Chapter 28

42 1 0
                                    


FELIZ POV

Right after that scene. Pinili kong bumalik rito sa Pinas. Ilang araw na ang nakalipas at wala silang kaalam-alam kung nasaan ako. Alam kong ang selfish dahil may mga naga-alala sa kalagayan ko pero pinili kong manatiling tahimik at mapag-isa.

Kahit kay Pomelle, hindi ko sinabi sa kanya kung nasaan ako. As in wala talaga akong sinabihan. Gusto ko lang kausapin ang sarili ko. Gusto kong kausapin ang hangin.

Nandito ako ngayon sa isang palayan. Hindi ko alam kung saan ang dinala ng mga paa ko pagkauwi ko sa pinas. Sumakay ako ng Bus na papunyang Poblacion pero nakatulog ako at nakalampas. Literal na lampas na talaga. Dumoble pa ang bayad ko sa bus kasi nga sobrang layo na ng inilampas ko.

Sa halip na balikan ko ang Poblacion, naisipan kong magmuni-muni rito.

May malawak na lupa rito, may parang bermuda grass. Basta pwede kang lumupagi at may naglalakihang puno na pwedeng-pwede kong masilungan.

Literal na malaki talaga. Hindi ako mangingitim. Yay!

Ipinikit ko ang mga mata ko at sinubukang matulog. Pero dahil maarte yata ang katawan ko at sa kutson lang talaga siguro ako nakakatulog ay iminulat ko na ulit ang mata ko matapos ang ilang minuto at tumambad sa akin ang isang imahe ng lalaki.

"I'm really sorry, please patawarin mo na ako" napakurap-kurap ako dahil akala ko'y namamalikmata na naman ako.

"Ate naman..." yumuko siya. Siya lang ang nagsasalita sa aming dalawa. Wala akong planong magsalita muna. Hahayaan ko siyang magpaliwanag.

"Alam mo ba, muntik na akong patayin ni kuya sa galit?" hindi pa rin ako natingin.

"Nalaman niya kasing may nangyari sa amin. What's weird is sumakit din ang ulo niya and until now, hindi pa siya nagigising."

It's been 3 weeks since I left Singapore. Almost 1 month. I have no idea kung anong nangyayari sa kanila. Sana ayos lang ang Restobar, ang bakery ko lalo na sina Lola Puring at Icer.

"We rushed him to the hospital, lagi niyang banggit-banggit ang pangalan mo. Feliz daw, nasaan si Feliz, bago pumikit ang mata niya." malunglot niyang sabi. Hindi ko na namalayan na hawak pala niya ang kamay ko at umiiyak siya.

"I really like you ate, God knows how I really want you in my life. Sa tingin ko kasi, ikaw lang ang makakapagpastraight sa akin pero Kuya is really straight back then. Ako ang dahilan kung bakit siya tumabingi. It wasn't his fault. I forced him to be like me dahil naghahanap ako ng atensiyon mula sa kanya. I am really a failure." dugtong pa niya.

Napailing na lang ako sa sinabi niya. "Sigurado ka bang ako ang hanap niya? O baka naman pinipilit mo lang ako papuntahin dahil ayaw niyang makita ka?" Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang tanong na 'yan pero posibleng 'yan talaga ang rason ng taong kausap ko.

"Gusto mo akong papuntahin kasi ako na lang yung huling nasa option. Letter A. ka, Letter B. si Anon, at Letter C ako. So kapag hindi mo alam ang sagot sa problema, kakapit ka sa Power of C, which is ako. Right?" dagdag ko.

"Puta, pagod na pagod na akong punan lahat ng kakulangan niyo sa buhay! Paano naman ako? Paano kung ako ang nawalan? Hindi niyo ba nararamdaman na ako 'yung pinipiga niyo sa mga ginawa niyo? Ganoon na ba kayo kamanhid at insensitive? Sana hindi ko na lang kayo nakilala!" sigaw ko sa kanya. It's been a while simula noong sumigaw ako. Nakakamiss rin pala.

"Ate huwag mo namag sabihin 'yan! Biyaya ka sa buhay namin ni kuya! Bakit ba ganyan ka mag-isip?" ganting sabi niya at tila nainis sa huli kong sinabi.

"Kasi punong-puno na ako! Nakikita ko ba ang hitsura ko ngayon? Ni hindi ko makilala ang sarili ko kakaintindi sa kuya mong lagi akong sinasaktan at kakatolerate sa kagaguhan mo! Ano bang nakakatuwa sa akin? Gustong-gusto niyo bang makita kung gaano ako kahina at kinakaya-kaya? Tangina niyo pala eh." I sounded like shit. Ano bang ipinaglalaban ko rito eh pinapapunta lang naman niya ako ng ospital?

"Ate naman, sumama kana kasi, kailangan ka niya ngayon. Wala si ate anon sa tabi niya!"

"DEINZ NAMAN! NOONG KAILANGAN KO SIYA, NASAAN SIYA? KASAMA NIYA SI ANON! NGAYONG SIYA NAMAN ANG NANGANGAILANGAN, WALA SI ANON?" nanggigigil kong sigaw sa kanya. Buti na lamang at walang tao rito.

Alam niyo yung feeling na itong sigawan namin ay circular reasoning na? Mapilit kasi siya eh. Pare-pareho lang naman ang thought ng mga hinaing ko. AYOKO. That's it.

"Mas importante pa ngayon sa'yo na magmatigas? Paano kapag nawala si kuya? Magmamatigas ka pa rin?" walang buhay niyang sinabi. So ngayon kinokonsensiya niya ako?

"Ang laki talaga ng pagmamahal mo sa kuya mo 'no? Kaya mong i-sakripisyo ang kalayaan ng iba para lang punan ang pangangailangan ng mahal mong kuya. Lintik na bond 'yan. Unbreakable!" sinubukan kong okrayin siya para tigilan niya ako.

"Hindi mo ba ako maintindihan? Ikaw ang kailangan niya! Wala na kami ni kuya! Matagal na 'yun ate! Babae na ang gusto ko!"

"Sinasabi mo lang 'yan para mapapayag ako. Pakialam ko ba kung hindi mo na gusto ang kuya mo! Ibig mo bang sabihin, ako na ang mahal ng kuya mo? Myghad! Kailan pa naging pareho ang KAILANGAN sa MAHAL? Are you dumb?" puro kapaklaan ang tono ng pananalita ko. Sobrang sama ko na ba?

"Girlfriend ko si Ate Anon! 'Yan! Kumbinsido kana ba?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Girlfriend? Kailan pa?

"Sa tingin mo ba, magbabago ang isip ko sa mga sinasabi mo? No! Kahit magtatalak ka diyan buong maghapon hindi ko pupuntahan ang kuya mo sa Singapore. Aantayin ko na lang ang dramatic entrance ng Ate Anon mo papunta 'don. Exciting 'yon!" ang gulo, pero napakahipokrita ko.

Ayokong sabihin ang mga katagang iyan pero kailangan para matigil na ang kahibangang ito. Pwede ba? Pagpahingahin naman sana nila ang vocal chords ko! Boses ang puhunan ko sa Restobar tapos gaganituhin ko? Kawawa naman ako :<

Tumalikod ang kausap ko at ginulo ang buhok niya sa sobrang frustration. Manigas ka diyan. Ginawa niyong yelo ang puso ko, bahala kayong manlamig.

*KRING KRING!

"Hello? London?"

kahit narinig ko ang pangalan ng kaklase namin dati ay pinili kong humiga sa bermuda grass. Ang sarap naman sa pakiramdam. 'Yung malayo ka sa mga problema...malayo sa sakit ng ulo. 'Yung ikaw lang talaga mag-isa.

Nakarinig naman ako bigla ng singhot. Akala ko naman suminga lang si Deinz. Tapos na siyang umiyak kanina 'di ba? Bakit may round two?

"Ayaw na niyang sumama 'pre" parang labag sa kaloobang sabi ng kasama ko rito.

"Nasaan na si Ate Anon? May balita na raw sa kanya?" aha. Anon na naman. Ang swerte naman niya. Magkapatid, nag-aagawan sa kanya.

Natahimik naman siya dahik parang may sinasabi si London.

"Sige, sige. Babalik na lang ako. Salamat sa pagbabantay pre, pasensiya na ha. Wala na talagang pwedeng pumunta eh. Hindi naman alam ni Papa na may nangyaring ganito. Baka magalit siya kapag nalaman niyang ganito ang kaligayan ni kuya. Itikom mo na lang muna ang bibig mo. Salamat talaga" tumalikod siya sa akin at humina ang boses. Akala siguro ay hindi ko maririnig.

Tiningnan lang niya ako at tiningnan ko lang siya. Walang nagsasalita sa aming dalawa pero unti-unting lumalambot ang ekspresyon ng mukha na parang pagod na pagod na.
Mas umiitim na rin ang ilalim ng mga mata niya dahil siguro sa puyat. Kahit anong tigas ko pala talaga, hindi ko maiwasang maawa kahit katiting lang.

Napakarami talagang nangyayari kapag wala ako. Ganoon ba sila nahihirapan ng wala ako? Hindi ba dapat...masaya na sila kasi wala ako sa buhay nila for the meantime?

Namimiss siguro nila ang pagiging parang katulong ko. Walang maulila at mapaglaruan.

Tumagilid ako sa pagkakahiga para hindi siya makita. Nanatili ako sa ganoong posisyon at hindi namalayan na umalis na pala siya.

Wala man lang paalam. Bakit ba ako nage-expect? Wake up! Kailangan ka lang nila kaya kapag ayaw mo, deadma ka kang sa kanya.

Bumangon ako at umihip ang hangin. May bumarang mga dumi sa mata ko kaya medyo humapdi ang mga ito.

Kumurap-kurap muna ako at nagulat sa batang bumungad sa akin.

"Ate, ate! Pinapabigay po ng kuyang umalis kanina." nakangiting sabi niya. Babae siya. Napangiti naman ako sa ka-kyutan niya. Sana all.

Kinurot ko ng bahagya ang pisngi niya at humagik-ik siya. Buti hindi maarte ang batang ito. Sa iba kasi, papalapit pa lang ang kamay ko ang sama na ng tingin.

Isang violet na bulaklak (pero color blue) ang iniabot sa akin at may nakasulat sa papel na nakatali rito.

Feliz,

Please, kahit ngayon lang. Ikaw na lang ang pag-asa ko. Baka gusto lang ni kuyang humingi ng tawad sa'yo. Ayokong magdrama dahil baka hindi ka naman maniwala pero gusto kong marinig mo lahat ng side niya at lahat ng katotohanang nangyari sa kanya bago mo siya layuan. Kahit huwag mo na akong patawarin, basta pagbigyan mo lang ang hiling kong ito. Salamat sa lahat. Alam kong pupunta ka rito.

Deinz.

Pagkatapos kong mabasa ang sulat ay tumingala ako at nanlaki ang mata ko sa taong sumunod na bumungad sa akin.

"Paano mo ako nahanap, Anon?"

Known Secrets of FELIZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon