Chapter 32

35 1 0
                                    


ANON POV

Hi. I'm the girl you hate for being a playgirl. Yes, that's me. Shanon!

I've known Daze simula pa noong daycare. Lagi akong asong sunod ng sunod sa kanya kung saan siya magpunta.

Lagi ko siyang kinukulit dahil habang lumalaki kami, dumarami na ang humahanga sa kanya, at iyon ang ikinatatakot ko.

Para akong inilibing ng buhay noong nalaman kong ikinasal na sila ni Feliz. Gusto kong murahin si Feliz kasi ako dapat ang nasa tabi ng lalaking kasama niya ngayon.

Ako dapat 'yon kasi ako ang kasama niya simula pa noong una. Ako, mahal ko na si Daze dati pa, kulang na lang ay ihain ko na sa kanya ang katawan ko pero siya, ni walang bahid ng pagmamahal sa mga mukha niya.

Paano kung mahirapan si Daze? Ni hindi pala mahal ni Feliz ang lalakinh mahal ko. Paano kung hindi sila magwork? Kawawa ang Daze ko.

Alam kong napakasama ko sa paningin niyo pero masisisi niyo ba ako? Duwag lang ako pero ni hindi ko hiniling na mapunta siya sa isang babaeng hindi naman siya kayang mahalin.

Oo, alam kong wala ako sa posisyon para magsabi ng ganito dahil posible namang matutunan nilang mahalin ang isa't isa pero hindi na ako papayag na mabulilyaso ang plano ko.

Believe me when I said na kailangan talaga ni Daze si Feliz. I was so hurt noong narinig kong unang lumabas sa bibig niya ay ang asawa niya.

Ngayong naliwanagan na si Feliz, this is my chance! Ako ang dahilan kaya hindi kayang mahalin ni Feliz si Daze.

Sinasaktan ni Daze si Feliz physically, mentally, at kung ano-ano pa. Samantalang ako, kinukuha ko ang opportunity para i-comfort si Daze kapag umaalis si Feliz.

Everything's under my control. Nagawa ko pang isama ang mahal ko sa Singapore! Hindi ko nga inexpect na mayayakag ko siya sa hotel.

Ang sarap sa pakiramdam na habang may nangyayari sa amin, hindi niya inaalis ang tingin niya sa mga mata ko.

Everytime we're kissing, palaging nakabukas ang mata niya. Gusto niya kayang makita ang reaksiyon ko kung gaano ako kasaya at kainit noong mga panahong iyon?

Sinamantala ko na lahat dahil ang kasiyahan kong ito ay panandalian lamang.

Tangina. Alam ko namang wala akong pag-asa o ni puwang sa puso si Daze pero heto ako at nakagawa ng paraan para lang makasama siya.

Naalala ko talaga noong nasa hotel kami...

>>>>>>>>>>>FLASHBACK (3 weeks ago)

Naghahabol kaming dalawa ng hininga. Air-conditioned ang buong room pero ramdam ko pa rin ang init dahil sa pagdidikit ng katawan naming dalawa. Ah shit! Sana forever na lang na ganito.

"Why don't you close your eyes and feel the moment?" I kissed him and he looked down.

Napatingin lang siya sa akin at ikinurap-kurap ang mga mata niya.

Hinawakan niya ang pisngi ko at nagsabi "Do I really love you?"

Hindi naman kaagad ako nakasagot. Bakit ba lagi na lang siyang hindi sigurado sa feelings niya? Nakakasagad na. Puro na lang doubts. Wala ba siyang isang salita na...Mahal kita Shanon. Mga ganoon ba. Tsk.

"Hindi ka naman papayag na may mangyari sa atin kung hindi 'di ba?" pinaraanan ko ang buhok niya gamit ang kamay ko. Ang lambot! Nakikiliti ang kamay ko!

"Ginusto mo 'to, Daze. You're responding to my kisses. Admit it" natapos na ang putukan kaya naman heto ako at hinalikan muli siya.

"Yes, I do. Pero wala akong maramdaman" humiwalay siya sa halik ko. Binitin ako amp!

"Kasi nga, ayaw mong isarado ang mga mata mo. You are distracted! Nakatingin ka kang sa akin kaya hindi ka makapag-focus sa moment na meron tayo ngayon" galit na galit na ang diwa ko pero sinikap kong kausapin siya ng malumanay. Ganyan kita kamahal Daze. Kaya kong ibahin ang sarili ko para sa'yo.

"Sinusubukan ko naman. Pero napapamulat talaga ako. Something isn't right" humiwalay na naman siya pero hindi pa rin ako naalis sa ibabaw niya. Hubad pa rin kami pareho.

"No! Everything's fine! We're doing good love. Trust me" I gave him a peck on his lips. Wala man lang siyang emosyon sa mukha niya. I hate it!

Bakit ba ang tigas-tigas niya? Ano bang mali sa akin? I almost look perfect and yet tinatrato niya akong parang basura!

At bigla nang bumakas ang pinto.

>>>>>>>>>>END OF FLASHBACK

CHAPTER 32.5

ANON POV

Kainis. Ayun na eh! Biglang pumasok na si Feliz sa eksena. Wala na.

