Chapter 22

182 19 0
                                    

"MORDRED." Galit na sabi ni Din.

     Sinugod agad ni Din si Mordred at sinuntok niya yun pero sinalag yun ng mga 12 disciples ni Mordred.

"Don't worry, hindi ako pumunta rito para makipaglaban sa inyo." Sabi ni Mordred.

"So, ba't ka nandito??" Tanong ni Din na galit.

"Nandito ako para i-hunt si Prince Vaile, ang natitirang nabubuhay na dumadaloy ang dugong Vasque." Sagot ni Mordred na kalmado.

"Hinding-hindi mangyayari yun dahil makakalaban mo muna ako. Tsaka bakit ka naging special guest dito sa Neyou Kingdom? kung i-hu-hunt mo siya?" Tanong ni Din na seryoso.

"Nagpresinta ako sa hari na ako ang maghahanap kay Prince Vaile, tapos non, tinuring na nila akong special guest, nandito na ko nung nakaraang 3 araw pa. Eh ikaw? ba't ka nandito? at bakit kayo naging isang special guest dito?" Sabi ni Mordred.

"Pake mo ba?" Maangas na tanong ni Ana.

"Woah, ang tapang naman, eh kung patayin kaya kita ngayon." Sabi ni Mordred.

"Then try me." Sabi ni Ana.

"Pasalamat ka dahil hindi kayo ang target ko ngayon ha ha ha ha ha." Aabi ni Mordred.

"You know, bata ka pa lang mamamatay tao ka na." Sabi ni Ana.

"So what?? wala kang pake." Sabi ni Mordred.

"Anong nagaganap dito??" Tanong ng babaeng biglang pumunta sa gitna nina Din at Mordred.

     Biglang nagblush si Mordred dahil ang sexy at sobrang ganda nang babae. Nasa 20+ ang babae.

"Ah, nagke-kwentuhan lang po kami, sige po makakaalis na po kami." Sabi ni Mordred at umalis na sila.

"Eh kayo?" Tanong ng babae kina Din.

"Sino ka?" Tanong ni Din.

"What?? di niyo ko kilala? at bakit hindi ka nagba-blush?" Sabi nang babae.

"Wala akong pake sayo kahit na sexy ka at napakaganda. Alam mo kung bakit? Kasi loyal ako sa taong papakasalan ko paglaki ko." Sabi ni Din.

"Hoy, bata ka pa lang may paganyan-ganyan ka na." Sabi nang babae.

"Bakit ba? crush pa lang naman ah? tsaka isa siya sa mga taong inspirasyon ko." Sabi ni Din.

"Kakaiba ka talagang bata ka. Sana makahanap ako nang katulad mo na nasa 20's din. Sige, mauuna na ko." Sabi nang babae.

"Hays, tara na nga sa room natin." Sabi ni Din.

     Nung nasa room na sila ay biglang nagtanong si Ariel kay Din.

"Din, sino yung.. never mind, Goodnight!" Sabi ni Ariel.

"Goodnight." Sabi nina Din at Ana.

     Pagkatapos niyan ay pumunta narin si Din sa kwarto niya. Sinamahan niya lang sina Ariel at Ana sa kwarto nila. Pagkapunta ni Din sa kwarto niya ay pumunta agad siya sa bintana at biglang nag-isip.

"(Bakit ko nasabi yun???)" Tanong ni Din sa isip niya.

"(Bata pa lang naman kami ngayon ni Ariel kaya kapag 15 yrs. old na kami saka na lang ako magcoconfess.)" Sabi ni Din sa isip niya.

     Humiga na si Din sa kama niya.

"Ariel." Sabi ni Din.

     Pagkatapos niyang sabihin yun ay natulog na siya.

———

Kinabukasan...

     Habang naglalakad sina Din, Ariel, at Ana ay nagtataka sila dahil bakit biglang may parang festival dito.

New world: The SS World (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon