Chapter 7

80 2 0
                                    


FELIZ POV

Ang bilis ng oras. Namalayan ko na lang ang sarili kong nakatulog ng mahimbing. Akala ko ay gising na ang hari ng pagsigaw pero mas nauna pa pala ako sa kanya. Kuh. Wag na sana siyang gumising.

Nagtungo ako sa may salas at nagligpit ng kalat. ANG KALAT TALAGA AS IN, plus nay bubog pa. Napadaan naman ako sa may salamin at bumalik din pagkatapos. Lumapit ako ng todo. Kala mo naman kung sinong maganda HAHAHAH basta lumapit ako.

Hinawakan ko ang maliit na band-aid sa ilong ko. Dapat na ba akong maging masaya dahil he cared for me? Hindi naman siguro kung sinong multo ang nag initiate na lagyan ako nito hindi ba?

Napangiti ako at ginanahang maglinis ng kalat. Tipong kumakanta pa habang dumadampot ng bubog. Take note, kinamay ko 'yun! Ganoon ako kasipag! HAHAHAHA

Pati mga kalat ay dinampot ko na lang rin dahil gabi na at masamang magwalis. Maya-maya pa'y tumunog ang aking cellphone. Kalma. Text lang 'yun.

From: +639204963810 (number ni otor talaga yan HAHAHAHA bigyan niyo akong jowa)

Nakauwi na sina Nanay Puring. Nasundo ko na rin si Icer. Anong balita na kay kuya?

Nagreply naman kaagad ako.

To: +639204963810

Natutulog na ng mahimbing. Nag-away yata sila ni Anon. Kasama mo pa ba siya?

From: +639204963810

Oo eh...nakain kami sa labas.

To: +639204963810

Ayy, sorry! Take your time gago! Chikahin mo ako after ng date niyo ;)

Ang saya-saya kong nagtext kasi naglalayag na ang ship ko. Tapos ang bastos! Hinablot ang cellphone ko! Alam na kung sinong dimunyu!

"ANO? BAKIT ANG SAYA MO NA NAMAN?" singhal niya. Wow. bawal na palang tumawa?

"Alam mo sir panira kang epal ka. Nananahimik ako rito eh." kalma lang. Hindi ako magagalit.

"HINDI KA PA NGA TAPOS MAGLINIS EH!" maktol niya at napanganga naman ako sa sumunod na nangyari.

Aba. Ang gago, nagsuka. Sinukahan ang nalinis ko.

Pigilan niyo ako...PIGILAN NIYO AKO!!!

"SAAN KA PUPUNTA?"

"Kukuha po ng basahan. Alangan namang hayaan kong nandiyan ang suka mo" mataray kong sabi.

Naramdaman kong nagalaw ang tshirt ko. LESHEEEE AMPUPU! Doon niya ipinahid ang nguso siya dahil may suka rin ang paligid ng bibig niya. Kadiri. Bakit damit ko?

"Hoy Daze! Tongino labhan mo ito!" mukhang hindi na niya ako napansin at nagtatakbo siya sa kwarto niya.

Napapaduwal na ako sa amoy ng tshirt ko. Putek. Pinisil ko ang ilong ko para labanan ang epidemyang kumakalat.

Gaguhan kami rito? Pwes, kapag nalasing ako, kakaladkarin ko siya sa CR at sisiguraduhin kong kakapit ang amoy ng tae ko sa kamay niya. Ipanghuhugas ko ang kamay niya sa pwet ko! NYETA SIYA.

Kumuha ako ng mop para mas mabilis. Puro liquid lang naman ang naisuka niya. Inom pa.
Habang nagpipiga ng mop sa lababo, napaisip ako. Parang ang bugaw ko naman kay Deinz...alam kong may gusto ang manager ko kay Anon pero heto ako, alam na magkasama sila at hindi sinasabi kay Daze kahit alam ko na gustong-gusto ni Daze na mahanap ang babae. Unfair ba? Ang sama ko ba?

Kapag naman kasi sinabi ko kay sir, parang ang labas ay nangingialam ako. Mabuting siya na lang siguro ang makatuklas. Problema na nila 'yon. Labas ako.

11:00 pm na pala. Matutulog na ako.

Heto na...naglalakad na akong parang zombie sa sofa, sinalo ng unan ang ulo ko at hinigit ko ang kumot. Pikit na talaga ako.

"FELIZ!!!!!!!!!"

May naririnig ba ako? Wala. Panaginip lang 'yon. Hanggang dito ba naman sinisigawan ako ni Sir,"--

"FELIZ ISAAAAAA!!!!"

Binilangan pa ako oh. Wrestling ba ito? Masapok na nga ito para wala ng peste sa buhay. Happy na kami ni Quiel ganun.

"DALAWAAAAA!!!" Abaaaaa nakakarindi na kahit tulog na ako.

"PUPUNTA KA RITO O MAMANYAKIN KITA?" awtomatiko akong nahampas sa katotohanang totoo pala ang pagsigaw nita sa akin. Men! Akala ko dream na. Napamulat tuloy ako kaagad. Sabi ko sa inyo,virgin pa ako ng lagay na ito.

"Ano po ba 'yun Sir? 'Wag kang mag-alala, papasok na ako bukas sa Resto-"

Dumikit ang nguso ko sa tuperware na may laman na carbonara. Wait, ang ganda ng tuperware!

"Sa'yo yan sir? pahingi naman ak--"

"JUST EAT IT! DAMING SAT-SAT!" Padabog niyang inilapag ang tuperware at laking pasasalamat ko dahil ligtas ang carbonara at hindi pumangit ang lalagyan.

Natira lang naman yata ito sa niluto ko, kakatamad.

"Really, Sir? 11:00 pm? Ayos ka lang?" Alam ko namang bobo siya, but this?

"KAKAININ MO O SUSUBUAN PA KITA? AH! BAKA GUSTO MONG IBA ANG ISUBO KO SA'YO?" grabeng magdirty talk ang magkapatid. Parang hindi ako babae ah.

Inirapan ko muna siya ng sobra pa sa 360°, mga 2 revolutions siguro 'yon bago ako kumain. So balak pa ba niya akong patulugin?

Unang subo, napamura ako dahil sa...

"OHO...OHO....OHOO TUBEEEG!" kulang na lang ay lumuhod ako sa ANGHANG ng carbonara. Takte. Tinadtad ba ito ng siling labuyo at pinino?

Dali-dali siyang pumunta sa may ref at kumuha ng basong may tubig. Ready ah.

Lalagok na sana ako ang kaso. WALANGHIYA!

"IPIS! Bakit may patay na ipis sa tubig?" ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa nangyayari. Huhu. Pa-salvage naman kay Daze please. Kahit siya lang. Awa na!

Known Secrets of FELIZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon