FELIZ POV
Ilang araw na kaming hindi nagkikibuan ni Daze. Bahala nga siya. Dumadagdag lang siya sa stress ko. Napapadalas pa ang pagtawag sa kanya sa cellphone.
"Dumating na ang mga decorations para sa next event," ayan. Civil na civil kami kung mag-usap. Sabi niya 'yan at mukhang iritado na naman.
"Alright. Tell the other crews to pick them up," utos ko. Inasikaso kp ang pagpirma ng mga papeles para sa event. Ang hassle na talaga.
Tiningnan niya lang ako for a couple of minutes without changing everything. He look so tired as fuck. He looked at me as if something's wrong with my face.
"Your face tells me that I'm the most beautiful girl you've ever met. I guess, my hunch is right." pagmamayabang ko. Kailangan kong gawin ito para lubayan niya ako. He's distracting me with those looks!
Hindi man lang siya tinablan at umalis na para bang walang nangyari. Okay, napahiya ako run. Wala man lang away? Hindi niya ako aasarin? Kakupalan niya!
I just released a heavy sigh. Nag-stretch muna ako at ginawanh busy ang sarili ko.
Napatingin ako sa calendar ko sa tabihan at napatitig sa date ngayon. May 13. May bilog ito na color red. Hindi naman ito yung delivery kasi naka note lang 'yun sa phone ko. Weird. May nangialam ba ng mga gamit ko?
Inasikaso naming lahat ang preparations at inorient ang lahat ng trabahador. Halos mapaos na rin ako sa kangangawa habang nagpe-present sa mini Audio Visual Room namin na katabi ng office namin ni Daze.
Ito lagi ang pinagpupuyatan ko. Naggagawa ako ng powerpoint presentation para maayos ang plano at hindi puro papeles lang. Nakakahilo kasi kung tutuusin.
Ilang oras akong nakatayo habang nagsasalita. Take note, with heels dahil maliit ako. Samantalang si Daze? Taga-lipat lang ng slide. Gusto kong ihampas sa kanya itong projector. Napakalaking tulong niya.
"Any more question? Huwag kayong mahiya." medyo paos kong sabi at nakahinga na dahil alam kong tapos na.
Nakangiti naman sila at nagtanong ang ilan. For clarifications lang at buti ay nasundan nila ang plano.
"Libre lait ngayon, Mr. Alhambra." asik ko nang makaalis ang mga trabahador.
"Ni-review ko lahat ng slides mo kagabi. Ayos naman, may minor changes lang akong ginawa." dapat lang! Hmmp. Napansin ko naman iyon kanina habang nagmi-meeting. Nagulat na lang ako may biglang ganito, ganyan. Napataas tuloy ang kilay ko sa mga bagong napansin ko.
Niligpit ko ang mga gamit ko dahil gabi na pala. Sapat naman ang tao ngayon para magtrabaho rito kaya nagdesisyon akong umuwi.
Si Daze? Ewan ko sa kanya. Edi sumunod siya sa unit kung gusto niya.
--
Hindi kaagad ako nakapagpalit dahil dinamba ko na ang kama sa sobrang ngalay. Sana man lang may nagmamasahe sa akin 'di ba? Wala talaga siyang kwenta. Kainis!
Since wala naman si Daze ngayon, nagbihis ako at nagsando na lang. Hindi ako nagsuot ng bra dahil dagdag lang sa labahin.
Pinatay ko ang mga ilaw. Ganito kami lagi tuwing gabi. Bubuksan lang ang ilaw kung dito kakain, ganun. Para hindi sayang sa kuryente. Kami na talaga kuripot.
Bukas naman ang lamp shade so okay lang. Nanood ako ng TV na nasa tapat ng kama. Nagdecide akong umupo na lang sa sahig at naglatag ng carpet sa baba.
Napanganga ako dahil bed scene ang unang lumitaw sa screen at ungol ng babae ang narinig ko. Inilipat ko kaagad ang channel pero halos romantic movies lang ang nakikita ko. Puro kissing scene, dating. Walang bang sampalan man lang? Sheesh. Pinatay ko na ang TV.
BINABASA MO ANG
Known Secrets of FELIZ
RomanceFeliz Nevada, isang manager sa kanyang sariling Restobar ay mahuhumaling sa kanyang co-manager na si Daze Alhambra? Magawa kaya niyang kayanin ang tindi ng bagsik ng kanyang katrabaho at maisautak ang lahat ng sikretong dapat niyang ibunyag? **** Cr...