FELIZ POV
"Bakit mo siya kilala?" ayan na nga po ang sinasabi sa hula.
*TOK TOK TOK
"Isa siya sa mga applicant ko. You know, assistant ng mga doctor. Ah-scratch that! More like, secretary pala" itinigil niya ang ginagawa at binuksan ang pinto. Dumating na ang nagrarasyon ng pagkain.
Eto talaga ang mga ipinupunta ko sa ospital tuwing dadalaw o mao-ospital eh. Ang sama ko ba?
"Salamat po, boss" ngiting sabi ni kuya, Medyo matanda na siya.
"Salamat po, doc" ganting bati ni kuya.
"Kainis ah. Ang famous mo rito"
"Malamang. Dito ako nag-apply eh. Ang tagal ko nang hired rito. Palibhasa kasi kinalimutan mo na amg lahat ng tungkol sa akin. Maduga" natatawa ako. Parang kanina lang, ibang-iba siya kung magsalita. Anyare sizt? Major-major mood swing?
Inilapit niya ang patungan ng pagkain na may gulong sa ilalim. Di ko alam ang tawag, sorry na. Rolly na lang kunwari. Hihi.
"Kasalanan ko ha? Akala ko ba kailangan mong maintindihan kaming mga babae. Eh bakit hindi mo ako gets huh?" tinanggal ko ang plastic wrap na nakabalot sa pagkain ko at sumubo.
"Tama 'yan, pasakan mo ng pasakan 'yang bibig mo. Dami mong ratrat" bumalik siya sa inuupuan niya. Hindi na ako nilabanan sa sinabi ko kanina. Paano'y talo siya HAHA.
"Kumusta na kaya si--"
"Ayos na, huwag kang mag-alala. Sabado ngayon ano ka ba? Isinama ni Lola Puring si Icer sa bakery shop. Binigyan ko na rin ng pagkain galing sa labas. Tapos tinext ko si Ate Pom kanina at sinabing sunduin ang maglola at ihatid sa kanila. Happy?"
Tinaasan ko siya ng kilay at patuloy na ngumuya na lamang. Defeated. Wala na akong masabi.
Nakakapagtaka nga eh. Hindi ko naman siya inobliga na gawin ang bagay na 'yun dahil in the first place, ako ang laging nagawa 'nun. Kahit noong mga nakaraang araw. Lagi na niya akong inuunahang magsalita dahil alam na niya sigurong nag-aalala ako sa maglola.
"Taray. Ikaw na bagong sundo?" sabay kagat ko ng fried chicken.
"Ayaw pang magthank you na lang. Natanggap naman ako."
"Ayoko. Di mo deserve dahil manyak ka. Pedophile!"
"Anong pedo?"
"Ibinalik ko lang ang topic kanina. Si nurse Delia" sambit ko.
"Lol. 18 lang siya, working student"
"Sinabi kong bigyan mo ako ng facts about her?"
"Hindi, pero base sa pinta ng mukha mo, may gusto ka pang malaman." kumagat naman siya sa saging na pinitas niya mula sa basket.
Ngumuya ako ng ngumuya. Lumapit siya at niligpit ang kinainan ko.
"Hoy, may tanong ako" may gusto akong malaman talaga.
"Hoy, ano 'yun?" ganti niya.
"Nagkajowa kana?" tanong ko.
"Of course, sa manyak kong ito? Imposibleng hindi ako makachukchak mg babae" mayabang na sabi niya. At proud pa siya ah.
"Advance ka masyado, ang tanong ko lang kung nagkajowa ka, tapos bigla mong nilagyan ng chukchak. Perv much?"
Pasensiya na, ang lakas ng loob naming mag-usap ng R-18. Matatanda na kasi kami eh. Pasensiya na talaga.
Hindi siya umimik. Anong meron?
"Tutal nabanggit mo na, may nagsuko na ba sa'yo ng bataan?" ginawa ko pang flowery ang words para hindi masyadong bulgar. Alam niyo na 'yun. Tamang sugar coat lang.
Nagseryoso siya "Do you really wanna know my answer to that?"
"I'm dying to know. Fire away!"
"Yes, someone already did" napatingin naman siya sa bintana ng hospital at tumayo.
"Ah okay" now na nalaman ko, Hindi ko tuloy alam kung paano magrereact o magsasalita. Grabe ka self. Function naman kapag may time! Lalo kana brain!
"Go ask me some questions. It'll make you sleep faster" ang galing naman niyang mag-observe. Itinago ko pa nga yung hikab ko kanina.
"Weh"
"Oo nga, kabisado na kita dati pa simula noong tumira ka sa bahay at unit ni kuya. For your information, I was also living there before you came into his life, I mean before you became his wife."
"Napakadaldal mo! Lagi mong ikinukwento si Quiel my loves mo tapos magagalit si kuya, tapos cycle na lang ulit. Kwento-galit-kwento-galit. Ganun kayo ka-sweet" inuutay naman niya ang ubas. Takaw amp.
"Speaking of...asawa ba talaga ako ng kuya mo?"
Natigilan siya. Halatang he didn't see see that coming.
"Please, tell me the truth, Deinz. Mahal ko ang kuya mo, pero I think everything is too much for me" ayokong umiyak na naman. Drama lang 'to self. Chika-chika lang kay manyak.
"I'm sorry, Hindi ko masagot ang tanong na iyan. Yes, ipinakilala ka niya sa akin na asawa niya pero ni si Dad at si Mom, hindi alam na kasal kayo" pansin ko rin. Back then, noong nagperform kami sa Resto Bar ay napagkamalan pa akong grade school student ni Sir Delton. That explains why.
"Siguro sa papel lang kayo kasal. I really don't know ate Feliz. I am still so clueless about kuya until now." Paf-aamin niya.
It's already 10:00 pm. Ang bilis ng oras. Kahit dalawang topics lang ang napag-usapan namin ay umabot na pala ito ng ilang oras. Nakakamangha. Parehas kasi kaming madaldal.
Ngayon ko lang napansin. Para talagang timang at hindi pa siya nakain ng kanin!
Buti na lang at marami ang binigay na rasyon ng pagkain. Kasama naman kasi ito sa billing. Ang dami kong itinira sa kanya dahi baka kulang pa sa manyak ang pagkain niya.
Kung pwede na siyang maging Ob-gyne, sana naman ay magets niya kung bakit hindi ko inubos ng pagkain ko. Hmmp!
Humikab na ulit ako at pinabayaang magsalitang mag-isa ang bantay sa akin. Sa bintana kasi siya nakadungaw.
Sana makalabas na ako bukas, gusto ko na ulit kumanta, gusto ko nang makita ulit sina Icer kahit isang araw lang naman ako nanatili rito.
Sana...sa paglabas ko, magpakita na siya. Siya lang talaga ang may malakas na loob na mang-ghost.
Nyeta siya. Matapos niya akong tawaging Anon. Masampolan nga 'yon pag-uwi niya. Sigawan ko ng 'DEINZ!'
Hays...
DEINZ POV
"Alam mo ate Feliz, ang masokis--"
Natigil na ako sa pagsasalita dahil naging tahimik na ang paligid. Wala na ring tunog ng nakain. Aha. Tulog na.
Eksaktong pagtalikod ko at tumambad sa akin ang tulog na tulog na tiyahin-- este, asawa 'raw' ni kuya.
"Masokista ka talaga ate, nakaya mong tiisin ang galit ni kuya araw-araw" napangiti na lamang ako at inayos ang kumot niya.
Syet. Ngayon ko lang naalala na hindi pa siya naliligo. Damn! Kaya pala nangangamoy!
Wala namang makakakita sa akin siguro ano? Ikakandado ko na lang ang pinto.
Teka lang, Hindi ko siya gagapangin, kahit nakakatemp talaga, hindi pwede!
Kumuha ako ng tuwalya sa bag ko at pumunta ng CR. Balak ko sanang punasan.
Tutal mahaba-habang proseso ito, panahon na siguro para magsiwalat ako ng tungkol sa akin...
BINABASA MO ANG
Known Secrets of FELIZ
RomanceFeliz Nevada, isang manager sa kanyang sariling Restobar ay mahuhumaling sa kanyang co-manager na si Daze Alhambra? Magawa kaya niyang kayanin ang tindi ng bagsik ng kanyang katrabaho at maisautak ang lahat ng sikretong dapat niyang ibunyag? **** Cr...