Napakamot na lang ako sa buhok ko kahit wala naman akong kuto o ano dahil sa naalala ko.

Try ko rin kayang tumungga ng Metyrapone? Para makapagsimula ako ng bago.

Sobrang saya ko kasi kinausap ako ni Feliz. Hindi siya galit sa akin at bagkus ay pinasalamatan pa niya ako.
May chance na ba ako? Tell me please, Daze! Para hindi naman mauwi sa wala ang lahat ng ginawa ko.

Umupo ako sa may hospital bed at pinagmasdan ang pasiyente. Kami na lang kasi ang naiwan rito matapos nilang mag-usap ng Mag-ama.

Tulog na tulog niya. Balak ko sanang halikan siya sa labi niya pero nahagip niya ang kamay ko.

"Anong ginagawa mo rito?" malamig niyang sabi. Akala ko ba maayos na ang lahat?

"I'm here for you. Hindi ka man lang ba masaya?" sinubukan kong ngumiti kahit mahirap dahil kinakabahan ako.

"Sa tingin mo ay sasaya ako sa naalala ko?" he smirked at me.

At that moment. Sinabi ko sa sarili ko na hindi siya ang best friend kong si Daze. He never did that to me. Shit.

"Metyrapone. Really, Shanon? Of all people? Ganoon ka ba ka-desperada?" kuyom na kuyom ang mga kamao niya. Siguro ay pinipigilan niya ako na saktan.

"Let me explain, please!" hinawakan ko ang kamay niya pero mabilis niya itong binitawan.

"Go ahead" tumingin siya da may bintana na parang hindi interesado sa mga sasabihin ko.

"I love you so much" pinilit kong hindi umiyak pero traydor ang mga mata ko dahil unti-unti itong naglabas ng mga luha. Ugh!

"Yun na ang rason mo?" hindi makapaniwala niyang sagot.

"Bakit? Hindi ba 'yun sapat para gawin ko sa'yo ang lahat ng bagay na ito? Hah! Palibhasa kasi, hindi ka pa nagmamahal ng tunay sa isang tao. No, wait! Kapatid mo lang ang laging inaalala mo!" I'm sorry, kailangan ko talagang ilabas lahat, Hindi ko na kaya.

"Sana kasi sinabi mo sa akin! Kayang-kaya kitang mahalin Shanon! Ikaw na sana ang isa sa mga magiging dahilan ko para maging matuwid na ako pero tangina, duwag ka! Alam mo namang manhid akong tao pero nagtago ka lang sa likod ko!" napahawak siya sa ulo niya at napahilamos. He feels so frustrated.

"Sana pinagkatiwalaan mo ako! Kasi kaibigan mo ako hindi ba? Sana sinabi mo man lang para naintindihan ko 'yung side mo! Kung alam mo lang..sinisisi ko ngayon ang sarili ko kasi shit! Wala akong kaalam-alam na ako pala ang dahilan kung bakit ka lasing, nasasaktan at nagpapanggap na maging masaya!" natigilan naman ako sa mga huli niyang sinabi.

"Ano? Akala mo wala akong pakialam sa'yo? Eto oh, sasabihin ko ha? Makinig ka...alam na alam kong hindi si Shanon ang nakikita ko lagi kaya pala sinasabi kong may mali. Hindi ikaw 'yan! Hindi mo kailangang magbago para mahalin kita! Kaya kitang tanggapin ng wala kang binabago!" hingal na hingal niyang tinapos ang mga sinabi niya at humiga na ng ayos sa hospital bed.

Patuloy lang akong umiyak at siya naman ay hindi makatingin sa akin.

Nanatili lang kami sa ganoong posisyon ng may biglang bumisita.

"Quiel, ikaw pala" masayang bati ng pasiyente.

"Kumusta? Nasaan siya?" bungad naman ng bisita.

"Umalis na siya 'pre, naamin ko na ang lahat. Sabi ko naman sa'yo iyo na naman siya sa simula pa lang" napatawa naman si Quiel sa sinabi niya.

Nakipag-apir si Daze kay Quiel at ipinatong ang isang bouquet ng flowers na may kasamang mga prutas.

"Para sa akin ba lahat 'yan, pre?" assuming na Daze. Alam ba niyang nandito pa ako?

"Ulul. Yung mga prutas lang. Alam mo na kung kanino 'yung isa" ngumiti naman ang pasiyente na parang nagkakaintindihan sila kahit wala naman silang binabanggit na pangalan.

"Alis muna ako, mag-usap muna kayo" ngumiti ako ng kapurat at tumingin kay Daze. Ni tango o tingin man lang sa akin ay wala siyang ibinigay.

Para bang hangin lang ako sa paningin niya.

Ano bang pwede kong gawin para patawarin niya ako? Akala niya siya lang ang nasasaktan. Lintik. Iniisip ko pa lang na bakit ko kailangang gawin ang lahat ng 'yon ay nasasaktan na ako.

Ano pa kaya ngayon? Na parang nawala sa lahat ng ginawa ko.

Everything is useless. Pati na rin ako.

Known Secrets of FELIZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon