FELIZ POV
"Ano? Hindi mo ako kakausapin?" tanong ko. Aba kanina pa kami tahamik dito simula noong lumabas si Pomelle.
"Hindi na ba nasakit ang ulo mo?" tanong niya, pero hindi pa niya ako tinitingnan.
"Hindi na, pero inihahanda ko na ang sarili ko na posibleng sumakit ulit" sagot ko
KATAHIMIKAN NA NAMAN. ERR.
"Anong naalala mo kanina?"
Naghesitate pa ako bago sumagot "May ibinigay kasi sa aking letter si Pom. Letter galing kay Quiel, exactly what happened 10 years ago. Ang kinaibahan lang, nakita ko sa bag ko noon, ngayon naman, ipinabigay lang ni Lawrence."
"Sino naman 'yung Lawrence?" tanong niya kaagad. Para akong nililtis dito ah.
"Boyfriend ni Pom, kaklase ni Quiel noong college"
Napahalumbaba naman siya. Nakatuon ang kanyang mga siko sa kanyang mga hita.
"Sa tingin ko, nati-trigger ang utak mo sa tuwing nauuulit lahat ng nangyari sa past."
Napatingin naman ako sa sinabi niya. Naliwanagan ako dahil may punto siya. Pero bakit ako natitrigger?
"Pero bakit?" Hindi ko alam kung tanong yan sa sarili ko o sa kanya.
Hindi na naman siya nagsalita. Ang tahimik naman niya mag-isip. Ganito ba kapag mga manyak? Sobrang lalalim ng iniisip?
"Hindi ko pa rin alam sa ngayon. I'll help ate Pom to find it out." hindi pa rin siya natingin sa'kin. Hindi ba niya alam 'yun eye contact man lang? Nasaan ang sincerity niya kung walang power of the eyes?
"Paano mo naisip yung sinabi ko kanina?" I tried to smile. Sabi nila nakakahawa raw kapag tumawa ka. Sana epektib.
"I'm a future Ob-gyne, what do you expect? Kailangan kong maintindihan kayong mga babae." Inilabas niya ang cellphone niya at nagpalsak ng earphone sa mga tainga niya.
Ang bastos ah. Parang ayaw niyang makarinig pa ng ratrat sa akin.
Inirapan ko siya dahil sa inis kahit hindi niya kita. Napilitan lang ba siyang pumunta rito? Aba. Kung ganito ba naman ang magbabantay sa akin sa hospital mas mabuti nang si Daze na lang. At least 'yon, sisigawan ako. Kahit manyakin ako ayos lang taena basta may interaction.
"You know what Deinz? Hindi ka pwedeng maging Ob-gyne" I mustered up all my strength para lagyan ng attitude ang tono ng pananalita ko pero letche. Dineadma lang niya ako. Makatarungan ba iyon?
He didn't even bother to look at me. Well, how stupid of me. Nakaearphones nga kasi siya. Pero impossibleng hindi niya narinig 'yon. I almost shouted my line earlier! Sureball akong mas malakas pa ang volume ko kaysa sa volume ng earphone niya.
"Ang sabi ko, hindi ka pwedeng maging ob-gyne!" Double pa yung volume 'non ha. Ewan ko na lang kapag hindi pa siya natinag.
I waited but i failed. Matibay si manyak ah.
Binato ko siya ng unan. I was about to celebrate my success kasi sa wakas! Tumingin na siya sa akin...ang kaso, he look annoyed.
Alam niyo kung bakit? Kasi sa halip na tumama sa mukha niya ang unan...
Sa may parteng ano niya tumama. AMPUPU!
Paano naman kase, bukakang-bukaka siya! Hindi niya ba alam na nasisilipan ko siya mg boxers dito? Hangin please!
"Hey, kailangan kong umuwi ngayon, kailangan kong bumawi kina mommy eh, alam niyo namang kauuwi ko lang ng pinas pero kayo kaagad ang pinuntahan ko. Nagtatampo na sila sa akin." paalam niya at kinuha ang bag niya. Sayang ang sleepover. Tuluyan nang naging drawing. Di man lang nakulayan.
"Sige, ingat ka. Kahit naman hindi mo sabihin gusto mo rin namang nakabawi kay Papi Lawrence"
Namula naman siya at nagsabi "Yeah, parang ganoon na nga"
"So paano? Ikaw na ang bahala kay Erp ha? Huwag mong iiwanan 'yan!" bilin ni Pom bago isara ang pinto.
Yun oh. Makatulog na lang.
"Bakit mo ako binato huh? Gusto mo talagang ginagalit ako" lumapit naman siya sa hospital bed at seryoso akong tiningnan. Diba ito naman ang gusto kong mangyari kanina? Bakit parang gusto ko nang magback out?
"Hindi. Ayaw mo kasi akong pansinin. Kapag ba bumula ang bibig ko rito saka ka lang matitinag ha? Putulin ko 'yang ano mo eh" napahawak ako sa bibig ko dahil kusang lumabas ang mga katagang iyon. Silly mouth!
"Bakit parang ikaw na ang nangmamanyak ngayon? Hindi ba ako lang dapat?" ayan na naman siya sa paglapit niya rito sa hospital bed. Argh! Ang bigat niya! Yumugyog tuloy noong sumampa siya.
"Tuwang-tuwa ka naman? Ikaw landi mo ah. Konting segway ko lang kagat ka kaagad sa joke. Paalala ko lang sa'yo may asawa na ako."
"Oo nga, pero wala siya rito" at nguimiti na siya ng nakakaloko.
"Parang narinig ko 'yang linyang sinabi mo kanina. Parang sinabi ko 'yan...noh?" hep. Hindi ako nakalimot ha. Inaasar ko lang siya at napakagaya-gays ng batang kausap ko.
Patango-tango lang siya at sinuklay ang buhok ko. Nairita siya noong sumabit ang daliri niya sa buhok ko. may buhol ata sa sobrang buhaghag.
"Magsuklay ka nga! Ang buhaghag ng buhok mo! Kakalbuhin ko 'yan." Dinuro-duro pa niya ang ulo ko.
"Wow. Parlorista ka girl? Sabagay, badeng ka nga pala" pang-iookray ko pa.
"Anong sabi mo?" nagbibingi-bingihan eh narinig naman niya. Muntanga lang?
"Wala. Matutulog na ako."
"Ms. Nevada po?" Ayyt. Finally may nurse na ring dumating after ilang years of waiting. Hindi namin narinig ang katok dahil siguro sa ingay naming magsalita. Brrrr."Yes po" buti na lang babae itong napa-assign sa akin. Swerte ko naman. Chichikahin ko pala si ate minsan.
"Nasabihan po ako kanina na sumakit daw po ang ulo niyo. Nakaramdam po ba kayo ulit?"
"Hindi na po ulit. Kuha ka ng prutas sa tabi ate"
"Ay naku, huwag na p--"
"Hoy Deinz! Iabot mo ang isang apple diyan sa tabi mo."
"Anong gagawin ko?"
"Titigan mo" sinamaan niya ako ng tingin. Itininanong pa eh.
"Malamang ibibigay mo ho kay ateng nurse. Nakikinig ka ba sa usapan namin ha? Sagot!" nilaksan ko ang boses ko para tanggalin niya ang lintik na earphone na ipinalsak na naman niya sa tainga niya kanina.
"S-Sir D?" gulat na gulat si ateng nurse. Wow. Fan ni manyak?
Nagkunot naman ng kilay si Deinz at tiningnang maiigi si ateng nurse. Nilapitan niya sa mukha! Si ate naman pulang-pula. Ang harot naman ng batang ito. Lahat na lang eh-eh.
"Erdelia! Ikaw pala!" nakipag-hi five naman si loko at tuwang-tuwa si ate delia mong girl.
"Kaano-ano mo po siya Sir?" tanong niya.
Napatingin muna siya sa akin bago nilingon ang batang nurse.
Girlfriend? Kapatid? Pinsan? Kamag-anak? Ano kayang iniisip ng manyak na 'to?
"Nabuntis ko. Kakapa-check up lang niya kanina." asdfghjkl! Nalungkot 'yung nurse.
Napatingin naman ang batang nurse sa clipboard na hawak niya, mga records siguro. Chinicheck talaga amp!
"Biro lang, tiyahin ko talaga siya eh Iniwan ng asawa, ako ngayon ang tiga-alaga" sumosobra na siya ha! letsugas! Haklitin ko kaya itong dextrose at itusok sa kanya? Strike two! Strike two!
Ngiting-ngiti naman si tanga. Si nurse delia naman ay ngumiti na lang rin ng tipid na tipid.
"Nakausap ko na po si Dr. Banaobara, bukas pa raw po siya makakapag-rounds pero once na normal na raw po ang lahat bukas, pwede na po kayong umuwi anytime"
"Ah talaga? Edi pwede ko ng iuwi si auntie ngayon?" at talaga namang tumigil pa siya kakaselpon para lang sumegway sa sinabi ni ateng nurse.
"Sir D talaga" napatawa naman ang batang nurse. Hule. May crush ang bata sa isa pang bata. Kawawa siya, kapag nagkatuluyan sila. Palagi siyang mamanyakin ni Deinz!
*imagination*
"A-ah...Sir D! Huwag dito please! May mga naghihintay na mga buntis sa labas!"
"Babe naman! Wala pa tayong bebe time ngayon!" maktol ni manyak sabay palo sa pwet ni girl. Yikes!
"S-sa bahay na lang pleaseeee. Ibibigay ko naman ih." At namula ang batang nurse.
Ghad! Anong part ng mind ko ang nagpoprocess nito? Erase-erase!
*end of imagination*
"As I was saying sir, please check her from time to time. Maaaring bumalik ang naramdaman niya kanina at baka lumala."
"Sige, nurse delia! I gotchu! Now...Catch!" kumindat pa siya at inihagis ang apple kay nurse. Siyempre nasambot kahit nasa may pintuan na siya.
"Thank you po, have a good night Ms. Nevada" ngiting tagumpay si ate at nagsara na ng pinto.
BINABASA MO ANG
Known Secrets of FELIZ
RomanceFeliz Nevada, isang manager sa kanyang sariling Restobar ay mahuhumaling sa kanyang co-manager na si Daze Alhambra? Magawa kaya niyang kayanin ang tindi ng bagsik ng kanyang katrabaho at maisautak ang lahat ng sikretong dapat niyang ibunyag? **** Cr...