Sinuntok na ni Din si Mordred pero may kumuha kay Mordred ng mabilisan at nawala sila bigla nang parang bula. Nasuntok ni Din ang hangin at biglang sumabog ang 1/4 ng forest na pinuntahan nila.
*BBbbbooooooOOOOMMM!!!!*
Napahiga si Din.
"Damn you, Mordred." Sabi ni Din.
Natanggal na ang magic na nakatali kina Daren, Ana, Abigail at Ariel kaya pumunta na sila agad kay Din dahil narinig nila ang napakalakas na pagsabog. Pagkapunta nila ron ay napakaraming usok at usok lang ang kanilang nakikita.
Habang nakahiga si Din ay may tumayo sa kanya.
"Ako ang guide sa secret no. 2. Tutulungan kitang kunin ang secret no. 2 sa ating harapan." Sabi ni Secret no. 2. Hindi na talaga makapaglakad si Din at nanghihina ang katawan niya.
"Thanks." Sabi ni Din. Pumunta na sila kung saan makukuha ang secret no. 2. Nung nakaalis na sila ay saka lang nawala ang mga makakapal na usok tapos saka lang din dumating sina Daren kung saan nakahiga si Din kanina. Nasa harap na ni Din ang secret no. 2.
"Kunin mo yang gold na bilog na yan at idikit mo sa t-shirt mo, kung nasaan ang puso mo ang dapar nakatapat don tapos para mag-on yan, iiikot mo lang tapos ganon din kapag tatanggalin mo na." Sabi ng Guide.
Dinikit na ni Din yun at inikot niya tapos biglang nagbago ang suot niya. Bigla ring gumaling lahat ng sugat ni Din, at narevive na ang magic power niya, na revive na ang lahat sa kanya. Okay na si Din, at nung in-off naman niya iyon ay bumalik na ulit sa dati ang suot niya.
"Kapag suot mo yan, lahat ng mga sugat mo ay gagaling at yan ang magsisilbing protection mo, yun lang, bye, Young Master Din." Sabi ng Guide. Nawala na ang guide.
"Din!" Sigaw nina Daren. Nakita na nila si Din. Niyakap ni Ariel si Din.
"Hu, akala namin kung ano na ang nangyari sayo." Sabi ni Ana.
"Ano po yung pagsabog na yun?" Tanong ni Abigail.
Nagulat sina Daren nung kwinento ni Din ang lahat ng nangyari at pagkatapos non ay bumalik na sila sa Earsei Kingdom.
"Abigail!" Sabi ni King Thomas. Tumakbo si Abigail sa papa niya at nagyakapan sila.
———
Meanwhile, Nakaupo si Mordred sa upuan at kasama niya ang 12 disciples niya.
"Lino, salamat pala kanina ah? nagulat ako kanina dahil biglang naging ganon ang appearance niya, isa lang ang ibig sabihin nito, he is back. My 12 disciples, are you willing to train me? can we exchange our roles for now? until I meet him again." Sabi ni Mordred.
"We are willing." Sabi ng 12 disciples.
"Then train me in 2 years, after that, susugurin natin ang Earsei Kingdom." Sabi ni Mordred.
"Humanda ka sakin, Din. I'm not done yet." Sabi ni Mordred.
———
Tapos ng ikwento ni Din ang lahat ng mga nangyari sa kanila sa forest na pinuntahan nila kay King Thomas sa kwarto ni Din. Pinakita naman ni Din ang secret no. 2 kay King Thomas at namangha si King Thomas.
"Ibigsabihin, may dalawang tao na nabubuhay sa loob ng katawan mo and ang isa ay anghel at ang isa ay isang demonyo. First time lang ako nakapag-encounter ng ganito, sayo lang. Syempre ikaw pa ba? you are pretty unique eh. Pero may kakilala ako na half demon na nakatira sa gitna nang Jusai Kingdom at Masei Kingdom. Pwede kitang ipa-train sa kanya, para mahasa rin yang demon power mo. Alam ko na, kapag ako ang nagtuturo sayo, Light power ang focus natin tapos kapag sa kanya naman ay focus tayo sa demon power mo." Sabi ni King Thomas.
"Sige po." Sabi ni Din.
"Bukas po tayo magsimula, King Thomas." Sabi ni Din.
"Sige ba." Sabi ni King Thomas.
———
Kinabukasan, Habang nagtetrain sina Din at King Thomas ay pinatawag si Din ni King Arthur at pumunta sila agad don.
"Din, Magkakaroon kayo nang adventure nina Daren, Ana, Ariel, at ikaw. Adventure na mahanap ang secret no. 3. Yun muna ang hanapin niyo dahil yun pa lang naman ang meron akong clue." Sabi ni King Arthur.
"Sige po, salamat po. Ano po yung clue na yun?" Tanong ni Din.
"Pumunta kayong apat sa Urso Kingdom at hanapin niyo ron si Ethan, at doon na magsisimula ang adventure niyo." Sabi ni King Arthur.
"Bukas kayo aalis." Sabi ni King Arthur.
"Sige po. Salamat po ulit, King Arthur, hanggang sa muli." Sabi ni Din.
"Alam na nila Daren at Ariel, sabihan mo na lang si Ana." Sabi ni King Arthur, tumango si Din at umalis na sila ni King Thomas.
Habang naglalakad pauwi sina Din at King Thomas ay nag-uusap sila.
"Din, itetrain ulit kita nang one year ulit after niyo sa adventure niyo dahil nararamdaman ko na after 2 years susugurin ni Mordred itong Earsei Kingdom." Sabi ni King Thomas.
"Sige po, I will do my very best." Sabi ni Din.
———
Kinabukasan, Nagkita-kita na sina Din, Ana, Daren at Ariel sa meeting place nila at may dalawang kabayo lang.
"Alam na, Din." Sabi ni Daren na pabiro. Nagblush si Ariel at Din. Biglang narealize ni Daren na sila rin pala ni Ana kaya bigla siyang tumahimik.
"Ariel, tara na sa kabayo natin." Sabi ni Din. Sumakay na sila sa kabayo nila. Yakapin mo ko nang maigi, Ariel, ba ka mahulog ka sa iba, sakin ka lang, tandaan mo yan. Biglang namula si Ariel.
"Haha." Sabi ni Din.
"Akala ko ba sabi mo sakin na bata pa kayo? pero bakit parang dumada-moves ka na?" Sabi ni Din.
"Wow, parang ikaw hindi ah?" Sabi ni Din. Biglang tumahimik si Daren.
"Alam mo na pala." Sabi ni Daren.
"Syempre ako pa?" Sabi ni Din na pabiro.
Biglang naunang magpatakbo nang kabayo sina Daren at Ana.
"Ah, race gusto niyo ah?" Sabi ni Din.
Nagpatakbo narin sina Din at Ariel ng kabayo na mabilis kaya naabutan nila sina Daren at Ana. Maya-maya lamang ay napunta na pala sila sa ibang dereksiyon ng hindi nila alam, at sa lugar na yun ay may nakita silang Kingdom na sira-sira na at mukha itong nabura na sa mapa.
"Ito na ba yung Plurk Kingdom?" Tanong ni Daren.
"What?" Tanong ni Din.
"So, this is the Plurk Kingdom? Ang laki ah?" Sabi ni Din.
May biglang nagsalita sa likod nina Daren.
"Mga bata, bakit kayo napadpad dito? Alam niyo bang bawal na tong pasukin? Mabuti pa't umalis na kayo rito, tatakpan ko na lang kayo kasi kapag nahuli kayo rito nang iba, siguradong papatayin nila kayo." Sabi ng matanda.
"Alam mo po ba kung saan kami dadaang dereksiyon papuntang Urso Kingdom?" Tanong ni Ana.
Pagkatapos ituro nang matanda kung saan papunta yung Urso Kingdom ay dali-daling umalis sina Din.
"Son, you've grown." Sabi nang matanda at bigla siyang nagbago nang porma.
———
Authors Note:What? Buhay pa ang tatay ni Din? di ba namatay na nga ito sa pinanggalingan nilang mundo? bakit kaya? abangan niyo na lang kung bakit.
BINABASA MO ANG
New world: The SS World (book 1)
FantasiIsang araw may isang grupo na nakacape na kulay black at inatake nila ang mundo kung nasaan don nakatira sina Din. Dinala ng tatay ni Din sina Din at Ana sa ibang mundo at ang huling habilin sa kanya ng tatay niya ay dapat siya ang maging pinakamal...