FELIZ POV
Honestly! WALA AKONG ALAM! Pagkagising ko, wala! Blangko ang isip ko bukod sa kung paano ako naospital. Habang tumatagal, lumalala ako. Palagi na lang akong nakakalimot. Nasakit na rin lago ang ulo ko.
Pero heto, nabigyan ng sagot ang mga bagay na gusto kong malaman...
FELIZ,
Alam mo ba, matagal na kitang gusto? Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang sulat na ito kaya sinabi ko na kaagad ang kailangan kong sabihin. Tapusin ko na ha? Joke lang. Hindi ko naman sigurado kung mababasa mo ito dahil itinago ko ito sa bag mo. Gagraduate na tayo ng high school hindi mo man lang napapansin na gusto kita? Araw-araw akong nakabuntot sa'yo. Ako pa ang sinasabihan mo ng hinanaing mo sa tuwing makikita mo sina Anon at Daze na magkasama. Kailan ko ba maririnig na si Quiel at si Feliz? Huwag na siguro. Ititigil ko na 'to.
Gusto ko lang sabihin sa'yo na namatay na si Mama. 'Yun ang dahilan kung bakit matapos kitang halikan ay hindi na ako nagpakita sa'yo. Patawad. Nagpakalayo-layo na kasi ako at alam kong malayo na ako ngayon pero imposibleng hindi mo ulit ako makita eh. TANGINA LANG.
Naiinis ako dahil noong graduation, naalala mo bang sinampal mo ako nun dahil sinabihan kitang Desperada? Hindi ko intensiyon 'yun. Selos na selos na kasi ako. Sa tingin ko kasi, nagkakagusto na rin si Daze sa'yo. Isa pa, naaalala ko lang na namatay si Mama noong nakita kita. Hindi kita sinisisi, ako ang may kasalanan. Sana mapatawad mo ako. HAHA. Sa tingin ko naman imposibleng makita mo ito kaya iimaginin ko na lang na pinatawad mo ako kahit hindi naman talaga. Sana huwag mo na ulit akong makita.
Nagmamahal sa'yo,
ROMANA, QUIEL ROYCE BANDITO.
Sumasakit ang ulo ko. Simula noong buksan ko ang lumang sobre na may lamang sulat ay nagsimula nang tumibok muli ang ulo ko.
>>>>FLASHBACK (10 years ago)
"Pare! Lunch na! Tara sa caf" pag-aaya ni Pomelle
"Sige, saglit lang kukuha lang ako ng pera"
"BIlis! Baka mahaba na ang pila!" kahit kailan talaga ang haba ng pasensiya nitong kaibigan ko. Hays.
"Oo na! Heto na nga oh!" nagmamadali kong sabi. Shets. Hindi ko na nai-zipper ang bag ko. Pinagmamadali naman kasi ako eh. Hayaan na, wala namang mananakaw at dala ko ang pitaka ko. Gora!
Napatingin naman ako sa gawi ni Quiel na nakaubo-ob at nahuli kong nakalingon sa gawi ko. Gulat siya ih. Pumaling tuloy siya sa kabila. Ang sama pa ng tingin sa akin.
"Pagkatapos mo akong halikan sa rooftop! Hmmp!" bulong ko sa sarili ko at umalis ako.
Kumain ako ng kumain at pagkabalik ko sa classroom, may napansin akong kakaiba.
Bakit nakasarado na ang bag ko? Iniwan ko 'tong bukas ah! Potek ano may magnanakaw ba ng mga gamit ko rito? Eh puro libro at notebook lang naman ang laman. Aba napakahusay ng magnanakaw ng napkin ko. Grabehan. Hayaan na nga, baka may nandugas ng notebook ko at walang assignment.
Inilibot ko muna ang tingin ko at hinanap si Daze. Amp magkausap na naman sila ni Anon. Sabay pa silang nakain sa loob ng room. Sunod na hinanap ng mata ko si Quiel. Nasaan na ang gagong 'yon? Kaibigan ko ba talaga 'yon?
"Pom, nasaan si Quiel my loves?" malandi kong sabi.
"Ayon. Quiel my loves. Akala ko ba kaibigan lang? Iba ka! Crush mo na si Daze, pati guy bstfriend mo!" napa-iling iling siya.
"Ganun talaga. Para kapag naging si Anon at Daze, isang malaking ekis na. Uncrush agad." Mayabang kong sabi.
Siyempre sinabi ko lang 'yan ng kami lang magkasama. Sabihin pa nila sobrang landi ko kahit totoo naman. HAHAHA
"Nasaan nga siya?" pag-uulit ko ng tanong. Hindi naman niya kasi sinagot ang tanong ko. Nice talking -_-
"Aba, bakit ako ang hinahanapan mo gaga ka. Tayo ng dalawa ang magkasama hindi 'ba?"
"Ay, shete. Oo nga pala hehe" at binatukan niya ako. Napaka-amazona talaga. Sa kanya ko namana pagiging brutal ko eh.
"London! Nasaan si gago?" kabarkada ni Quiel, kasama sa mga katarantaduhan niya.
"Ah. Nasa rooftop na naman. Huwag mo na raw sundan. Balak talagang magcutting ni tanga" napatawa naman ako sa sinabi niya. Murahin ba naman kaibigan niya. Gago talaga.
"Oke, salamat sa info" sagot ko.
Umupo na ako at himalukat ang bag ko. Hahanapin ko ang assignment ko sa notebook at baka nadekwat na habang wala ako. Nagulat ako ng madanggil ng kamay ko ang isang sobre. Bago ito ah? Mabasa nga!
Nanlaki ang mga mata ko matapos kong basahin ito, napahawak pa ako sa bibig ko dahil hindi ako makapaniwala. Napatingin ako kay London na ang lawak-lawak ng ngiti at kanina pa yata tinitingnan ang reaksiyon ko.
Patay kang hunghang ka, bakit nandito ang letter na ito?
"Just thank me someday, you owe me one" at may pagkindat pa ang gago. AAAAAACK!
>>>>END OF FLASHBACK
"MAY NAALALA AKO POM! MAY BUMALIK NA SA MEMORYA KO!" sigaw ko. Oo! Tuwang-tuwa ako! Nawala na ang sakit ng ulo ko sa wakas!
"Ha? Ano 'yun?" excited na tanong niya at hinawakan pa ang kamay ko parehas.
"Itong letter na ito, inilagay ni London sa bag ko! Hindi alam ni Quiel na naibigay sa akin...itinago kasi sa bag ko! Basahin mo bilis!" gumaan ng kaunti ang loob ko matapos mabasa ang sulat na ito. Para akong nabunutan ng tinik dahil may rason pala sa lahat ng nangyari sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko.
Ilang minuto ang nakalipas ay napatingin na sa akin ulit si Pom. Tapos na siguro niyang basahin.
"Bakit ka malungkot? Kanina ang saya-saya mo."
"Eh kasi naman! M.U. na dapat kami dati!" napatawa naman siya sa inasal ko. Dapat naman talaga!
"Kanino galing 'yan?" tanong ko.
"Kay Lawrence, ipinabibigay niya sa'yo eh"
"Magkakilala pala sila ni Quiel?" tanong ko.
"Oo, sorry ngayon ko lang nasabi, nabanggit niya pala sa'kin minsan si Quiel. Naging magkaklase ata sila nitong magcollege sa isang subject."
"Nagtataka ako sizt, bakit dalawa ang copy? Nasa akin ang original copy niyan eh"
"Teka, itetext ko sa magaling kong jowa"
Minabuti ko munang kumain ng prutas habang nag-iintay sa text ni Lawrence.
"Nakwento niya sa akin na ginawa niya ang letter na 'yan 10 years ago. Dalawang kopya dahil lagi niyang dala-dala ang isa sa bag at ang isa ay nasa probinsiya nila. Nagkataon kasing naggawa kami ng thesis sa probinsiya nila at kinalikot ko ang gamit niya. Unexpectedly, nakita ko 'yan at dinekwat. Baka kasi makatulong sa pagiging torpe niya." 'yan ang sinabi ni Pom na nagmula sa text.
Shiz! Ang mga nalalaman 'ko! Huhu
"So anuna? 'Teh, may asawa ka 'teh."
"Alam ko, at wala naman siya rito" ganti ko.
"Kaya nga, pinapaalalahanan lang kita at baka mahulog kana naman" juskoho. Wag naman sana.Bumukas ang pinto at nagpakita si Deinz.
"Bakit bigla kang nawala kanina ha?" bungad ni Pom.
Napakunot naman ang kilay ng lalaki at nagsabi "Malamang nagperform ako sa Resto Bar. Walang performer eh" nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi niya pinabayaan ang business ko at ng kuya niya. Tsk. Nasali na naman si Daze sa topic.
"Ayos ah. Ready ng magpalahi sa akin?" nakakayamot. Ang manyak na naman nakita lang ang binti ko. Hindi pala natakluban ng kumot. Dali-dali kong itinaas ang kumot at ibinalot ko ito sa buo kong katawan.
"Binti lang ang na-exposed magpapalahi na? Ka-manyakan mong bata ka!" binatukan naman ni Pom si Deinz noong nakaupo siya sa upuan ng kwartong ito.
"Ano nang nangyari sa taong grasa na 'yan? May panis na laway pa eh oh" tawa naman ng magaling.
"Ayun, may naaalala na siyang kaunti sa mga nangyari sa past"
"Ano?"
"Ang sabi ko, , may naaalala na siyang kaunti sa mga nangyari sa past" pag-uulit ni Pom. Shems. Hindi nga pala alam ni Deinz.
"Ang totoo niyan, may mga bagay akong hindi ko matandaan na nangyari noon. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kung paano nangyari 'yon gaya kanina. Ang sabi ni Pom ay pumunta raw si Quiel at Anon rito pero hindi ko maalala."
Napakurap naman si Deinz at napa-ayos ng upo.
"Legit ba 'yan?" tiningnan niya kami parehas na para bang iniintay niya na magsabi kami ng "Issaprank!"
"Oo naman, mukha ba akong nagbibiro?" seryoso kong sabi.
"Ang totoo niyan, kahit noong nasa unit pa ako ni Daze, naranasan ko na 'yan. Ang kinaibahan lang, hindi sumakit ang ulo ko" inamin ko na sa kanila para alam nila lahat ng pwedeng pagtagpi-tagpiin para malaman ang katotohanan.
"Alam mo ba Daze, noong pumunta ako sa Unit mo, hindi kita maalala" napatawa naman siya sa sinabi ko.
"Eh bakit kumportable kang gumalaw nung nandoon ako. Sana nagtaka ka at nagsabi na 'sino ka?'" hindi pa rin siguro siya kumbinsido.
"Ayokong maghinala ka kaagad dahil hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko sa sarili ko. Paano kung guni-guni ko lang 'yon at kinabukasan ay maalala kita? Edi pahiya ako?" depensa ko naman.
"Kahit na. Sana nagsabi ka sa akin." Napakalamig ng tono niya noong sabihin ko iyon. Hindi ko siya masisisi, Sa tingin ko ay naisip niyang baka hindi ko siya pinagkakatiwalaan. HInayaan ko muna.
*TOOT TOOT
Tumingin naman si Pom sa aming dalawa na para bang sumesenyas na sasagutin niya lang ang tawag.
GREAT. NAIWAN NA NAMAN KAMING DALAWA.
BINABASA MO ANG
Known Secrets of FELIZ
RomanceFeliz Nevada, isang manager sa kanyang sariling Restobar ay mahuhumaling sa kanyang co-manager na si Daze Alhambra? Magawa kaya niyang kayanin ang tindi ng bagsik ng kanyang katrabaho at maisautak ang lahat ng sikretong dapat niyang ibunyag? **** Cr...