Chapter 22

55 1 0
                                    


FELIZ POV

Pagkarating namin sa unit ay nakasalubong ko si Lawrence na nakasandal sa may pader.

"Hoy gago ikaw pala" bati ni Lawrence kay Quiel, sabi nga kasi, magkaklase sila noong college.

"Hoy gago ikaw rin pala 'yan" ang sama ng tingin ni Quiel kay Lawrence pero itong boyfriend ng kaibigan ko nakangisi pa at parang nagpipigil ng tawa.

"Anong kakupalan ito, ha Rence?" itinaas na ng galit na galit na si Quiel ang letter na nakatago sa probinsiya nila.

"Mas kupal ka, torpe mo kasi eh, naiinip ako sa galawan mo kaya ayan, ginawan ko na ng paraan" inakbayan naman niya si Pom at sabay nilang tinawanan si Quiel. Aww, kawawang bestfriend.

"Panira ka talaga ng diskarte ko"

"Aww, tampo kana? Pa-kiss muna pre" at nagawa pang mang-asar ni Lawrence sa kanya. AHAHAHA

"Pakyu. Alis, mamamahinga na si Feliz" hinawi niya si Lawrence at inakay ako papasok ng unit.

"Pom, nasaan nga pala si Deinz? Bakit hindi na siya nakabalik sa hospital? Ano yun kinain na lahat ng pagkain na nasa menu?" tanong ko.

"Hindi. Natawagan ko na siya, susubukan daw niyang magtanong sa iba pang kakilala niya kung nasaan ang kapatid niya." Ah. Si Daze.

Ah, 'yung asawa ko.

"Ah sige, sige. Balak kong pumunta sa Resto Bar. Hindi naman ako magpeperform, tutulong lang ako magserve."

"Gaga ka, baka kung anong mangyari sa'yo" giit naman ni girl bespren.

"Okay sige, tatambay na lang ako. Basta gusto kong malibang, ayoko muna rito, naiirita lang ako" inis kong sabi dahil ni tawag, text, email, chat, pakita, o anino man lang ni Daze ay hindi siya nagpakita. Ginamit pa niya si Quiel na representative niya para dumalaw.

"Siya sige, una na kami ni Lawrence ha? Pagaling ka pare, Mahal kita." Ang sweet naman ni Pom. Kinilig ako run ng very slight. Chos.

"Mas mahal kita" tapos niyakap ko siya. Waaaah I'm really lucky to have her until now"

"Ano kami rito? Props?" masungit na sambit ni Quiel. Epal talaga.

"Hay Nako, Lawrence. Ang laki talaga ng sapak ng kaibigan mo kahit kailan." Biro ko sa boyfriend ng kaibigan ko at tumawa naman siya. Inakbayan na ni Lawrence si Pomelle at sumenyas na sila pauwi.

Habang nagbabasa ako ng reseta ng doktor, naisip kong itanong kay Quiel ang isa pang bumabagabag sa isip ko...

"Bakit sabi mo kahapon ginamit ka lang ni Daze para dumalaw sa akin?"

"Oo nga, and so?"

"Anong and so ka diyan? Nasaan na siya?"

"Hindi ko rin alam, I tried to contact his number after receiving a text from him pero ayaw na. Kahit magsesend lang ako ng text message ay walang nabalik sa akin."

"Sigurado ka ba diyan? Hindi mo ba ako niloloko?" pinandilatan ko siya ng mata kahit hirap na hirap ako dahil sa distansiya ng mukha ko sa mukha niya.

"Edi huwag kang maniwala. Lakad! Hanapin mo siya" at lumabas na siya ng unit.

"Hoy gago ka 'wag mo akong iwan! Sige ka nandito si teptep"

"Sinong teptep? Katangahan mo" kahit kailan talaga ang bastos ng bunganga niya kaysa sa akin. Hays. Mga lalaki talaga ang lulutong magmura.

"Ayan! Nasa likod mo!" sigaw ko kaya naman lumingon kaagad siya.

"WALA NAMAN AH! BWISIT!" galit na galit ang lolo niyo, paano takot siya sa multo. Kalalaking tao HAHAHHAHA.

"Takot na takot ka eh umaga naman ngayon. Hmmp!" sabi ko na lamang sa kanya at nag-ayos para makapunta sa Resto Bar.

"BILISAN MO! ANG KUPAD-KUPAD MO TALAGA!" tapos isinarado niya ang pinto. Oopsie.

AFTER 30 MINUTES....

*TOK TOK TOK

"FELIZ. ANONG BALAK MO? AKALA KO BA PUPUNTA TAYO SA RESTO BAR? ANO PANG TINATANGA MO DIYAN?" angal niya pero hindi naman sobrang lakas katulad ng kay Daze. Dagungdong talaga ang kay Daze eh.

Sa sobrang pagmamadali-dali ko ay hindi ko nabuksan ang pinto. Bumukas na lang ito dahil sa kanya. Yikes.

Napahilamos siya sa mukha at kitang-kita kung gaano siya ka-frustrated sa nakita niya.

"Damn. Feliz! 'Yan pa rin ang suot mo? Ni wala man lang akong nakitang pagbabago sa'yo eh trenta minutos na ang lumipas?" napangiwi naman ako sa reaksiyon niya. Eh kasi naman, nahihirapan akong mamili ng isusuot ko.

Jeans? Tokong? Jagger Pants? Jogging Pants? HUHU

"Bakit 'yan naman ang suot mo? Manager ka! Bakit 'yan ang isusuot mo?" kinalkal niya ang damitan ko at nagbusisi ng mga damit.

"Oh ayan, mag-slacks ka! Hanggang ngayon ba naman, hindi ka marunong pumorma?" umiling-iling lang siya sa sinabi niya. Paki ba niya? Eh hindi naman ako into trends! Basta may maisuot! Si Pom lang naman nagpupumilit sa akin na mag-ayos ng sarili ko.

Hindi na lang ako umimik at nakaramdam ng talim sa buhok ko.

"Ni pagsusuklay hindi mo na yata ginagawa. Babae ka ba talaga?" at patuloy niyang sinuklay ang buhok ko. Naramdaman ko na ring hinawakan niya ang makapal kong buhok at balak yatang itaas ito.

Napahawak ako sa ulo ko at tumibok na naman ito. Shet.

>>>>>>>>FLASHBACK (10 years ago)

"Felita, ang kapal-kapal ng buhok mo, ayaw mo bang paputulan 'yan? Mag-speech ka pa naman sa unahan ganyan pa ang buhok mo" angal ng magaling kong best friend na lalaki na kasalukuyan akong pinupuyuran. Bakla kasi 'yang si Quiel eh. Mas marunong pang gumawa kaysa sa akin.

"Eh, wala akong pera pang-paayos eh, ang mahal kaya pag nagparebond!"

"Baliw, hindi ko sinabing magparebond ka. At least mabawasan naman ang dinadala mo araw-araw. Kalahati yata ng timbang mo ay puro buhok eh" kung hindi lang talaga niya ako pinupuyuran ay baka nabatukan ko na siya ng isa. Ugh! Kainis! Isang taon kong pinatubo 'yan para humaba tapos lalaitin lang niya?

"Siraulo ka ah. Ikaw nga may kuto eh" ganti ko at nawala na ang kamay niya sa buhok ko. Tapos na siguro akong puyuran.

"Wala na! Makakuto ka diyan, mukha mo nga, parang kinagatan ng maraming bubuyog sa sobrang daming red spots. Kadiri amputa." Tapos sabay tiniris niya ang isa sa mga bagong sibol na pimple ko sa noo. TANGINA.

Hinabol ko talaga siya, dahil hayok na hayok siyang tumakbo at feeling niya ay hindi ko siya mahahabol, ayun. Nadapa siya. Mga napapala ng mahilig mang-asar. Lakas maka-double kill ng karma.

>>>>>>>>>END OF FLASHBACK

"Bakit? Anong problema?" tanong ng kasama ko na hindi na pala hawak ang buhok ko dahil tapos na niya akong puyuran. Sakto ah.

"Wala, tara na?" umalis na kami at nagkandado ng unit. Iniwan na namin ang mga gamit na dala-dala kahapon at kanina sa ospital.

Pagkarating namin sa RESTO BAR...

Good thing nandito na pala si Deinz. Pumasok na kami ni Quiel sa loob at parang hindi man lang kami napansin ni manyak. Busy kasi sa pagtugtog. Pero sa unahan kasi kami dumaan kaya imposibleng hindi niya kami nakita. Aish.

"Good Morning! Kanina pa kita hinahanap!" Bati ni Sir Patrich. Siya yung nag-imbita sa amin na pumunta ng Singapore para magperform!

"Yes po sir? I'm sorry, kakalabas ko lang po kasi ng hospital kaya ngayon lang po ako nakarating." Sambit ko.

"Aww, are you fine now? Gusto ko lang sanang idiscuss ang pagpunta niyo sa Singapore for the Launching of the new branch of MUSIKA RESTO BAR" masaya niyang banggit.

"And Oh! You must be the great pianist! I also loved the piece you played!" napalingon naman ako kay Quiel na kanina pang nananahimik at nagulantang sa sinabi ni Sir Patrich. Flattered much si koya niyo.

"Ah, thank you po for that" tipid na sabi ng katabi ko. Hiya pa siya eh.

"You know what, I've decided! I'll get another ticket for me, this ticket will now be yours. Please give this one to Mr. Deinz." iniabot niya ang isang ticket kay Quiel at ibinigay sa akin ang dalawang ticket.

Tiningnan ko si Quiel ng maiigi, Hindi niya alam ang gagawin niya kaya naman kinuha ni Sir Patrich ang kamay ni Quiel at doon na mismo inilagay.

"Are you sure about this sir?" alanganing sabi ng kasama ko dahil first time niyang makatanggap ng ganitong opportunity, to think na makakalabas pa siya ng bansa. It's his dream as well!

"Of course! Maliit na bagay. I guess mauuna kayo ng flight since I'll be buying the ticket later on. Heto ang details kung saan ang hotel at kung sino ang mag-aasikaso sa inyo. Good luck and see you there!" nakipagkamay ako sa kanya bago umalis. Siyempre, inunahan ako ng kupal na si Quiel na makipagkamay dahil siguro sa sobrang tuwa niya.

Pagka-alis ni Sir Patrich, hinigit ako ni Quiel papunta malapit sa may restroom at niyakap niya ulit ako.

"Shit. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon!" sabi niya at yumuyugyog ang ga balikat niya.

"T-teka, Naiyak ka ba bata?" pang-aasar ko. Humiwalay ako sa kanya at pilit inabot ang mga mata niya para punasan ang luha niya. Sa totoo lang, kay Quiel ako pinakanahihirapan dahil kung ikukumpara ang height niya kay Deinz at Daze? Siya ang pinakahigante sa kanilang tatlo.

*TOOT TOOT!

Kinuha ko ang phone ko dahil ang tunog ay notif galing sa gmail ko. Ibig sabihin ay may nag-email sa akin.

To: FelizNevada04589@gmail.com
From: LondonSenolos@gmail.com

Feliz,

It's been a while! Nabalitaan kong pupunta ka raw dito sa Singapore? What a coincidence! I'm staying here for good. Nga pala, remember Daze Alhambra? He's here! I think I saw him with Shanon? Are they going out or something? I'll be waiting for you here! Bring along Quiel okay? We'll be having fun here!

Yours Truly,
London

WOW. WHAT A NICE MORNING I HAVE.

Known Secrets of FELIZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon