Chapter 47

73 12 0
                                    

     Nasa labas na kaming tatlo ng bahay nina Jerome at Alexia. Nagdoorbell na si Ariel kaya bumukas na ang pinto, si Jerome ang bumukas.

"Daren?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Jerome.

"Kamusta na Jerome??" Tanong ni Daren.

"Balita ko may girlfriend ka na raw ah?" Dagdag pa ni Daren.

"Ah oo nga, eh ikaw??" Tanong ni Jerome.

"Wala pa pero meron na 'kong mahal at nasa malayo siya ngayon." Sagot ni Daren.

"Ah okay, tara, pasok kayo." Aya ni Jerome.

     Nung nakapasok na kami ay nagandahan kaming tatlo sa bahay nila. May batang babae ako na nakita na sa tingin ko ay siya si Alexia, napatingin siya sa amin at labis na nanlaki ang mga mata niya.

"Prince Din Vasque!!??" Hindi makapaniwalang tanong ni Alexia.

"Yeah, tama ka, ako nga si Prince Din Vasque, Happy Birthday!!." Sagot ko.

     Bilang tumakbo ng mabilis si Alexia papunta sakin at yinakap ako. Nung kumawala na siya sa pagkayakap niya sa akin ay napatingin siya kina Ariel at Daren.

"Big sis Ariel!, Big bro Daren! Namiss ko po kayo." Sabi ni Alexia at yinakap niya ang dalawa.

"Ito yung regalo naming tatlo sayo, Alexia." Sabi ni Ariel at inabot niya ito kay Alexia.

"Salamat po." Pagpapasalamat ni Alexia.

"Welcome." Sabi ni Ariel.

     Muling lumingon sakin si Alexia.

"Kilala mo po sina ate Ariel at kuya Daren??" Tanong ni Alexia.

"Oo, kasi girlfriend ko si Ariel at si Daren naman ang best friend ko." Sagot ni Din. Nanlaki ang mga mata ni Alexia tapos tumingin siya kay Ariel at sa akin ng pabalik-balik.

"Girlfriend??" Hindi makapaniwalang tanong ni Alexia.

"Bis sis Ariel, totoo po ba??? napakaswerte mo naman po." Sabi ni Alexia.

"Oo, totoo. Oo nga eh, napakaswerte ko nga rito kay Din." Sabi ni Ariel.

"Ilang taon ka na ngayon, Alexia?" Tanong ni Din kaya napalingon si Alexia sa kanya.

"Umm, 12 years old po." Sagot ni Alexia.

"Ah, alam mo ba na may spirit partner ako rito na kasing edad mo??" Tanong ni Din.

"Wehh?" Tanong ni Alexia.

"Gusto mo ba siyang maging kaibigan?" Tanong ni Din.

"Sige po, sige po." Pagsang-ayon ni Alexia.

"Aiden!" Tawag ni Din.

     Biglang lumitaw si Aiden sa harap ni Din.

"(Wow, Aiden pala ang pangalan niya?)" Sabi ni Alexia sa isip niya.

"Nice to meet you, I am Aiden." Pakilala ni Aiden kay Alexia.

"Nice to meet you too, Aiden. My name is Alexia." Pagpapakilala din ni Alexia kay Aiden.

"Oh sige, maglaro muna kayo ni Aiden kung san niyo gusto." Sabi ni Jerome.

"Sige po." Sabi ni Alexia.

"Tara, Aiden." Aya ni Alexia. Hinila ni Alexia si Aiden kaya napatingin si Aiden kay Din pero ngumiti lang si Din kaya okay na lang din kay Aiden.

"And now, meet my girlfriend." Sabi ni Jerome.

"Sumunod kayo sakin." Sabi ni Jerome.

"Sige." Sabi naman ni Daren.

     Pumunta sila sa kwarto ni Jerome at labis na nanlaki ang mga mata ni Din nung nakita niya kung sino ang girlfriend niya. Nakatalikod ang babae.

New world: The SS World (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon