Chapter 51

61 1 1
                                    

Chapter 51

FELIZ POV

Hindi ba dapat tapos na ang istoyang ito? Lalong gumulo hindi ba? Let me list down the devastating and shocking events happened for the past chapters of my life:

• Pagkakaroon ng mala-bulkan na manager;
•Appearance of Deinz Alhambra;
•BL Scenes nina Quiel at Deinz;
•Appearance of Shanon Guidotti;
•Appearance ni Quiel Bandito
•Kasal pala ako pero hindi ko alam;
•Pagiging aggressive ng boss ko;
•Pagpapamukha sa akin na gusto ni Daze si "Anon";
•Turns out, ang "Anon" na 'yon ay walang iba kundi si Deinz Clanon;
•Bisexual pala ang dalawang Alhambra. Punyeta ah nagsex pa sila before;
•Pinainom pala ako ng "METYRAPONE" so technically, na-drugs;
•Si Quiel ang salarin, para daw makalimutan ko ang lahat na eme, ulol;
•Nati-trigger ang utak ko sa tuwing may nangyayari sa present na nangyari na sa past, tumitibok ang ulo ko, gaya-gaya sa puso ko kaya naaalala ko ang mga cruel events;
•Asawa ko pala si Daze HAHA pero joks lang pala, planado raw kasi ng mga Lolo at Lola naming hindi nagkatuluyan. Promise to be granted ika nga.
•Deinz loves Shanon; Shanon loves Daze; So ako? Feliz loves Feliz;
•Pinainom din pala ng drugs si Daze ni Shanon;
•Humaharot na si Daze sa akin simula noon;
•Quiel attempted to take advantage of me noong lasing siya, tangina;
•He's my first pala. He took my everything. Ang shitty naman nitong story. Crush ko siya eh at akala ko siya na talaga ang pakakasalan ko. Daming eme; at
•Buntis si Shanon.

So ano nang mangyayari sa akin? Saan ako pupulitin? Magpakasal na lang kaya ako sa kung sinong available? Magpapaka-pedo na ako sige lang. May kakilala ba kayong pwedeng i-reto sa akin? Pwede na siguro 'yung humihinga.

Nevermind. Ugh! Babalik na lang ako sa resort.

"Hoy! Saan ka nagsusuot? Madaling araw na gurl ano mas maaga pa kay dora at nag-adventure na?" usisa ni Pom na sininagan ako ng dala niyang flashlight. Medo madilim pa rin naman kasi kahit umaga na.

"Sa tabi-tabi lang ho. Tinamad na ako matulog" sabay kusot ng mata. Himala, naubos yata ang luha ko. Nasasaktan dapat ako pero parang wala akong maramdaman. Manhid na rin siguro ang puso ko. Paulit-ulit na sinasaktan ng mga taong walang sawa ko minahal. Maski si Anon minahal ko 'yan bilang kapatid na pero ayun, masyado ko pa lang binaitan.

"Gaga ka girl. Tulog muna! Kaya ka nagiging haggard eh" inayos niya ang buhok kong sabog. Mukhang pugad ng ibon sa sobrang kapal at gulo.

"Papaganda pa, tatandang dalaga rin naman. Pwe!" pagmamaktol ko.

"Bilisan mo na, kailangan na nating magsaya dahil aalis na tayo maya-maya" paalala niya bago siya humiwalay at may pinuntahan sa may cottage.

"Nev? Bakit ang aga mong magising?" bungad sa akin ng walang saplot na lalaki. Sino pa nga bang tumatawag sa akin ng ganyan? Malamang yung gagong 'yon. Tss.

"Pake mo? Jowa ba kita?" sabay irap. Kairita. Dadatnan na ba ako ngayon? Nafifeel ko na eh.

"Pwede naman. Dapat nga noon pa eh" sabay tawa ng nakakaloko at sinabuyan ako ng tubig galing sa pool. Letseng kalabaw. Malunod sana siya.

Hindi ko siya pinansin at nilamig dahil sa tubig na unti-unting natutuyo sa katawan ko.

Nagulat naman ako dahil may sumalpok sa akin na tuwalya "Kahit kailan talaga, napakaburara at makakalimutin mo. Hindi mo na namamalayan na nagamit ko na 'tong gamit mo. Thank you, babe" agad ko namang ibinato sa mukha niya pabalik dahil sa inis ko. Tama ba iyon?

Shit! Kumapit ang pesteng amoy na kinababaliwan ko noon pa sa tuwalya ko. Gagamitin ko pa ba 'to? Takte itago ko na lang kaya sa aparador ko kahit basa? Letch. Mamaho kapag ganoon eh. Argh!

Known Secrets of FELIZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon