FELIZ POV
Nakain ko naman 'yung carbonara in fairness. Spoon lang pala ang my problema kaya maanghang. Alam niyo na siguro kung sinong may gawa -_-
Naglakad-lakad lang ako pabalik-balik at nagbasa ng libro para bumaba ang kinain ko. Ayoko pang mamatay eh. Si Sir, ayun natulog na agad. Hayaan nang mamatay ng maaga.
Ginising ako ng ringtone ng cellphone kong may tumitilaok. Aba magtaka kayo kung legit na manok ang tumilaok at nasa UNIT? Kabaliwan.
Isa na namang araw na maririnig ang sigaw, galit, at panggigigil ang naghihintay sa akin. Ano pa nga bang ineexpect ko? Saulo ko na naman lagi ang takbo ng araw ko eh.
"TANGINA! LATE NA AK--"
"SIR, huminahon ka, sira ang wall clock mo ngayon. Inom-inom pa. kahapon pa po 'yan sira." kung hindi lang talaga siya ang nagpapasweldo sa akin ay malamang sa malamang, napatokhang ko na siya -_- hindi ko alam kung baliw na ba siya o bipolar lang talaga?
"EH BAKIT HINDI MO AKO GINIGISING HA?" agang-aga nagpasabog na naman ng lava itong si Sir. Ang aga magmala-bulkan. Parang naka-speaker mode ang boses eh. POTA.
"Kasalanan ko bang hindi ka nag-alarm? Sisigawan mo na naman ako kapag ginising kita kasi sasabihin mo...LINTIK KA ANG HIMBING NG TULOG KO TAPOS GIGISINGIN MO AK-"
"ANO? IMIMIMICK MO PA AKO HA?" napatigil talaga ako dahil hinawakan niya ang mga pisngi ko para ang itsura eh nakanguso ako. Gets niyo? Basta 'yung ginagawa ng mga kontrabida sa teleserye kapag nang-aapi sila.
Tinampal ko ang kamay niya at nagsabi ng "Ew. Kaderder." ang sama tuloy ng tingin sa akin.
"MAUNA KANA SA RESTO! DADATING SI MR-"
"Alam ko ho, hindi ho ako tangang nakakalimot" inirapan ko ulit siya at dali-dali nang pumunta sa CR. Siyempre nakaready na ang towel ko baka kasi may multo na namang magsabit bigla eh.
"Kuya!!!" oops. may dumating na namang isang manyak. shet. dalawa na sila oh no.
"ANO NA NAMAN DEINZ?" singhal ng kuya niyang rinig na rinig ko kahit bukas ang gripo rito sa CR. Oh di na. Kainaman sa lakas.
"Sigaw na naman? Nasaan si Ate Feliz?" kaswal na sabi ng binata.
Saglit na nagkaroon ng katahimikan bago ako nakarinig ng sigaw. Taray. Bumuwelo muna siguro. Ang hirap daw kasi, sunod-sunod na sigaw.
Minsan COMBO pa anga eh, SIGAW + GIGIL + PHYSICAL CONTACT + LAKI MATA = SABOG NA BULKAN.
"NALILIGO!"
"Ah okay, Masilip nga" narinig ko pang tumawa ang manyak.
"ANONG SABI MO?" ang sakit naman sa ears. Kanina sigaw lang naririnig ko, nakarinig pa ako ng pagbagsak ng isang babasagin na bagay. Taena bubog na naman.
Tumawa lang ulit ang bunso kaya naman asar na asar siguro ang bobo niyang kuya. Baka magtaka kayo kung bakit ko alam ang mga nangyayari kahit nasa loob ako, Well...hula ko lang 'yon base sa naririnig ko, Who knows? Baka mas malala pa ang live action HAHAHAH.
"Hey! Sama ako sa Resto ngayon ha. Nagdala ako ng gitara." kaloka, wala ba siyang trabaho ngayon...sabagay residency na nga lang pala.
"Bakit ka naman nagpapaalam? Jowa kita ha? Jowa?" sinadya kong lakasan ang boses ko dahil baka hindi niya marinig galing sa labas. Akala ko talaga ay papasukin na naman niya ako.
"Tanga talaga. Sinasabi ko lang para aware ka. Isipin mo na naman mamanyakin lang kita. Well, pwede rin naman HAHAHAH" ang lakas talaga niyang magpaikot ng babae. Gusto niya ba talaga si Anon ha?
Napaisip ako. Nakakausap kaya niya ng ganito si Anon? Like may mga kamanyakang kasama ganoon? Feeling ko kasi sobrang ingat niya sa words kapag gusto mo ang tao. Sana all, si Anon.
Wait. OMG! GITARA!!! Huhu sana hindi siya magaling maggitara. I'll pray for his hands. Sugatan ko kaya? HAHAHA kasi naman :( mabilis akong ma-attract sa mga musically-inclined na tao...lalo na sa mga naggigitara amp. Feeling ko ako yung pinupluck. Teka, pati yata utak ko naco-corrupt na. UGH! napasukan ng manak na virus! HUHUHU
"ANG BAGAL MO FELIZ! MAUUNA NA AKO!" sigaw ng magaling kong manager. mabuti yan! tinagalan ko talaga para hindi kami magkasabay HAHAHA need kong chikahin ang kapatid niya eh,
Buhos na agad ako. Siyempre hindi pwedeng wisik-wisik lang kasi tapos na ang pasko at hindi na malamig.
Pagkalabas ko, nag-ingat ako at baka ako naman ang madulas.
"Anyare sa ilong mo?"
"Nahiwa ko kagabi, akala ko kasama sa ingredients"
"Ulul. Ano nga kasi? Pipisilin ko 'yan" pagbabanta niya.
"Kumusta ang date niyo? HAHAHA" iniba ko ang usapan at ngumiti naman siya, NUY! kinikilig ang pwet!
"Ayos lang naman. Huwag kang maingay kay kuya ha, hindi niya kasi ako mapapatawad kapag nalaman niyang sa bahay ko nag-iistay si Ate Anon" 0_0 holeshiz! seryoso?
"Aba naman iho, hinay-hinay. Baka maunahan mo pa akong magkaanak."
"Sira. May respeto pa naman akong natitira kahit papaano." ginulo niya ang basa kong buhok kaya naman basa na rin ang kamay niya. Ang tanga niya 'no?
"Ang hirap talaga kapag may kapatid ano? Lagi mong karibal kahit saan" komento ko habang nagtootoothbrush.
"Ano? umuungol ka ba?" HAYOP NA YAN!
"GAGO! Anong umuungol? Ang sabi ko...Ang hirap talaga kapag may manyak kang kasama 'no? Kahit alam naman ang sinabi ko ay iba ang takbo ng isipan!" nagmumog na ako at baka kung ano pa ang masabi niya once na magsalita na naman ako ng nagtootoothbrush. Oo na, kasalanan ko rin naman.
"AW SHIYET!" oa lang pero hindi naman ako sumigaw. ginawa ko lang na caps para intense. Nakatapak kasi ako, hindi naman tusok so safe ako at hindi naman bubog.
Pagkaalis ng paa ko ay pinulot ko ang isang maliit na sachet. Juskoho. Condom na naman?
"Akin na 'yan! nahulog ko pala 'yan kanina"
Mygosh, Bakit bukas 'yung sachet? gamit na ba 'yon? Eh bakit ibinalit ulit? Ano yun? Reuse para makatipid? Nakakaubos ng brain cells!
"Loka ka, ginamit mo sa kanya?" tanong ko. huhu meaning hindi na virgin ang girl crush kong si Anon?
"Hindi ah. Tinesting ko lang kung kasya tapos ibinalik ko na ulit para kapag kinailangan-"
"Tama na. Oo na, gets ko na!" sabay sarado ng pintuan dahil pumasok na ako para magbihis.
Siyempre binilisan ko na ang kilos baka naman sabihin ang bagal ko.
AFTER 30 minutes..."Papasukin mo na nga ako riyan. Ang bilis mo talagang kumilos kahit kailan. Patay kana naman kay kuya." ang totoo niyan, hindi ako mapakali sa kakaisip kung sino ba talaga ang asawa ni Sir.
Pabalik-balik pa ako at hawak-hawak angsingsing na hindi man lang naalis sa ibabaw ng cabinet. Huhu kumikinang siya. I bet. Sobrang mahal ng halaga nito.
Tumayo na ako at nag-give up sa kaiisip nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Deinz.
FOTAAAAA. Saktong pagbukas ng pinto ay nagulat ako kaya naman nadali ko ang tuwalyo ko. Guess what? NAHUBO LAHAT AT WALA PA AKONG NAISUSUOT KAHIT ISA.
SI GAGO NAMAN! HINDI KAAGAD NAKAGET-OVER AT TUMITIG MUNA SA AKIN BAGO NIYA TINAMPAL ANG SARILI AT ISINARA ANG PINTO.
"ATE NAMAN! UBOS ANG ISANG ORAS KO SA'YO TAPOS HINDI KA PA PALA NAKAKAPAGSUOT NI PANTY MAN LANG? GUSTO MO BANG AKO NA ANG MAGBIHIS SA'YO HA? NAKAKAFRUSTRATE KA!" umalingaw-ngaw ang boses niya kahit nasa labas na siya. Nakakahiya!!! Sigaw iyon na mas malakas pa sa mga sigaw ni Sir Daze! Mas malala talaga ang mga bunso. PROVEN NA!
Ang epic naman ng mga kahihiyan ko. Tipong sa mga napanood ko nahuli lang na nagbibihis pero may underwear na. Eh sa akin? WALA TALAGANG SAPLOT NI ISA!
Dali-dali na akong nagbihis. Huhu baka baliktad pa 'yung suot ko. Maicheck nga!
After 5 minutes....
*BLAG!
"TARA NA!" ang awkward tuloy noong tumingin sa akin si Deinz. Kalma. Bakla ang tao sizt. Pagbigyan.
Naalala kong boylet din ang bet niya so i smiled na para bang walang nangyaring kababalaghan. I don't care! Kahit yata magpasketch ako sa kanya ng hubad ay ayos lang. Mala-rose sa titanic ganern.
Good thing naman na dala ni gago ang motor niya. Mabilis kaming nakarating, pero ang time. FAIL. Sigaw na naman ang aabutin ko.
"Ipagdasal mo naman ako badeng. Ayoko pang tumalsik ang ear drum ko ng wala sa oras" heto na. Nasa entrace na kami...
YUHOO! Nandito na si Sir Delton! 'yung father nina Deinz at Daze. Siya nga pala 'yung pumuri sa akin last time na unang beses siyang pumunta rito dahil kumanta ako at nagserve sa kanya ng pagkain. 'Yun rin ang time na...sabi ni Sir Daze ay mali ang ginawa ko kahit naman tama. Impakto talaga siya!
"Good Morning po, Sir! Sorry, I'm late" yumuko ako at itinunghay naman ni Sir Delton ang mukha ko. Nagulat ako at ngumiti siya.
"You look pretty iha, anong year mo na?"
Nagpipigil na ng tawa ang kasama ko na nasa likod ko pala. Ah ganon.
"Sir, I'm already 26 po. Nakagraduate na po ako" humble kong sinabi.
"Oh! I'm really sorry! Can you please sing a song for me?" nawala naman ang pagkadown ko sa sinabi niya.
Hinawakan ni Deinz ang kamay ko "Hintayin mo naman ang guitarist mo. Ang boring kaya kapag wala kang ka-jamming. Puro minus one lang pinapatugtog mo!" tama naman siya, a. Paulit-ulit na lang ganoon ang routine eh. Kailangan ko pang i-dl tapos kapag walang available na minus one. Patay na. Matic na ang sigaw. Naka-reserve ma kumbaga.
"Anong kanta?" tanong niya.
"Teardrops on my guitar" nakangiti kong sambit sa kanya.
Nagpalakpakan na ang mga nakain sa resto at tumigil pa sila sa pagkain para lang manood. Dahil ba kay Deinz? Well. He look good with his guitar I must say.
Tumingin muna siya sa akin at naging seryososo. That gave me chills. Ibang-iba sa Deinz na manyak kapag nakikita ko siya. Cue niya siguro 'yon at nag-intro na siya.
I don't know, pero ang piyesa na 'yon ang unang pumasok sa isip ko, then I realized...Damn! Inaatake ako ng kanta!
BINABASA MO ANG
Known Secrets of FELIZ
RomanceFeliz Nevada, isang manager sa kanyang sariling Restobar ay mahuhumaling sa kanyang co-manager na si Daze Alhambra? Magawa kaya niyang kayanin ang tindi ng bagsik ng kanyang katrabaho at maisautak ang lahat ng sikretong dapat niyang ibunyag? **** Cr...