PROLOGUE

329 11 1
                                    


"HOW MANY TIMES DO I HAVE TO TELL YOU THAT THIS IS THE RIGHT THING TO DO? HUH?" halos kainin na ako ng buhay ni Sir Daze. Ang lapit ng mukha niya...nakakatakot dahil bukod sa sigaw niya, 'yung mga mata niya...nakakapanghina ng tuhod.

"Sir, I was doing it right--"

"NI HINDI MAN LANG UMABOT SA STANDARDS KO! LUTANG KA BA, FELIZ?" buti na lang talaga ay wala ng mga customer ngayon dahil hatinggabi na at kami na lang dalawa ang tao sa restaurant na ito. Bakit kasi iniwan ako rito ni Quiel :(

Tumigil siya matapos umalingaw-ngaw ang boses niya pero hindi pa rin naaalis ang panlilisik ng mga mata niya sa akin. Lintik. Ano bang problema niya?

"Sir, napuri pa nga po ako ni Mr--"

"I DON'T CARE KUNG SINONG PUMURI SA'YO! ANG SINASABI KO AY AYUSIN MO ANG TRABAHO MO!" sumigaw na naman siya at nabingi na naman ako. Nakakapagod na. Puro ganito na lang ang nangyayari.

Ni hindi ko alam kung kailan ako huling ngumiti sa lugar na ito. Pati mga katrabaho ko, walang magawa dahil kahit sila, takot rin.

Sa totoo lang, ang toxic ng trabaho ko rito pero wala akong choice. Napakalaki ng sweldo namin rito dahil napakayaman ng may-ari nito. Ang funny lang isipin na ang sumisigaw lang naman sa harapan ko ang may-aring tinutukoy ko.

In the first place, hindi niya kailangang pumunta rin dito dahil marami pang ibang branch at hindi itong MUSIKARESTO BAR lamang ang pinapatakbo niya. Kainis. Nananadya pa yata siya.

"Uuwi na po ako. Pasensiya na po." sambit ko na lamang dahil alam kong talo rin naman ako. Suko na sa lakas niya.

"AND WHO TOLD YOU TO LEAVE NOW?"
hinila niya ako papalapit sa kanya at dalang-dala naman ako. Bakit ba kasi ang payat ang liit ko? Hays.

"Ano pa po bang gusto niyo Sir? Tutal lahat naman ng gawa ko ay palpak sa paningin niyo, can you please find someone who can meet your freaking standards? I'm so sick of it...in case you didn't notice" as much as possible, pinacold ko ang tono ng pananalita ko para tumahimik siya.

Itinulak naman niya ako papunta sa pader para makulong sa mga kamay niya at walang sawa akong tinitigan. Staring contest, teh?

After a few moments of walang sawang titigan, I managed to avoid my gaze pero ipinaling niyang muli ang mukha ko sa harap at hinalikan ako.

Napaka-agresibo niya at halos hindi ko masabayan ang galaw ng labi niya, dahil wala naman akong balak. Asa.

I was shocked when he kept on licking my lips na para bang wala sa plano niyang pakawalan 'yon at hindi ko siya magawang pigilan dahil hawak niya ang mga kamay ko.

Nagpaulan ako ng laway at dinuraan siya. Alam niyo yung parang pa-blessing kung tawagin? Kasi natalsik 'yung laway...

Nagulat ako dahil akala ko sisigawan na naman niya ako pero what the fuck? Ngumiti pa siya ng nakakakilabot at nagpataas ng balahibo. Hindi lang 'yun! Ang laway kong tumalsik sa mukha niya ay pinadaanan niya gamit ang daliri niya at sinipsip ang liquid na iyon sa harap ko. Ano ba 'yan? JUSKO.

"WALA KANG KARAPATANG TUMANGGI KAPAG AKO NA ANG NASA HARAP MO. HUWAG NA HUWAG KANG MAGKAKAMALING KALABANIN AKO DAHIL TINGIN KO PA LANG, TALO KANA"

Known Secrets of FELIZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon