FELIZ POV
I need an air to breathe. Halos hindi ko na maayos ang takbo ng utak ko. Lagi na lang akong dinudurog. Ano bang gusto nila sa akin? Makitang pinapatay sa sakit? Gusto na ba nila akong mawala? Bakit ganun?
I immediately ran towards the hotel's exit. Ano ba itong pinasok ko? Hotel ba talaga o motel?
Tumakbo lang ako with my messy hair don't care, na nabasa dahil sa mga luha ko sa mukha. Oh, nice! Wet hair -_-
Wala akong pakialam sa mga tumingin sa akin sa daan. Try din kaya nilang makakita ng ganoong scenario. Tingnan lang natin kung masisikmura nila.
Takbo-takbo lang ako, bahala na kung sino o anong mabangga, paano kasi nakataklob ang kamay ko sa mukha ko. Ang laki kong tanga 'no?
Napatigil na lang ako ng may mabangga akong ako na mismo ang tumalbog. Sa tingin ko tao eh, itinunghay ko ang aking mukha at nakita ko kung sino siya. Oh. Si Quiel. Haha.
"Bakit ka umiiyak?" inayos niya ang buhok kong nakatabon sa mukha at pinahid ang mga luha, uhog na walang green (basta basa).
"Samahan mo na lang ako sa bar. Hindi ko na kaya ang sakit." nagpasiya akong kumalas sa pagkakahawak niya bukod sa nangangalay na ang batok ko sa katitingala sa kanya. Ang tangkad talaga.
"Sandali, hindi mo pa nasasagot ang tanong--
"BAHALA KANA KUNG SASAMA KA O HINDI! PUNYETA MAGSAMA-SAMA KAYO! IWAN NIYO NA LANG AKO!" naisigaw ko ang lahat ng 'yan sa hotel. Gosh. Alam kong madaling araw na ngayon pero nakuha ko pang sumigaw. Hindi talaga ako nag-iisip.
Nagmadali akong umalis ng hindi iniisip kung may sasakyan ba ako. Ganitong oras? Nahihibang na yata ako.
Nagulat na lang ako dahil may humatak sa kamay ko at napansin ko na lang na naglalakad na ako, I mean kami pala.
Wala ako sa mood para kiligin o kung ano, nakaflash pa rin kasi sa isip ko ang mga nalaman ko.
Natuyo na ang mga luha ko habang naglalakad. Saan ba naman kasi may pinakamalapit na bar dito? Ang hirap naman, sanay ako sa Pinas eh.
Actually, buti na lang tuyo na luha ko, irereserve ko na kasi ulit at baka may waterfalls na namag mangyari sa bar. Doon tamang magsenti.
"Good morning, can we get some light drinks?" tanong ng kasama ko. Quiel naman! Alam kong lasenggo kang gago ka bakit naman light lang? Minamaliit yata ang alcohol tolerance ko.
"Sure, sir! Enjoy!" ang bilis ah. Babae ang bartender, nice one.
"Anong problema mo, Felita?" pagbubukas niya ng usapan.
Grabe ang hype pala rito ng bar. Dami kong nakikitang milagro eh. Try ko kaya sa kasama ko? Joks.
"Nakita ko si Anon at Daze" panimula ko. Gusto ko by pieces lang muna. Pagod na akong magdire-diretso eh, nakakaubos ng laway.
"Malamang, nandito nga sila hindi ba? London also sent me an email, fyi" matabang na sabi niya.
"Wanna know why it hurts?" this time, tumingin na ako sa kanya. Grabe pala ano? Naiiyak na naman ako kapag ikinukwento ko ang nasaksihan ko.
"Nakapatong sa kanya si Anon, doing some crazy miracle in front of my eyes." pinigilan kong tumulo at nagsucceed naman ako. Hinawakan ko ng mahigpit ang baso at doon ko na lang ibinuhos lahat ng galit. Wala na akong pakialam kung mabasag 'to, may financer naman akong kasama. Jackpot.
Hindi siya kaagad nakapagsalita at tumingin sa akin. Hinihintay niya siguro akong magbreakdown. Paano kung ayoko?
"Go ahead and cry, I'm here" ginalaw-galaw niya ang basong hawak niya at idinikit sa pisngi ko. Ang lamig amp.
"Pagod na akong umiyak. Wala na atang mailalabas. Bigyan mo naman ako ng luha mo, sige na kahit ilang patak lang, ma-feel ko lang ang moment ng pagda-drama ko sa'yo"
sinubukan kong gawing joke na lang ang ibang sinasabi ko, puro intense naman ang nangyayaribsa akin eh. Pwedeng time-out muna? Sunod-sunod ah. Atat akong gulatin lagi ng bongga dahil sa mga rebelasiyon?
"Alam mo hindi kita gets, yayakagin mo akong pumunta rito para ilabas lahat ng saloobin mo pero heto ka at naghahanap na naman ng sasabihin na puro katangahan lang naman. Wake up!" tinampal niya ang dalawa kong pisngi ng bahagya.
"Si Deinz at Daze, bisexual pala. Tapos may nangyari sa kanilang dalawa noon. Haha. Ang saya 'no? Tapos biglang nahuli ko rin sila ni Anon. Luh. Baka magka-aids si Daze"
"Tanga talaga. Nasira kana't lahat siya pa rin ang iniisip mo. Paano naman ang sarili mo? Masyado ka kasing marupok. Kapag nakita mo siyang kawawa, bigay ka kaagad. Pwede naman kasing kahit ngayon lang, ikaw naman ang magmatigas, I'm sure may kaya namang magpakarupok para sa'yo, yung magbibigay ri sa'yo ng sobra pa sa sobra pero walang hihinging kapalit" sabay tagay siya ng inumin niya. Ang bilis ah. Humirit pa siya sa bartender.
"Lalim ah. Honestly, ayaw ko munang pag-usapan na ang tungkol sa nangyari kanina. Nakakadrain pala kapag pinaulit-ulit ko. Aish"
"Tingnan mo, pati drinks mo hindi mo pa tinutungga" turo niya sa hawak-hawak ko. Pinatutunaw ko lang talaga 'yung yelo eh HAHAHA. Wala akong balak uminom, tamang tapang-tapangan lang sa harap ni kras. Lol.
Tinitigan ko lang ang hawak ko at inintay na matunaw ang yelo.
"Inumin mo na" pagpupumilit niya. Isa pa please! pilitin mo ulit ako.
Inirapan ko na lang siya dahil napakacold niya ngayon. Hindi ba dapat comforting ang dating niya? Hellooooo?
Napatingin na lang ako sa crowd na nagsasayawan. Di naman ako nagsasayaw eh, hanggang kanta lang talaga ako pramis.
Boring. Try kong tikman. Tikim lang naman. Wala naman sigurong masama 'di ba?
Unang lagok pa lang. Bumilis na kaagad ang tibok ng puso ko at sumabay pa ang pagtibok ng ulo ko. Tangina. Ano na naman? May maaalala na naman akong malala?>>>>>>>>>>>>FLASHBACK (6 years ago)
"Ano na namang problema mo?" inis na sabi ng bestfriend kong si Quiel. Crush ko 'yan huwag kayo! Ang mahirap nga lang, ikakasal na ako sa maling tao. Maling-mali.
"Ah. Si Deinz at Daze nahuli kong magkapatong. Magkapatid na gumagawa ng milagro. Haha" pinunas ko ang luha ko matapos maalala ang nangyari.
Gusto ko silang respetuhin dahil bisexual "raw" sila pero kahit saang anggulo ko tingnan, hindi ko mapigilang madismaya at mandiri sa nakita ko. Bakit kasi kailangang magkapatid sila? Matatanggap ko pa kung ibang tao na hindi related sa isa't isa pero ang sakit lang, kasi kahit naman gusto ko pa lang si Daze, may karapatan naman siguro akong magalit lalo na't ipinupush ni lola na ikasal kami ni Alhambra, para lang sa Restobar.
"Oh? Ayos ka lang?" nagawa pang tumawa ng loko at para bang wala lang sa kanya ang nalaman ko. Kaibigan ko ba talaga siya?
"Mukha bang okay ako kung kakaladkarin kita ng alas dose ng gabi rito sa bar ha? Kapag talaga nagbukas ang restobar ko wala kang discount sa akin" pagmamaldita ko. Kainis. Naiyak dapat ako ngayon di ba?
"Kasi naman, kapag sinuyo-suyo pa kita o inamo-amo, maaalaa mo lang ang sakit. You can hate me for being like this pero alam kong nakaiyak ka na bago mo pa ako kaladkarin. Gusto kong iiyak mo munang mag-isa para mas maintindihan mo ang sarili mo, ayokong masanay ka na sa akin lagi iiyak. Paano kapag naging mag-asawa na kayo ni Daze? Baka naman lagi kayong mag-away dahil sa akin and I don't want that. Gusto kong sumaya ka." mahabang paliwanag niya.
"Napakasama mo, wala man lang yakap, Thank you ha!" sarkastiko kong sagot sa mahabang litanya niya sa akin.
"Ano 'yung sinabi mo nung una?" sinadya ko kasi na hinaan ang una kong sasabihin. Mahirap na, baka mahalata niya ang hidden desire ko sa kanya. Aguy.
