DAZE POV (FINALLY!)
Teka, nasaan ako? Nananaginip ba ako?
(6 years ago)
"TANGINA NAMAN DAZE! PURO ANON NA LANG BA PALAGI? PAPAANO NAMAN AKO?"
"ANO DAZE? ANO ANG IBIG SABIHIN NG NAKITA KO?"
"MATAGAL NA KAYONG DALAWA? MAHIYA KA NAMAN! PAANO KUNG NALAMAN ITO NI LOLA? ANONG GAGAWIN MO?"
"PAGOD NA PAGOD NA AKONG MAGDAHILAN PARA SA'YO! BIGAY LANG AKO NG BIGAY TAPOS IKAW ANO? TANGGAP LANG NG TANGGAP! KELAN BA PWEDENG AKO NAMAN ANG MAKATANGGAP NI PAGMAMAHAL MO?"
"MATATANGGAP KO PA SANA KUNG BABAE! KASO BAKIT KAPATID MO PA? SHUTANGINA TALAGA MAGSAMA KAYO"
"ALALANG-ALALA AKO TAPOS MAKIKITA KITANG NAKAPATONG LANG PALA SA KANYA? EDI SANA HINDI KANA LANG PUMAYAG NA MAKASAL TAYO! GAGO KA PALA EH!"
"MAHAL MO AKO? PUNYETA! KAILAN PA NAGING MAGANDANG MAGMAHAL NG DALAWA? ANG NAKAKATAWA, LALAKI AT BABAE PA! DAMI MONG CHOICE HA!"
"ANONG KLASENG UTAK MAYROON KA? HINDI NA KITA MAINTINDIHAN! PURO KA HINDI MO ALAM, NALILITO. PAPAANO NAMAN AKO? GULONG-GULO NA RIN AKO KUNG MANANATILI PA BA AKO KAYO KASI SHIT! MAS MAHAL MO YUNG KAPATID MO KAYSA SA AKIN! TANGINANG PAGMAMAHAL 'YAN BRO TO BRO? LITERAL NA BROMANCE?"
Punong-puno ng sigaw ni Feliz ang naimbak sa utak ko. Iyan ang mga sinabi niya simula noong nahuli noya kami. Hindi ko naman akalain na mabilis siyang mahuhulog sa akin.
Maayos naman kaming dalawa noong una kaming nagkita...pero pagkatapos na may mangyari, bigla na lang siyang nagwawala.
Walang araw na hindi siya sumisigaw. Walang araw na hindi siya napupuyat sa kahihintay sa akin.
Hindi ko mapatawad ang sarili ko kaya hinayaan ko na lang siyang gawin ang gusto niya sa akin. Deserve ko rin naman na masaktan para hindi lang siya ang nakararamdam ng sakit. Sana nga ako na lang. Bakit ba kasi ang gulo-gulo ng utak at puso ko?
"Ano na naman 'yang tingin na 'yan?"
usisa ni Shanon. Ang best sa lahat ng best friend ko. Nandito kasi ako ngayon sa isang bar. Pampalipas oras.
"Galit na naman sa akin si Feliz" Hindi ko mapigilang maging malungkot. Miss na miss ko na ang buhaghag niyang buhok. Ang weirdo ko ba?
"Ikaw naman kasi, ayaw pang aminin kung may jowa ka o ano, hindi 'yung nangangapa siya" suhestiyon niya. Napakabugaw talaga.
"Nalaman na nga niya" nanlaki naman ang mga mata niya.
"Na ano? M-may jowa kana?"
"Na may gusto akong iba" napangiti naman ako sa nasabi ko, alam kong ang sama dahil nagagawa ko pang ngumiti kahit nasasaktan siya pero kinikilig pa rin ako.
"E-eh? Sino?" pagpupumilit niya at namumula na siya. Bakit ba ang hyper-hyper niya ngayon? Ikadena ko kaya siya at ipakain sa aso namin? Tss.
"Huwag mo nang alamin, baka maglupasay ka lang diyan kapag nalaman mo" mas lalo naman siyang namula at napakalapad ng ngiti.
"Pero kahit na may gusto akong iba, ikakasal pa rin ako sa kanya" nawala naman bigla ang ngiti sa labi niya.
"K-kay Feliz?"
"Oo, gusto kong makabawi sa kanya eh. Alam kong gago ako at confused pa rin, pero siguro matututunan ko naman siyang mahalin para na rin sa kagustuhan ng Lola niya"
Bigla naman akong niyakap ng babaeng nasa harapan ko. Siya ba ang ikakasal at parang siya ang tuwang-tuwa?
"I'm so happy for you! Teka...Ano bang meron sa Lola niya?" tanong niya.
"Siya kasi dapat ang Lola ko ngayon, pinakasalan lang ng Lolo ko ang Lola ko dahil sa magulang nila. Ipinangako ng Lolo ko na tutuparin niya ang pagpapatayo ng Resto Bar para kay Lola Tinang kahit wala ng sila. Nagkataon naman na plano na rin pala ni Feliz 'yun para naman sa Lola niya kaya naman sinuggest ng Lola niya na pakisamahan ako kahit labag sa kalooban niya" napangiti na lang ako noong maalala ko ang unang pagkikita namin. Nakakamiss pala. Mas mukhang haggard si Feliz noon eh.
"Ah kaya. Eh bakit kailangang magpakasal kayong dalawa? Anong konek 'nun?" sumandal siya sa may balikat ko. Comfortable masyado ah.
"Bago kasi mamatay ang Lola ko, simabi niya na gawan ko raw siya ng pabor at pakasalan ang unang apo ni Lola Tinang para makabawi sa pagmamahalan nina Lola Tinang at Lolo Dencio ko. Ewan ko ba. Ang dami nilang gusto para sa amin...pero paano naman 'yung gusto ko?" napatingin ako sa malayo. Malabo talaga...malabo.
"No choice ka pala 'no? Last will pala nila 'yun sa inyo eh" ginulo niya na naman akong buhok ko at kinurot ako sa tagiliran. Tanginang kamay 'yan ang likot!
"No, choice ko rin 'yon. Pwede naman akong humindi 'di ba?" again, may namuo na namang ngiti sa labi ko.
"So, bakit nga?" ang kulit. Kanina pa niya ako pinipilit ah.
"I kinda like her. She's one of a kind" natahimik naman ang kasama ko saglit. Ano bang problema niya?
*KRING! KRING!
BINABASA MO ANG
Known Secrets of FELIZ
RomanceFeliz Nevada, isang manager sa kanyang sariling Restobar ay mahuhumaling sa kanyang co-manager na si Daze Alhambra? Magawa kaya niyang kayanin ang tindi ng bagsik ng kanyang katrabaho at maisautak ang lahat ng sikretong dapat niyang ibunyag? **** Cr...