng na O.K. yung kalaban niya. Gulat na gulat yung mga tao sa kay Din, lahat-lahat, yung mga opisyales sa school, yung mga tao na nanonood, at yung royal family.
"Wh-What's just happened? nakita niyo ba yun?? sa pagkakaalam ko, pangalawang tao siya sa gumawa niyan sa field pero yung unang nakagawa lang ang nakakagawa non, ang tanong paano niya nagawa yun? okay, okay, ang nanalo ay si Din!!" Sabi ng announcer.
Ang lakas ng mga hiyawan ng mga tao.
"Ang next na maglalaban ay sina Prince Daren at si Drake. Prince Daren VS Drake." Sabi ng announcer.
Pumunta na ang dalawa sa field.
"Ready set....go!" Sabi ng Announcer.
Sumugod na agad si prince Daren at ganon din si Drake. Sinipa ng malakas at ng mabilis ni prince Daren si Drake. Habang tumatalsik si Drake ay binato ni Prince Daren si Drake ng kapangyarihan niya. Boom. K.O. si Drake.
"Wow, ang nanalo ay si Prince Daren!" Sabi ng announcer.
"Bago maglalaban sina Prince Daren at si Din ay proceed muna tayo sa girls. Ang maglalaban sa girls ay sina princess Ariel at si Ella. Princess Ariel VS Ella." Sabi ng announcer.
Pumunta na sa field ang dalawa.
"Ready set..go!" Sigaw ng announcer.
Nanginginig sa takot si Ella kaya nagsurrender na siya dahil ba ka mamatay daw siya ng di oras.
"Ang nanalo ay si Princess Ariel." Sabi ng announcer.
"Next, ay sina Rhia at Ana, Rhia VS Ana!" Sabi ng announcer.
Pumunta sa field ang dalawa.
"Ready set....go!" Sigaw ng announcer.
Nagtirahan agad sila ng mga kapangyarihan nila at pagkatapos nun, ginawang ice agad ni Ana ang field. Nadulas si Rhia at gumawa ng espada si Ana gawa sa ice niya at tinutok niya ito kay Rhia. Sumuko na si Rhia.
"Ang nanalo ay si Ana." Sabi ng announcer.
"Okay, grand finals na sa boys at sa girls, pero sa boys muna tayo, DIN VS PRINCE DAREN!!" Sabi ng announcer.
Pumunta na yung dalawa sa stage at lubha silang seryoso.
"Ready set...go!!" Sigaw ng announcer.
Gulat na gulat ang lahat dahil ang bilis nilang magclose combat at kapag nasugatan ang isa masusugatan din yung isa, parang give and take yung labanan nila. pagkalipas ng 2 minuto na straight na pagcoclose combat nila ay nagstop sila pero may distance sa pagitan. Nagsimula na silang gumamit ng presence at ng kapangyarihan nila, at naglaban na ulit sila, mas nagulat naman silang lahat ngayon dahil napakabilis nilang magclose combat at maya maya lang ay wasak-wasak na ang battle field dahil sa mga kapangyarihan nila na nilalabas nila.
"Is that all you've got??? Din!!" Sigaw ni Prince Daren.
"Prince Daren!!!" Sigaw din ni Din.
Bumalik na sila sa pakikipaglaban. Parehas silang nag-eenjoy. Nakanganga na lang ang mga nanonood. At maya-maya lamang ay natumba na si Din. Nakatulog si Din ng 2 seconds.
Habang natutulog si Din, napunta siya sa isang lugar na may babaeng kasing age niya.
"Sino ka?" Tanong ni Din.
"Ako si Nichole pero tawagin mo na lang akong Nic. Ako ay isang spiritual partner(SP), Din, gamitin mo ko, ipakita mo sa kanila na kaya mo, na magiging ikaw ang pinakamalakas dito sa mundo na toh. Use me. I will lend my power to you, all of me. Take this necklace, I am inside of it. Now go, win, Din" Sabi ni Nichole.
Nagising na si Din at nagbago yung suot niya, yung aura niya, yung kulay ng nga mata't buhok niya, at mas lumakas yung presence niya. 2secs lang siya natulog kaya di pa siya K.O.
"I'm not done yet, Daren." Sabi ni Din.
BINABASA MO ANG
New world: The SS World (book 1)
FantasiaIsang araw may isang grupo na nakacape na kulay black at inatake nila ang mundo kung nasaan don nakatira sina Din. Dinala ng tatay ni Din sina Din at Ana sa ibang mundo at ang huling habilin sa kanya ng tatay niya ay dapat siya ang maging pinakamal...