"Wala, wala" sabi ko.
Napatulala ako sa mga nagsasayawang mga halos kasing-edad ko lang. Carefree. Sobrang laya. Sana all.
"CR muna ako ha, huwag mo akong iiwanan!" babala ko sa kanya. Baka kasi malasing ako at walang aalalay sa akin.
Tumango naman siya at umalis na ako.
Mabilis naman akong natapos at pagkabalik ko, nakahalumbaba lang si gago at parang ang lalim ng iniisip. Siguro babae na naman. Chios.
"I'm sorry" nagulat ako dahil may pumatak na luha sa kanyang kaliwang mata. Dafak! Anong nangyari noong umihi ako?
"Bakit ka nagsosorry sa akin? Bakit ka naiyak bakla ka!" hinampas ko pa siya ng bahagya para tumawa siya, baka nama tinatry lang akong iprank.
Isinubsob niya ang sarili niya sa table na inuupuan namin at nakita sa tabi niya ang baso ko.
Nyeta. Hindi ko pa pala naiinom kanina pa. Tikim lang naman.
Unang lagok. Wala namang problema. Hindi kaya...umiiyak siya dahil lasing na siya? Imposible naman.
Kilala ko siya eh. Delikado ako kapag nalasing siya, nanghahalik 'yan. Hays. Kaya nga siya ang first kiss ko di ba? 4 years ago,pa yon pero after non, wala na. Di na ako pinansin. Ngayon lang niya ako kinulit ulit matapos niyag malamang engage na ako.
Nagdadalwang isip na nga ako. Hihindi na lang siguro ako sa offer ni Lola. Sabihin ko na lang pakasalan niya si Daze at mas maigi pa. Napakabugaw ng Lola Tinang ko eh. Ba't di na lang siya 'no?
Pangalawang Lagok. Potek naparami pala ang lagok ko. Wala talagang problema. Nagulat na lang ako nang bumangon siya at niyakap ako.
Tss. Ngayon pa may ganang maging clingy.
"I'm sorry, I love you..." juskoho. Lasing na ata talaga. Ako? Sasabihan ng I love you? Katangahan.
"Shhhh huwag kanang umiyak, sabi ko naman kasi sa'yo huwag nang--
Natigilan ako at nabitawan ang basong hawak ko. Napako ang sa kinauupuan ko at napahawak sa ulo ko. Shit. Tumitibok kasabay ng puso ko. Ano 'to? Hindi pa ako lasing! Pinipilit kong ibukas ang mga mata ko dahil parang kusa itong sumasara. Damn! Tulong!
Napaupo ako sa sahig at nagdadalawa na ang paningin ko, Nahihilo ako.
Napansin ko ang isang lalagyanan ng gamot sa ibaba. Maliit lang ito at parang powder ang laman.
Pilit kong iminulat ang mata ko at binasa ang nasa label nito.
"Miss? Okay ka lang? Ah...Sir, si Miss...." Hindi ko na narinig ang sinabi pa ng bartender na babae dahil sa nabasa ko.
METYRAPONE
Ang pagkakatanda ko, nabanggit sa akin ni Pomelle na aim nitong mabura ang masasamang alaala na mayroon ang isang tao dahil sa pighating nadama nila sa nakaraan.
Napatingin ako sa itaas ngunit hindi na kinaya ng katawan ko at napahiga na sa sahig.
Ang sakit...may gumuhit na matalas sa binti ko at hita. Matatalim na bubog galing sa nabasag ko kanina. Hindi ko na kaya...mas lalo akong nanghina at nawalan ng malay.
>>>>>>>>>>>>>END OF FLASHBACK
Nagising ang diwa ko at nawala ang pagtibok ng ulo ko. Kung sira na ako kanina, mas sirang-sira pa ako ngayon.
Kung noon, ang kasama ko ang umiyak sa harap ko sa hindi malamang dahilan, then this time, ako na.
Nakita kong nagpanic ang kasama ko. Damn. The exact reaction I had back then.
"B-bakit ka naiyak?"
*SLAP
"YOU DRUGGED ME! YOU FUCKING DID! I REMEMBER EVERYTHING NOW!" and I burst into tears.
BINABASA MO ANG
Known Secrets of FELIZ
RomanceFeliz Nevada, isang manager sa kanyang sariling Restobar ay mahuhumaling sa kanyang co-manager na si Daze Alhambra? Magawa kaya niyang kayanin ang tindi ng bagsik ng kanyang katrabaho at maisautak ang lahat ng sikretong dapat niyang ibunyag? **** Cr...