Chapter 49

55 0 2
                                    

Chapter 49

FELIZ POV

Tumitig muna ako sa salamin at tiningnan ang suot ko.

Nag-ahit ba ako ng buhok sa kili-kili? Check.

May mga tighawat pa sa likod at harap ko especially sa face? Check.

May chicken pox-este letcheng chikinini pa sa leeg ko? Wala na, so super Check!

Ang problema na lang ay ang dibdib ko. Maliit naman ang foam nito kaya keri na kaso nakakapang-liit talaga. Magjacket na lang kaya ako?

"London nasaan 'yung-" nanlaki ang mata ko dahil pumasok sa kwarto si Quiel. ASDFGHJKL.

Nag-iwas kaagad siya ng tingin. Bakit kasi hindi ko ni-lock ang pinto huhu.

"S-Sorry. Okay ka lang?" nabahala ako dahil lumapit siya sa akin. So close!

Tumango ako ng sunod-sunod para umalis na siya.

"Masyadong maluwag ang tali mo sa likod. Ayusin ko" bilis-bilis naman siya sa paglalakad papunta sa likuran ko.

Paano naman niya nalamang maluwag? Hindi ko naman ramdam na maluwag. Jusme.

"Huwag kang iinom mamaya ha. Hindi moa lam ang mangyayari sa'yo kapag nalasing ka" paalala niya.

"Gusto kong i-try. Wala naman sigurong masama kahit tikim lang?" pagpupumilit ko.

"Huwag na nga, masama ang alak" sabi niya. "Pero umiinom ka" depensa ko naman pabalik.

"Makinig ka sa'kin, para 'to sa'yo" tapos hinigpitan niya ang pagkakatali.

"Makinig ka 'rin sa'kin, buhay ko 'to" seryoso ko siyang hinarap at umalis na. Hindi naman siya dati ganito. Pinapabayaan niya ako dati na gawin ang gusto ko so anong ibig sabihin ng ngayon?

Alam kong medyo-selfish pero sana kahit ngayon lang. Kailangan ko rin namang mag-loosen up kahit isang beses kasi mababaliw na ako.

Hiyawan naman sila noong lumabas ako. Problema nila?

"Okay na sana 'teh, kaso ang buhaghag ng hairlalu mo" pansin ni Gerby.

"Oo nga, magsuklay ka naman" gusto kong ipalamon sa Corona Virus si Andrian. Kahit kalian, peste sa buhay ko, ang lakas maka-insulto. Basher ko 'yan eh.

"Okay lang sis, hindi naman ako nagpapaganda" tipid kong sagot. Bale, kumakain kasi kami ngayon at katabi ko sila. Malapit kami sa may karaoke.

"Naks! Palibhasa tanggap ni Daze. Aguy! Hindi ko talaga ine-expect na kayo" pang-aasar ni Anuora.

Inubo naman ako sa sinabi niya "Yuck please, si Daze? Boss ko 'yang papilet niyo!" napasinghap naman sila sa sinabi ko.

"Owemji! Boss mo? Sana all! Bakat kanina 'teh kung alam mo lang. Ang yummy po" gigil na gigil itong si Chevone. Che-che ang nickname niya. Number one fan ni Alhambra noong high school kami.

Hagik-ikan naman ang iba pang girls. I miss this!

"Picture muna" aya ni Quiel.

Pumuwesto naman kami at nagpose. Ang awkward nga lang para sa akin, nagwalk-out kasi ako kanina.

"Patingin nga!" sabi ng ibang girls.

Napakamot naman sa ulo si Anuora "Quiel naman, bakit blurry? Tamo si Feliz lang ang malinaw kasi nasa gitna siya at doon naka-focus ang camera. Naman oh!" maktol niyang sabi.

Hindi ko tiningnan si Quiel at lumingon kung saan. Enebe nemen yen.

"Isa pa"

"1...2...3!" Sa wakas! Umayos naman kahit papaano sabi ng mga katabi ko.

Known Secrets of FELIZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon