FELIZ POV
"Daze? Bakit ka ganyan?" hinarap ko siya at pinaupo ko ng ayos sa sofa.
"A-Anon"
"Hindi ako si Anon. Nananadya ka ba?"
"SHE LEFT ME! WHERE IS SHE?" hinawakan niya ako sa balikat at nanggigil na naman. Ang baho niya. Amoy alak >.<
"Grabe naman Sir! Ako yung tinawagan mo pero siya ang hinahanap mo!" nagpumiglas ako sa kanya at nakaalis naman ako.
I was about to leave nang harangan niya ako sa may pintuan. Mukha siyang baliw. Is he taking some drugs?
"SAAN KANA NAMAN PUPUNTA?" sigaw lang siya ng sigaw dahil pilit kong inaalis ang katawan niya sa may pintuan.
"You know what? Aalis na lang ako. Hindi ko kayang sikmurain ang kabaliwan mo ngayon. Myghad Sir! Just for a girl?" hindi ako makapaniwala. Ayoko rin namang manghusga ng todo dahil may nangyari nga sigurong hindi maganda sa kanila, pero nirealtalk ko na siya.
"AYAW NA NIYA RAW AKONG MAKITA! TANGINA! HINDI KO KAYA!" sabi ni Anon, magbest friend lang sila. So...patagong nagmamahal ang manager ko sa kanya? Damn! TWO ALHAMBRA!
"Look, baka naman nasasakal na siya--"
*BOOGSH!
napaupo ako sa sahig dahil sa panginginig at takot. TAENA! naibato niya ang bote ng alak sa pader na katabi ko!
Napahawak ako sa mukha ko at nakaramdam ng hapdi sa may ilong ko. Damn! Don't tell me natalsikan ako ng bubog?
Maging siya ay nagulat dun sa ginawa niya. Nilapitan niya ako at akmang aalis na sana ako pero hinawakan niya ang mukha ko.
"Masakit ba?" bumalik siya sa pagiging maamo at parang tuta. Feeling ko may sakit na talaga siya. Bipolar siguro? Ang lala na niya, hindi ko na kinakaya...
Hindi ako umimik at dinutdot ang dugong lumalabas sa may ilong ko. Nakita ko ang kauting pulang likido sa daliri ko. Tighawatin na nga ako tapos nagkasugat pa? Ano ako? Pinyang bulok na?
Hinawakan niya ang kamay na may dugo ko. At nandiri nang dilaan niya 'yun. Ramdam na ramdam ko ang maiinit niya laway sa daliri ko. Hindi pa siya nakuntento! Dahil hawak niya ang kamay ko, ipinadutdot niyang muli ang hintuturo ko at nagkaroon na naman ng dugo. Same procedure. Hindi ako makatingin dahil sa kiliting dulot ng ginagawa niya.
Huhu. Tulungan niyo naman ako! Minamanyak na naman ako.
"Sir, matulog kana muna. Namumula kana. Lasing na lasing kana please" naagaw ko ang dalira ko at nalungkot naman siya.
"Ayoko. Kiss me hard"
"Gago ka talaga sir. I'm not your Anon." inis kong sabi.
"I know. You are Feliz. My co-manager"
"Kilala mo naman pala ako eh. Bakit nagtatanga-tangahan ka riyan?"
"Dunno. Maybe because I like seeing your scared face." nakuha pa niyang magloko sa mga oras na ito. Grabe hindi pa ba siya inaantok? Umupo pa siya sa sahig.
Sinubukan kong buhatin siya pero mukhang ako ang babagsak dahil sa bigat niya. Sa liit kong ito, baka mangalas lang ako ng wala sa oras.
"You should give up. Hindi mo ako kaya" ngumisi siya na para bang napakaraming ibig sabihin ng sinabi niya.
"At kapag nadala kita sa higaan mo? Hindi mo na ako sisigawan?" challenging ito ah.
"Sus. Oo na lang"
Nagstretching muna ako bago sumabak sa gyera. Nag-inat para hindi mabalian ng buto and finally! Ready na.
Nagsquat muna ako para hindi ako malumpo kung sakaling mag crack ang spinal cord ko kapag mali ang carrying position ko.
Tapos lahat ng kinain ko kanina at ininom, ginamit ko na para dumagdag sa force na ibinibigay ko.
Parang tanga. Nakita kong nakatawa siya at pinapanood lang akong mahirapan. Halos limang minuto na ang nakakalipas ay hindi pa rin siya nakakatayo. Of course ako rin hindi pa! Mangisay-ngisay na ako dahil parang naliligo na ako sa sarili kong pawis.
Leshe naman. Kung kailan kailangan ng malakasang aircon, saka hindi bukas. Ano ba namang trip nitong si Sir Daze at nagpatay ng aircon? Feeling hot?
"Tired?"
"Bwisit ka. Binibigatan mo lang ang katawan mo--"
O_O Hindi ko makagalaw. He kissed me. Ang pait ng alak na nalalasahan ko huhu. Yung laway niya! Yung dila niya ang likot! Kulang na lang ay lamugin na niya 'yung labi ko. Juskoho. Virgin pa po ako. Wag naman sana.
Wait. This is my opportunity!
Dahil nakasara ang kanyang mga mata ay sinamantala ko na ang pagtayo kaya naman naputol ang paghalik niya sa'kin. Pagkamulat niya ay nagsalubong kaagad ang kanyang mga kilay at ang sama ng tingin niya sa akin.
Buti nga. Nabitin. Haha.
Tumayo siyang parang nanghihina at sinundan ako. Hinapit niya ang likod ko at sinimulan na naman akong manyakin.
Siya lang ang nakapikit ang mata habang ako naman ay dahan-dahang naglalakad papunta sa kwarto niya.
Nakakainis lang dahil hawak niya ako at ayaw niyang pakawalan. Nadating sa puntong napapatigil kamibsa isang pwesto dahil sa kanya. Para bang ramdam niyang may gusto akong puntahan. Pero dahil mautak ako, humiwalay ako sa halik niya at nagtatakbo papunta sa higaan niya.
Binalot ko ang sarili ko ng kumot hanggang sa wala na siyang makikita pero narinig ko ang yabag ng kanyang mga paa na tila tumakbo pa. Sumunod naman ay nakarinig ako ng dagungdong.
"ARAY!" sigaw niya. HAHAHAHA nadapa si gago. 'Yan! Inom pa!
Sumampa na siya sa kama at dinag-anan ako. Putakte! Ang bigat! HUHU.
Pilit niyang tinanggal ang kumot at nagwagi naman siya. Naubos na ang lakas ko kanina eh. Kainis.
He stopped for a while. Guni-guni ko lang ba na he looked normal that time? Na wala ng mapupulang mata at hindi na siya namumula dahil sa alak. Ay ewan!
Then, ayun. Alam niyo na. Eh marupok kasi ako. Pero parang...gusto kong humalik? Ang masokista ko lang talaga pero shet lang talaga 'yung mga halik niya. Pamatay. Nakakapanglaway. Hahanap-hanapin mo.
Oh, tigil kayo. Walang nangyari ha. Chupchup lang sa labi. Juskoho. Ipipikit ko na sana ang para ramdam ko ang moment pero bumagsak na siya pahiga at diretso sara ang mata. Oh great! TULOG NA SIYA.
Kinumutan ko na siya. Ang himbing ng tulog niya, malamang gawa ng alak -_- .
Napansin ko ang maliit na sticky note sa cabinet at binasa ko ito.
Daze,
I am really sorry. I just can't be with you. You are married to her right? Please cooperate, I don't wanna see you anymore. The next time you'll see me will be on the day of my wedding.
Yours Truly,
Anon.
Kasal na pala talaga siya. Wala na akong pag-asa. Ang sakit na naman. Para tuloy akong nagmistulang kerida.
Napatingin ulit ako sa natutulog na lalaki.
Anuna Sir Daze? Baka naman pwedeng ipakilala mo na sa akin 'yung asawa mo...para naman tumigil na ako sa kahibangang ito
BINABASA MO ANG
Known Secrets of FELIZ
RomanceFeliz Nevada, isang manager sa kanyang sariling Restobar ay mahuhumaling sa kanyang co-manager na si Daze Alhambra? Magawa kaya niyang kayanin ang tindi ng bagsik ng kanyang katrabaho at maisautak ang lahat ng sikretong dapat niyang ibunyag? **** Cr...