Chapter 53

6 0 0
                                    

FELIZ POV

Ohkay? Nandito si Deinz sa lungga ni Vicco sa hindi ko malamang dahilan nga.

Nakita ko rin sa Malayo si Lola. They're here for good?

"Gulat na gulat ka ah. Pasok ka muna" ani ni Vicco.

Sinalubong ko naman ng yakap si Icer at si Deinz.

"It's been a while, Dr. Alhambra" nakangiting bati ko. Hinalikan naman niya ako sa pisngi na para bang walang nangyari.

Okay na naman ang lahat. Ayaw ko na talagang balikan ang nakaraan dahil unti-unti lang akong nilalamon nito.

"Yeah. Still the same Feliz." ganti naman niya.
I was caught off guard dahil nagkiss sila ni Vicco sa harap ko. French kiss pa! Hinarangan ko na agad ang mata ng bata dahil sa kanila.

"Why are you covering my eyes, ate? I'm used to seeing them like that. They told me that it's how you show your love towards a person." nagtaas naman ako ng kilay sa dalawang hitad na lalaki at tinawanan lang ako ni Deinz. Seriously? Paano kung bigla na lang manghalik itong bata ng kung sino sa labas? Grrr.

"Englishero ka na ha. Inadopt ka na ba ni Fafa Vicco?" bulong ko sa bata dahik nakakahiya ang aking tinuran. Ang landi ko sa part na yun ah.

"Yup! Pumayag pa siya na dito rin tumira si Lola!" mabuti naman. Napagisip-isip ko rin kasi na kailangan na ni Lola na magpahinga at huwag nang mahirapan kaya naghanap ako ng mga staff sa bakery.

Miss ko na ang best friend kong si Pom. Siya kasi ang naiwan sa Pinas para asikasuhin ang iniwan ko. Nakakahiya na nga minsan pero sabi niya deserve ko rin namang magpakasaya for a week. Akalain mong may nakita akong lingerie sa bag ko sa halip na mga bagay na nakalimutan ko?

Loka talaga 'yun. Pinagsamantalahan siguro ang bag ko noong nga panahong busy ako.

"Are you sure about this?" hindi ko maiwasang magtampo kasi hindi ko alam ang tungkol dito, pero wala na ako sa pwesto para ipagdamot ang bata dahil ama niya si Deinz.

Tumango naman siya at kiniss din ako sa pisngi ko. What a nice kid. Parang gusto kong magkaanak? Lol joke.

"Sexy time muna kami ni babe. Alagaan mo baby ko, Feliz" pinanlakihan ako ng mata ni Deinz at tinaasan ko sila ng kilay.

Nanghihinayang talaga ako kay Vicco :( Balak ko sanang lapain at lasingin ngayong gabi kaso mukhang naka-reserve na siya sa jowa niya.

Grabe naman sila! Iwanan ba naman ang anak sa akin! kajirita!

Tulog na tulog naman si Lola kaya inaya kong pumasok sa kwarto si Icer at doon nakipagkulitan sa kanya.

Napagod kami kalalaro at buti na lang, sound proof itong kwarto. Naiimagine ko lang kunh ano na ang nangyayari kasi may narinig akong nahulog kanina. Hindi rin naman sila sabik na sabik 'no?

"Ate, you seem lonely since then. Wala ka po bang planong magkababy?" pinisil ko ang pisngi niya dahil ang cute niya at hindi ko rin alam ang isasagot sa kanya.

"Hmmm. Meron naman, kaso mukhang malabo pa. Ang hirap i-explain e. Basta magugulat na lang, may buhat-buhat na ako." he smiled at me. The thing is, nanlambot ako sa kinauupuan ko dahil nakita ko si Daze sa kanya. Damn! Bakit ba kasi magtito sila? Ang hirap tuloy na kalimutan. Tss.

"Nalaman ko pong buntis si Mommy at si Tito Daze ang father. Is that true?" Ayan. Ipinaalala na naman ni Icer, ugh!

"Uhh, yes kid. H-hindi ka ba masaya? Kuya ka na pagkatapos ng ilang buwan!" at nauutal pa talaga ako sa isang bata. What's wrong with me?

Known Secrets of FELIZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon