FELIZ POV
Mabuti na lamang at maayos kaming nakarating dito sa Singapore. Kailangan ko pang magpasalamat kay London dahil nakita niya ang asawa ako. Hindi niya alam na asawa ko siya pero alam niyang may crush rin ako kay Daze noon kaya kahit anong update meron sa kanya, babalitaan niya ako. Ganoon ka-bugaw si London. Chos.
Nandito kami sa Merlion Hotel. Ito ang ibinigay na pangalan ng hotel ni Sir Patrich.
"Room 408 po, 4th floor, According to Sir Patrich" sabi ko sa babaeng nasa harapan namin na para bang maga-asikaso sa amin hanggang sa makaalis kami
"This way po, Ma'am" nakangiting sabi sa akin ng babae. I think Filipina siya. Naks naman umaariba ang mga pinoy!
Habang naglalakad papunta sa elevator ay pinagtitinginan ako ng mga tao. I guess hindi pala talaga sa akin, kundi sa dalawang lalaking kasama ko. Bakit naman kasi naka-black pa sila parehas? Si Deinz nakashades pa akala mo magbeabeach kung saan tapos si Quiel naka-earphones.
Akala siguro ng mga nakakasalubong namin, sobrang yaman ko dahil may dalawang matatangkad akong bodyguards sa likod ko eh mukha nga silang mga kidnapper!
Pagkapasok namin ng elevator, biglang lumalig at may narinig akong nagsalita.
"Hashashashasha" nakakakilabot na boses ng bata ang narinig ko tapos habang tumatagal, lumalalim yung boses. Bilis makapuberty ah?
"Narinig niyo 'yun?" tanong ko. Kami lang kasing tatlo ang tao rito sa elevator.
Nakakunot naman ang mga kilay nilang tumingin sa akin.
"Agang-aga nananakot kana naman" inirapan ako ng bongga ni Quiel. Takot nga kasi siya kaya tinatry niyang maging positive kahit totoo naman ang sinasabi ko.
"Gago, totoo nga! Tumatawa ba ako ha?" depensa ko.
"Ginalaw ka ba ha? Takot na lang ng multong 'yun sa kamanyakan ko. Pumapatol ako sa multo baka hindi niya alam" yuck. Imaginin niyo pervert na babae 'yung multo tapos kapag nakita ko nagsasarili lang si Deinz. Ew talaga!
"Arte mo talaga. Katangahan na naman nasa isip mo"napaka-harsh talaga nitong si Quiel. Murahin ko kaya siya kapag nagkameron ako?
Bumukas ang pinto ng elevator at hinanap na namin ang 408. Nasakit na naman ang ulo ko punyeta. At least hindi pa natibok.
Ilang sandali pa ang nakakalipas ay biglang bumagsak sa akin si Deinz. Shit!
"Quiel!" eksaktong tawag ko naman sa kanya ay dali-dali niyang inangat ang bumagsak sa akin at inakay papunta sa higaan.
"Manyak! Huy gising! Anong nangyayari sa'yo?" niyugyog ko siya at para siyang walang malay. Ang putla niya!
"Ang sakit ng lalamunan ko, mukhang may tonsilitis yata ako." pansin ko nga sa boses nya kanina, medyo garalgal. Akala ko naman effects lang. Lol.
"Eh bakit ka bumagsak sa akin? Hindi mo ba kaya ang katawan mo?" hinipo ko naman ang leeg niya at inaapoy pala siya ng lagnat.
"Umalis na kayo ni quiel, hinahanap na kayo ni Sir Patrich sa Resto bar" pagtataboy niya sa amin at humarap sa kabilang panig dahil nga nakahiga na siya. Ang lapad ng likod ah.
"Dito ka lang, Felita. Magpapadala na ako ng pagkain rito para kapag umalis tayo, makakakain na si Deinz" tumango naman ako sa sinabi ni Quiel at agad na siyang umalis. Oras kasi ang hinahabol namin dahil pasadong 2:00 pm na at 2:30 pm ang opening. Hindi naman kasi ito Pilipinas na filipino time o late na nagsisimula kaya mahirap at kailangan naming mag-adjust.
Bigla namang bumalikwas si Deinz at inilibot ang tingin sa kwarto.
"Wala na siya?" nakangiting tanong niya na parang bata.
"Oo, kanina pang nakaalis, hindi mo ba narinig na--"
OMFG! Hinigit niya ako pahiga at sinunggaban ng halik! Halaaaa ramdam na ramdam ko lahat ng init sa hawak niya, labi, dila, pati sa katawan. Ugh! Hindi 'to pwede!
Itinikom ko ang bibig ko dahil paulit-ulit kong naririnig ang katagang "may asawa kana". Pilit ko siyang itinutulak at kinukurot na para kumawala ako sa kanya. Nahiwalay ko ang sarili ko pero hinawakan niya ang likod ng ulo ko para mahalikan niya akong muli.
Putek. Hindi pwede ito!
Kinagat ko ang labi niya ng sobrang tagal pero sa halip na mapa-aray siya ay nagustuhan pa niya yata ang ginawa ko. Nyeta umungol siya ng napakalakas pero hindi ko na 'yon pinagtuunan ng pansin at lumabas ng ng kwarto niya.
Saktong paglabas ko naman ay nasa harapan ko na si Quiel kaya hinatak na niya ako paalis dahil kasama na niya ang babaeng nag-aasikaso sa amin kanina.
"Ang tagal mo naman quiel, saan ka ba talaga nagpunta?"
"Hinanap ko 'yung babae kanina. Parang tanga, nakikipagtaguan pa ata sa akin" napatawa na naman ako sa sinabi niya. Iritado talaga siya sa mga taong hindi mabilis makapick-up. Lagi siyang galit, hindi lang halata kasi maamo ang mukha ni quiel.
Pambansang salita niya either "tanga" "tatanga-tanga" at mas lalong higit ang "katangahan". Palagi niyang ginagamit ang last na nabanggit ko sa akin dahil bagay na bagay raw sa akin ang salitang iyon. Bwiset.
"Anong kakantahin mo nga pala?"
"This is gospel. Alam mo naman ang piano version 'nun di ba?" napangiti siya dahil gustong-gusto niyang tugtugin iyon habang nagpapraktis kami. Sa loob ng dalawang buwan, namalagi siya sa Resto Bar pagkatapos ng trabaho niya. Developer siya sa isang Company sa Manila.
Hindi na siya sumagot at tumambad na sa amin ang isang itim na sasakyan. Ito marahil ang maghahatid sa amin papunta ng Resto Bar.
BINABASA MO ANG
Known Secrets of FELIZ
RomanceFeliz Nevada, isang manager sa kanyang sariling Restobar ay mahuhumaling sa kanyang co-manager na si Daze Alhambra? Magawa kaya niyang kayanin ang tindi ng bagsik ng kanyang katrabaho at maisautak ang lahat ng sikretong dapat niyang ibunyag? **** Cr...