Chapter 36

34 0 0
                                    

CHAPTER 36

DAZE POV

Alam kong sobrang sakit para sa parte ng bestfriend ko sa harapan ko ngayon pero kailangan kong aminin ang mga bagay na matagal ko nang itinatago sa kanya.

Ipinikit ni Anon ang mga mata niya. Akala niya siguro ay aaminin kong may gusto ako sa kanya. Hindi ko naman intensiyon na gawing doble meaning ang sinabi ko pero ang gago ko talaga. Hindi lang talaga ako deserve ng babaeng nasa harapan ko ngayon.

"Shanon...Gusto kong isugal ang lahat ng meron ako para mahalin ka" hinintay ko muna ang response ng katawan niya sa sinabi ko. Nag-init ang kanyang mga kamay na para bang ramdam ko kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya. Kabado siguro sa mga sasabihin ko at nantili siyang nakapikit.

"Pero alam kong hindi 'yon magiging sapat dahil hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa'yo" pinahid ko ang mga luhang pumatak sa kanya.

Hindi siya nagsalita at nakapikit pa rin.

"Gusto ko munang makabawi kay Feliz. Sa lahat ng ginawa ko sa kanya noon—"

"Kaya naman kitang hintayin. 3 months? 6 months? 1 year? Kahit gaano pa katagal, basta sa akin ka uuwi. Please—"

"No. Ayokong masakal ka sa akin dadating at dadating ang panahon na magsasawa ka rin kahihintay sa akin. Ayokong mag-away tayo kapag pumayag ako sa gusto mong relasyon. Hindi ko maipapangako na ikaw lang habang bumabawi ako sa kanya. Baka mainis ka lang" napakunot naman ang kilay niya sa sinabi ko.

"Bakit ako maiinis? I can endure! Ganoon naman talaga kapag mahal mo di ba? Kahit masakit ay titiisin mo kasi mahal mo siya at wala kang magagawa. Kaya kong magpakarupok para sa'yo Daze! Ano pa bang gusto mo?" hinaplos ko ang buhok niya paibaba para tumahan siya pero lalo siyang humgulhol.

"Nakakainis! Hindi mo lang ba naisip na hindi lang ikaw ang sumusugal dito? I've waited for this! Akala ko kasi ako na lang 'yung matitira sa'yo.  Wala na nga akong pakialam kung no choice kana sa akin basta tayong dalawa sa huli. Trust me this time, Alhambra. Hayaan mo rin akong makabawi sa'yo gaya ng kagustuhan mong makabawi kay Feliz" puno na ng luha ang kamay ko dahil hinawakan na naman niya ito. Para niya akong pinosasan sa lagay ko at tila hindi na ako makakawala pa.

Pilit akong kumawala sa kamay niya at hinabol niya muli ang mga ito. Mali pala na hawakan ko siuya. Mas lalo pala siyang mahihirapang bitawan ako.

"Isipin mo naman ang sarili mo, Shanon. Be free! Kapag nakabawi na ako kay Feliz at single ka pa rin, Isusuko ko na sa'yo ang sarili ko. Huwag mo lang akong habulin ng habulin dahil mapapagod ka. Ayokong napapagod ang kaibigan ko. Gusto ko ako lang ang nahihirapan" ganti ko naman sa mga hinanaing niya.

"Iniisip ko ang sarili ko, Daze! Malaya ako kapag nagagawa at nakukuha ko ang gusto ko. Sa tingin mo ba hindi ko gustong makasama ka? Ito ang depenisyon ko ng malaya! Malayang maging sa'kin ka naman, Daze!"

Pinili kong manahimik muna. HInayaan kong maglabas siya ng lahat ng gusto niyang sabihin at saka ako magsasalitang muli. Mahirap na.

Nagpahid siya ng luha niya na parang may naisip siya dahil sumama ang tingin niya sa akin at puno ng poot ang kanyang mga mata.

"Can you please stop that plan of yours? Ano bang mangyayari kapag nanatili ka pa rin kay Feliz? Kahit naman hindi kayo magsama ay patatawarin ka niya hindi ba?" hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin kaya kinabahan ako. Parang gusto niya akong ipitin para makuha ang gusto niyang sagot mula sa akin.

"Come to think of it...you know what? Ang tanga lang talaga ni Quiel para pumayag sa plano mo. Sinong matino ang papayag sa sinasabi mong pagbawi? Hah! Kung sabagay, magkaibigan nga pala kayo. Masyadong malaki ang tiwala sa isa't isa." Napakagat siya sa labi niya at nagpatuloy muli.

Known Secrets of FELIZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon