Chapter 9

76 2 0
                                    


FELIZ POV

May nakapagsabi sa'kin na kailangan may connection kayo ng ka-jam mo, menthor o kahit sino when it comes to music. Weird pero iyan lang ang naalala ko sa panaginip ko. Masyadong maliwanag ang mukha niya. kaya hindi ko na kinilala pa.

The moment he started strumming, i stared at his eyes. Ewan ko ba, namamagnet ako, ang hirap kasing tumingin sa audience. Nakakakaba dahil bukod sa andaming ulo, maarami ring mga mata. Ayoko namang mabanlag aba hindi ko malaman kung saan ako titingin kaya mas safe siguro kung kay Deinz na lang.

Hindi naman siguro nanghahalay ang mga mata ano?

Heto na ang cue ko...

"She looks...at me
I fake a smile so she won't see
What I want, what I need,
And everything that we should be"

Huhu pahiya ako 'run! Ready na 'yung vocal chords ko eh, lapit na ng microphone sa bibig ko tapos inagaw niya yung verse ko! AGAWAN pala ha,

"I bet she's beautiful...the girl he talks about, and she's got everything that I have to live without.." napatingin ako sa kawalan noong kinanta ko ang mga linyang yan. Mapanakit talaga ang lyrics. napatingin naman siya noong sumabat ako sa kanta at napatawa. Oo! Rinig 'yon sa microphone kaya pati mga nanonood napatawa rin. Ohlala~ Daze's voice is coming to town.

Sumabay rin siya sa chorus part. Akala ko epic 'yung magiging pasok kasi wala naman kaming practice eh. Rekta agad. Kaloka.

Nagblend rin ang mga boses namin sa hindi ko malamang dahilan kung papaano. Tinapos namin ang kanta na nagtitinginan lang para sa cue na siya na and it went well! Humihirit pa si si Sir Delton ng isa pang pangmatatandang kanta. Naks. Lakas maka-throwback.

Naramdaman ko naman ang malaking kamay ni Deinz sa tainga ko at may balak na patayin yata ako sa kanyang hininga. Ibinulong niya sa akin ang kantang naisip niya..woah buti na lang at nakikinig ako sa radio ni lolo at lola noong bata. Nasaulo ko na ang kanta hanggang ngayon AHAHAHAH

Inilabas niya ang case ng gitara niya at napahanga ako dahil back to back pala ito at may isa pang gitara. SHIYEEEET SIYA NA! Siya na ang mayaman T_T

May electric guitar pala sa likod 'non wahhhhh kaya pala ang bigat noong binuhat ko habang angkas ako sa motor niya. Buti na lang hindi ako nangalas.

Nagsimula na siyang magintro at naghiyawan ang mga tao. Marami kasing mga matatanda rito, pero may mga teens rin naman galing ng mga school kaya nakarelate sila kanina sa unang kanta.

Ang Iconic lang ng pagpasok ng kanta. Naririnig ko 'yung parang galing sa minus one. Wohhhh letche ka Deinz akin na lang 'yang skill mo!

May pagtango-tango pa siyang nalalaman animo'y feel na feel ang pagiging rakista at tumingin na sakin. Tumayo ako at kinuha ang microphone sa mic stand! RAKRAKAN NA!

"He's got a smile it seems to me
Reminds me of childhood memories
Where everything
Was as fresh as the bright blue sky" damn. ang saya!

"Now and then when I see her face
She takes me away to that special place
And if I'd stare too long
I'd probably break down and cry" siya naman sa part na ito. Huhu. Ang sarap magconcert! Thank you araneta!

"Oh, oh, oh
Sweet child o' mine
Oh, oh, oh, oh
Sweet love of mine" this time, lumingon ako sa audience. Unang nahagip ng mata ko ay ang mga teenager na ngiting-ngiti sa amin na parang kinikiling. Da ef? Kinikilig? Ang gwapo kasing badeng ni Deinz, SAYANG!

May pag-clap pa ang mga matatanda kasabay ng beat kaya parang may live concert kami sa Resto Bar na ito.

Oh yes! Nagpalakpakan silang lahat. Chika! Nagstanding ovation pa si Sir Delton kahit napakanormal lamang ng ganitong gawain sa akin. Hindi naman kasi ito ang unang beses na kumanta ako rito.

Nakipag-apir sa akin ang manyak at tinanggap ko naman ito. Nag-enjoy naman ako eh. Pagbigyan.

"By the way, He is Sir Patrich Solivan, siya ang may hawak sa brang ng RESTO BAR na ito sa ibang bansa na kagagawa lang last month. He was impressed by your performance!" nakipagkamay naman ako at ganoon rin si Deinz. Mukhang kano si Sir.

"I was thinking, if you two could also perform on the day of the new resto bar's opening..." nagkatinginan si Sir Delton at Sir Patrich.

"Sir! I would love to! I mean..,We!" ako lang ba ang nakakakita na parang kumikinang ang mga mata ni Deinz sa offer ni Sir?

Tumingin naman sila sa akin at siguro ay hinihintay ang response ko kung ayos lang ba sa akin. Aba! Sinong hihindi sa ganitong offer?

"Sure! Where po ba?" tanong ko kay Sir Delton.

"Singapore" si Sir Patrich ang sumagot.

Nanlaki ang mata ko at nadala sa eksena. Oopsie. Nayakap ko si Deinz. Ack! Ang epidemya baka kumalat! HUHU!

"Badeng, dream come true ito!" bulong ko sa kanya. Siyempre bago ko pa 'yan magawa at tumingkayad muna ako dahil ang tangkad niya!
Gulat naman siya ih. Palibhasa sanay sa boylet.

Nag-usap pa ng matagal ang dalawang businessman at nagpantig ang tainga ko nang makarinig ng kakaibang tunog.

Tunog ng piano...

FELIZ POV

Hindi ko maiharap ang sarili ko para tingnan kung sino ang tumutugtog kaya naman tinanong ako ni Deinz kung ayos lamang ako.

Napahawak ako sa ulo ko dahil kahit ngayon ko lang naman narinig ang piyesa ay natakbo sa utak ko ang mga lyrics. Napapikit ako at kusang gumalaw ang bibig ko matapos ang intro ng kanta.

Tumakbo muna ako papunta sa CR ng Resto at baka sakaling mawala sa isip ko ang kinakanta ko pero hindi...

"I want to hide the truth
I want to shelter you
But with the beast inside
There's nowhere we can hide

No matter what we breed
We still are made of greed
This is my kingdom come
This is my kingdom come

When you feel my heat
Look into my eyes
It's where my demons hide
It's where my demons hide
Don't get too close

It's dark inside
It's where my demons hide
It's where my demons hide"

Natapos ang kanta at lumabas ako. Nawala ang sakit ng ulo ko at parang walang nangyari. May Amnesia ba ako? Pero kilala ko si Daze. Siya lang ang bukod tanging tumatak sa isip ko. Si Nanay Puring, si Icer at ang bet kong si Quiel. Si Deinz at Anon...ngayon ko lang sila nakilala kahit na malapit sila sa mga kakilala ko.

Bakit parang mayroong mga bagay na hindi ko alam?

Napahawak ako sa dibdib dahil sumalubong sa akin si Sir Patrich. Gosh! ENGLISH! ENGLISH!

"Sir, would you mind if I ask you?"

"Kahit ano pa 'yan, itanong mo lang" juskoho. Nagsasalita naman pala siya ng Filipino.

"Sino pong tumugtog kanina ng isang piyesa? 'yung nagpiano po?"

"Ah! Iyong anak na panganay ni Delton, Manager ng Resto Bar na ito. Speaking of, Co-manager ka pala rito? I bet you know him." nakangiti niyang sabi.

"Opo, Sir. Sige po, mukhang need niyo pong mag restroom. Mauna na po ako. Salamat po sa Opportunity." sinuklian ko naman ang ngiti niya.

Sumandal ako sa isang pader at pinanood ang mga kumakain na nakatingin kay Daze. Patuloy lang siyang nagpipiano.

*PLOK (Pitik yan guys)

Ngayon ko lang napansin na ang tagal ko na palang tulala.

"Ano ba 'yan, sis! open na open ka alam mo 'yun? mag-ingat ka nga! Kung saan-saan kana naman nakatingin--"

"DEINZ! LEAVE US ALONE HERE!"

"kuya, ayan kana naman! Nag-uusap lang naman kami bakit ba ang init-init ng ulo mo sa aming dalawa?"

Omayghad. Sinilip ko ang piano at nakahinga naman ako na may nagtuloy pala ng tugtog.
Napakurap-kurap ako at inilapit pa ng husto ang mukha ko dahil medyo malayo siya.

Awit. SI QUIEL? NAGPIPIANO? ASDFGHJKL!

"STAY AWAY FROM HER! SINO BANG NAGSABING MAKIPAGDUET KA SA KANYA HA? PINAYAGAN BA KITA? NAGPAALAM KA BA SA'KIN?" aware siguro si Daze na maraming tao kaya puro gigil lang ang kaya niyang ilabas at hindi kayang i max ang volume ng boses niya.

"Bakit ba big deal sa'yo 'yun? Lumulugar naman ako kuya! Do you think I'll steal her away from you?" anong steal? kailan pa ako naging pagmamay-ari ng iba?

"LEAVE. AYOKONG SUMIGAW DITO. UMIIWAS NA AKO SA GULO DEINZ. PLEASE LANG" sana pala nirecord ko, nag please siya oh. nakaka-excite namang manood ng literal na bromance rito. tinalo ang Deinz X Quiel.

Nilampasan naman ako ni Deinz na hindi man lang ako tiningnan. Wow koya, selos much? Gustong solohin ang kuya niya?

"AND YOU!" pagkasabi niya ng mga katagang iyan ay kinaladkad na niya ako papunta muli ng CR. Meron ditong CR na pang staff lang at pumasok kami sa loob. OMG. Inilock niya ang pinto.

Ipagdasal niyo na ako. Handa na po akong masigawan.

"BAKIT KA LATE KANINA? SABAY PA TALAGA KAYO NI DEINZ NA PUMASOK!"

"Nagsabi kasi siya na gusto niyang sumama rito. Sino ba naman ako para tumanggi? Hello? Kapatid mo naman 'yun hindi ba?"

"KAHIT NA! NI HINDI MAN LANG NIYA AKO SINABIHAN NA PUPUNTA PALA SIYA! MAY PA-BONUS PA DAHIL KUMANTA PA SIYA SA SARILI KONG BAR!" nagpantig na naman ang tainga ko dahil hindi ko nagustuhan ang huling sinabi niya.

"Aba naman Sir, baka nakakalimutan mong sa akin rin ang bar na ito? Sino ka para diktahan ako sa mga galaw ko? Nag-iisip ka ba ha? Hindi naman ako basta-basta papayag ng alam kong walang patutunguhan ang lahat." kalmado kong sagot kahit nagtitimpi na ako sa galit. How dare him.

"Ni hindi ka man lang natuwa dahil inimbitahan kami ni Sir Patrich sa Singapore! DAMN! Pangarap ko 'yun DAZE!" unti-unti na akong nilalamon ng emosiyon ko dahil ngayon lang ako nagkaroon ng lakas na sabihin lahat ng rants ko. Ang sakit. Hindi man lang niya ako ma-appreciate!

"AT BAKIT AKO MATUTUWA? GALIT NA GALIT AKO SA'YO FELIZ! TANGINA! NI HINDI MO MAN LANG AKO IKINONSIDER O NAISIP SA DESISYON MO KUNG PAYAG BA AKO O HINDI!"

"ANO BANG IPINUPUTOK NG BUTCHI MO DAZE? BUHAY KO 'TO! BAKIT KA NANGINGIALAM EH MANAGER LANG NAMAN KITA! NI HINDI KO NGA ALAM NA KASAL KANA PALA! PUNYETA! PINAPAHIRAPAN MO SI ANON!"

saglit siyang natigilan at hingal na hingal sa kakasigaw. Mapupula na rin ang mga mata niya at tinakluban ang mukha niya.

"NASAAN NA ANG DILA MO? BAKIT KA TUMIGIL? GUSTONG-GUSTO MO KAMING NAHIHIRAPAN! ANO BANG PROBLEMA MO DAZE? TAO KA PA BA? KAHIT TRATUHIN MO MAN LANG AKO BILANG KATRABAHO MO! IRESPETO MO NAMAN AKO!"

Hiningal na rin ako at napaupo. Nanghihina na ako shit. Bumuhos na naman ang luha ko.

"Hinihiling ko lang naman na alalahanin mo ako, feliz....Damn. Asawa mo ako." napatingin ako at napanganga hindi lang dahil sa sinabi niya...pati na rin sa tono ng pananalita niya dahil...umiiyak siya.


Known Secrets of FELIZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon