Chapter 13

75 2 0
                                    


FELIZ POV

Hindi ko maintindihan kung bakit kahit hindi naman ako uminom ng alak ay parang sobrang wasted ko.

Kasalukuyan akong nakahiga ngayon sa isang hospital bed. Namamahinga. Umaasang dadalawin niya. Ang tanga lang di 'ba?

Ineexpect mo 'yung taong wala namang pakialam sa'yo. Na katawan at skills lang ang kailangan sa'yo. I feel so cheap.

Napatingin ako sa may bintana kung saan tumatagos ang liwanag. Minsan sa sobrang pago-overthink ko, naisip ko kung dadalo man lang siya sa libing ko, o maririnig kahit eulogy ko. Grabe. Ang desperada ko na. Kahit yata iyak lang niya dahil sa'kin tuwang-tuwa na ako.

Bakit ba ako binigyan ng ganitong klaseng puso? Hindi ko maidikta kung sino ba talaga ang nilalaman nito. Ayokong mamangka ng dalawang ilog, pero parang ganoon na nga ang nangyayari.

Bakit kasi may Deinz pa? May Daze pa? Pwede namang si Quiel na lang at ako pero gago rin kasi 'yon eh.

Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila sa labas at parang may ideya na ako kung sino ang nagbabatuhan ng kanilang mga hinanaing.

"DEINZ! WHAT KIND OF BULLSHIT IS THIS? SAAN NAGSUOT ANG KUYA MO?" hindi ko mapigilang maguilty dahil ang bestfriend ko...kasalanan ko ito. Sumisigaw at umiiyak siya sa labas dahil sa asawa ko.

"Ate, tinawagan ko na lahat ng kakilala niya pero wala! Pati cellphone niya! Iniwan niya sa bahay nila!" mahinahon ngunit medyo malakas din ang boses ni Deinz. Pinipilit niya sigurong pakalmahin ang sitwasiyon. Palagi na lang kasing intense.

"So ano nang mangyayari kay Feliz? Sinong magbabantay sa kanya? Tawagan mo nga at baka sa'yo lang sasagot!" g na g pa rin siya hanggang ngayon. Samantalang ako, nakahilata lang dito.

"Huwag na ate. Sawang-sawa na ako kakahabol kay kuya. Ako na muna ang magbabantay sa kanya. She needs someone right now" prisinta ng binata. He should have do something with his residency. Paano na ang career niya?

"BUT SHE NEEDS HIM MORE!" ipinagpipilitan pa mg kaibigan ko kaya naman pumasok na si Deinz at nagulat sila noong makita ako.

"G-gising kana pala" hindi ko alam kung maaawa ba ako o matatawa dahil ang gulo ng buhok ni Deinz ngayon.

"Hindi, sis. Nananaginip ka lang, kasi nagsasalita na ako" iripan ko siya ng mga 180 degress. Isang protractor lang kasi may sakit ako.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" wow. Concerned! Himala!

"Ayos na naman. Teka, bakit parang hindi mo ako minamanyak ngayon? Napagod ka'no?" pang-aasar ko. Nakakapanibagi eh.

"Gusto mo ba? Halika! Hubad na tayo ng damit! Tanggalin ko na 'yang ribbon mo sa likod tutal naka-hospital gown ka naman. Binyagan natin 'tong hospital bed mukhang bagong-bago. Ano bang style ang type mo?" walang preno niyang sabi sa akin with matching sampa sa hospital bed. Bakit ba kasi nakasando siya ngayon? > - <

Itinulak ko naman ang mukha. Yes! Mukha mismo dahil baka iba ang mahawakan ko!

"Nasaan na si Pom? Bakit ikaw ang unang bungad sa akin ha?" masungit kong tanong. Sa lahat ba naman? Si Quiel man lang sana! GRRRR

Bumukas ang pintuan. Wala lang. Gusto ko lang sabihin sa inyo in detained manner. Chos lang.

Ayun nga, akala ko si Quiel o si Daze. Gulat ako, si Anon. Akala ko ba sa wedding na niya siya magpapakita. Napaaga ng plano 'te?

"Hey. Are you alright?" inilapag niya ang mga prutas na dala sa may paanan ng hospital bed.

Naramdaman ko naman na gumalaw ang kama, kalma. Walang nayugyog. Walang chukchakan na nagaganap. Gumalaw lang talaga dahil gumalaw rin si Deinz.

Known Secrets of FELIZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon