Chapter 65

13 0 0
                                    


DAZE POV

Mahirap, pero kailangang gawin.
Nasasaktan, pero kayang tiisin.

Sa totoo lang, hindi birong makulong sa isang sitwasiyon na wala akong kinalaman at pilit akong ginagantihan.

Sa lahat ng sakit na dinanas ko, may mas sasakit pa pala sa lahat ng ito.

<<<<FLASHBACK 2 YEARS AGO (26 years old sila)

"Daze, let's talk," seryosong sambit ng babaeng pinapangarap ko.

"What is it, Feliz?" tanong ko. Mukhang kailangan kong paghandaan ang sasabihin niya.

"I am gonna live this unit and I'm not coming back," napakunot naman kaagad ang kilay ko sa sinabi niya. Ayos naman kami ah? Anong meron?

"What do you mean? May ginawa ba akong mali?" naguguluhan kong tanong. I've been a great and kind co-manager to her. Ni hindi ko siya sinaktan, sinigawan o kung ano.

"Wala kang ginawa pero ang mga mahal ko sa buhay, mayroon," panay kaunti ang mga sinasambit niya kaya hindi ko gaanong makuha ang punto ng pag-alis niya.

"Tell me what it is, I'm gonna help you," pag-aalok ko.

Not this time, please. Mahal na kita, tangina naman.

"Yes, kailangan ko ang tulong mo sa pag-alis ko dahil may papalit sa akin at magpapanggap na ako. This agent will reveal everything by playing innocent. Kailangan mong sakyan ang lahat ng gagawin niya para makasurvive kayo" nag-impake na siya ng mga damit niya kaya naalarma ako at nag-panic.

Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko matanggap ang sinasabi niya. Bakit ngayon pa?

"Huwag mo namang gawin 'to sa'kin. Ramdam mo na naman 'di ba? Ano pa bang kailangan kong gawin?" pilit kong hinahawakan ang mga kamay niya pero lumalaban siya at halatang desidido na sa gagawin niya.

"Daze, hindi ako manhid pero hindi ko kayang malayo sa anak ko. I like you as a friend at ayaw talagang lumampas kahit anong pilit ko so I'm giving her the chance to make you love her." nanlambot at nanlumo ako nang sabihin niya na may anak siya. Kailan pa? Bakit hindi ko alam?

"A-anak? Paano?" frustrated akong umupo at tiningnan siyang hawak na ang mga bag.

Nagtubig ang mga mata niya at nagkuyom ang mga kamao. "I was raped and I hate it"

Tumingala siya para pigilan ang sarili na lumuha. "Pero wala na akong magagawa. The child is already 10 years old. 16 ako na-rape at kailangan kong makabawi sa kanya."
dagdag pa niya.

Gusto kong manakit. Napakahayop naman ng taong 'yon kung sino man siya. Hindi ko siya mapapatawad.

"Mahiral magmahal ulit, Feliz. Ikukwento ko na naman ang lahat sa kanya, paano kung hindi niya ako magawang mahalin at iwan ulit katulad ng gagawin mo ngayon?" malungkot kong sabi. Lalaki ako pero mukha akong kawawang paslit. Nanlilimos ng pagmamahal.

"Piliin mo 'yung pumipili sa'yo, Daze. Mahal ka na niya kaya ikaw na lang ang hinihintay," nilapitan niya ako at hinawakan ang dalawa kong pisngi.

"Sino bang may kagagawan nito sa'yo?"

Ngumiti siya ng pilit at pumatak na ang isang luha mula sa kabila niyang mata.

"Malalaman mo rin mula sa kanya," niyakap na niya ako at may ibinulong. "May mga taong dadating dito para magkabit ng mga camera. Iyon ay ang mga suspect para manmanan kayo ng bagong Feliz kung paano kayo makitungo sa isa't isa. You should be a different Daze. Exactly the opposite of what you are showing to me."

"Bakit? Hindi kita maintindihan," napahigpit ang hawak ko sa kanya at hindi mapakali sa mga nangyayari.

"Hindi alam ng mga suspect na bago ang feliz na nandito bukas. Isa siyang agent sa EDJ at kailangan niyang mahuli at makakuha ng ebidensiya para mapatunayan na tama ang mga nalalaman ko na itinuturing kong mga sikreto. Hindi niya alam na pinuntahan kita at alam mo na ang motibo niya." huminto siya saglit at nagpatuloy.

Known Secrets of FELIZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon