FELIZ POV
Dumating na si Nurse Delia kaya naman naputol ang usapan namin ni Pomelle. Tinanggalan na ako ng lahat ng nakasuksok sa akin at natuwa dahil malaya na ulit akong makakagalaw. Ang hirap kasi :<
"Salamat sa alaga Nurse Delia, kahit isang araw lang ang itinagal ko rito" pinat ko ang ulo niya kahit alam kong mas matangkad siya sa akin. Take note, mas matanda pa ako ng lagay na ito.
"You're always welcome po, Dr. Banaobara said you take care of your health" nakangiting sabi niya.
Napalinga-linga naman siya at para bang may hinahanap.. Aha!
"Looking for Deinz?" nakataas na kilay kong tanong. Hohoho. Babae rin po ako, kaya alam ko ang galawan mo.
"A-ah opo sana hehe" at nagkipit siya ng hibla ng buhok niya sa kanyang tainga. Kyot naman ng mga kabataan ngayon.
"Nakain siya sa labas eh. Gusto mo ilakad kita sa kanya?"
"Naku huwag na po! Masyado pa po akong bata para kay Sir D." namumula niyang sambit. Aww. I have an idea.
"Give me your phone"
"B-bakit po?"
"I said, give me your phone. Relax, hindi ako mangangain ng tao." pag-uulit ko.
There. Saved.
"Thank me someday" kinindatan ko siya at napatulala sa nangyari. Tumalikod na siya at dahan-dahang naglakad tapos napatigil. Nag-scroll siguro at nakita ang ginawa ko. Nagtatalon siya eh, sabay labas ng kwarto ko.
"Naks naman, bugaw kana pala?" asar sa akin ni Pom.
"Shut up. Ang cute kaya." Napa-iling iling na lang ako.
"Aba ano pang ginagawa mo? Magbihis kana! Nangangamoy kana eh!" ibinato niya sa akin ang isang bagong damit. Taray, dress! Saan kami pupunta?
"Bakit dress 'teh? May party ba?"
"Hihi, wala naman. I just invited someone you loved" at kinabahan na po ako mga kaibigan. Sino bang mga past crushes ko? Ang hirap namang manghula kapag na-erase ang memorya ko. Parang pinagdadamutan ako ng tadhana.
Nagpunta ako sa CR ng kwarto at kaagad na nagbihis. Masyadong exposed ang likod ko rito walanghiya. Alam naman ni Pom na puro pimples ang likod ko tapos bibigyan ako nito? Timang talaga.
Pagbukas ko ng pinto, saktong bumungad sa akin ang isang pamilyar na pigura.
"Ayan na si crush mo! Ngitian mo naman friend!" ang taas ng energy nitong kasama ko. Parang noong dumalaw 'tong bagong dating, kulang na lang ay isumpa niya.
"Anong ginagawa mo rito?" cold kong tanong sa lalaki. It's Quiel. The one and only jerk.
"I came here to apologize" sabi niya at iniabot ang isang bouquet ng violet na flower pero color blue siya.
"Hindi kana informed? Cactus na ang favorite ko?" hindi ko pa rin inaalis ang cold na tono ko sa kausap ko.
"Hephep! Don't be like that Feliz! He's being sincere" pinaupo naman ni Pomelle ang bwisita. Alam ko sobrang gulo ko dahil dapat masaya ako at natanggap ko ang letter niya na para sa akin. Pero kung iisipin, kung hindi pa ito naibigay sa akin ni Lawrence at London, maiintindihan ko kaya ang nararamdaman niya? Of course not! Kaya tama lang na ganitp ang attitude ko towards him. Kailangan ko ng explanation mula mismo sa kanya.
Malay ko ba kung echos lang ang letter na 'yun at pakana lang ni Lawrence at London.
"Anong ginagawa mo nga rito? Wait I mean, Anong kailangan mo pala sa akin?" tanong ko.
"Kailangan kita—I mean, gusto kong pakinggan mo ang kailangan kong sabihin sa'yo" he leaned towards me.
Lumingon naman siya sa gawi ni Pom na parang sumenyas at ngumiti ang nasa harapan ko ng very slight. Nahirap siguro siyang iangat ang labi niya. Grabe.
Narinig kong nagsara ang pinto dahil lumabas oala ang magaling kong kaibigan. Tingnan mo, sino kaya ang bugaw sa aming dalawa?
"Ano ba 'yon?" tanong ko.
"Gusto kong magsorry sa inasta ko kahapon. Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil kapag nakikita kita, naaalala ko na namatay ang Nanay ko matapos kitang...halikan"
"Hindi ko nasabi kaagad sa'yo baka kasi sisihin mo ang sarili mo kapag nalaman mo." Napakunot naman ako sa sinabi niya.
"Teka, wala 'yan sa sulat mo ah!" para akong tanga. Napahawak ako sa bibig ko.. Hayop, bakit ko nasabi 'yun sa kanya? Timalog ka talaga FELIZ! BIRD-BRAIN!
"A-anong sulat?" naloka naman ako dahil matapos niyang banggitin ang sinabi niya ay napalunok siya at gumalaw ang adams apple niya. TONGINO PLEASE. 'yan ang dahilan kung bakit myloves ang tawag ko sa kanya kapag wala siya sa harap ko.
Tumalikod ako sa kanya dahil namumula na ako. Oh please! May asawa ako! May asawa ako!"Huy! Harapin mo ako! Anong sulat ang sinasabi mo?" pilit niyang inihaharap ako dahil hawak niya ang mga balikat ko. Grrrr kakadismiss ko lang sa hospital binabalian na niya ako ng buto. Aish!
Tinanggal naman niya ang balikat niya at lumingon lang ako gamit ang mukha ko para tingnan siya. Bakit siya huminto kakapilit sa'kin? Wait—what?
"Pinipilit ko pang iharap ka, parehas lang naman na likod. Pfft" ABA!
Humarap ako sa kanya at pinaghahampas siya. Buti na ang at hindi na siya semi-kalbo kaya nasasabunutan ko siya ngayon. Ganun kasi ang gupit niya 10 years ago, pagkakatanda ko. Naibalik na ang iba kong memorya remember?
"Aray ko! Napakabrutal mo talaga hanggang ngayon Felita!" ANONG FELITA?
"Hoy! Taena mo anong FELITA? Gusto mong babuyin ko rin ang pangalan mo ha?" diba dapat galit ako? Bakit naging ganito? Grrrr kasalanan mo 'to Quiel!
"Tita mo 'yun di ba? Si FELITA CORALES?" kinuha ko ang unan sa hospital bed at isinapok 'yun sa kanya. Papatayin ko na siya para sa mga haters niya. Thank me later na lang.
"HAYUP, NAPAKA-CORNY MO PA RIN!" pinaghahampas ko naman siya gamit ang unan at panay naman ang iwas niya hanggang sa nakuha niya ang braso ko kaya nabitawan ang unan. Dahil sa sobrang lakas niya, nahigit niya ako at napadpad ang pwet ko sa lap niya.
So, naka-upo ako sa kandungan niya. Nakakalong kung tawagin sa ibang term. Yuck ha, pero ang tagal bago ko na-absorb na para akong batang nakakalong dahil ang tangkad niya. Aalis na sana ako pero niyakap niya ako.
"Please, forgive me. Miss na miss na kita. Hindi ko pala kayang malayo sa brutal, naninigaw, iyakin at maliit kong best friend"
Ginalaw niya ang buhok ko na nasa likod kaya naman nagpanic ako. ANG MGA PIMPLES KO—
"Huwag mong itago 'yan. Ano naman kung may ganyan ka? 'Yan ba ang nagustuhan ko sa'yo?"
A moment of silence. Bumitaw ako sa yakap niya pero hindi pa rin nakakaalis sa pagkakakalong ko.
"A-ano? Wala ka mang lang sasabihin?" diretsong tanong niya na nakatingin sa aking mga mata kahit namumula na siya. Hanep. Ang lakas talaga ng loob niyang magkumpronta ng nakakatingin sa mata ng sinasabihan niya. Nakakahiya kaya 'yon sa ibang lalaki! Yung iba nga, naiawas ng tingin.
Napataklob na naman ako ng bibig gamit ang aking mga kamay pero hindi na dahil sa hiya, kundi gustong kumawala ng aking mga TAWA.
Napapayugyog na ako dahil sa pagpipigil kaya nataranta siya.
"B-bakit ka natawa? Ang sama mong Felita ka. Pinagtatawanan mo ang nagmamahal sa'yo?" seryosong sabi niya at nakakunot pa ang kilay dahil clueless siya. Kawawa naman.
"Eh kasi naman, PFFFT. HAHAHAHAHHAHHAHAHAHAHHHA" Hindi ko na napigilang mapabunghalit ng tawa at umalis na sa pwesto ko. Kinuha ko ang papel na nasa akin para malaman niya ang dahilan
Nang makita niya ang dalawang sulat na nasa akin. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at may kasamang yelo dahil na-estatwa siya sa pwesto niya.
"Bye na. Ibibigay ko 'to sayo para mabasa mo ang kahihiyan mo habang nasa biyahe tayo. HAHAHAHHA" tinawanan ko muna siya bago isinarado ang pinto.
Ilang segundo lang ang nakalipas ay nagbukas na ang pinto. Hindi pa ako nakakalayo at hinablot na niya ang sulat na hawak ko. PWAHAHAHHA nauna pa siya paglalakad habang ako naman ay tawa pa rin ng tawa sa nangyari hanggang sa makalabas kami ng ospital at makauwi.
Hanggang ngayon, hindi pa rin naaalis sa isipan ko habang naglalakad ako kung bakit kailangan ni Daze na iwan ako ngayon sa ere ng may maraming katanungan tungkol sa mga ginagawa niya, kasamana rito ang pangbo-block ng mga emails ni Pom. May mga bagay pa ba akong dapat malaman?
BINABASA MO ANG
Known Secrets of FELIZ
RomanceFeliz Nevada, isang manager sa kanyang sariling Restobar ay mahuhumaling sa kanyang co-manager na si Daze Alhambra? Magawa kaya niyang kayanin ang tindi ng bagsik ng kanyang katrabaho at maisautak ang lahat ng sikretong dapat niyang ibunyag? **** Cr...