Chapter 56

7 0 0
                                    

FELIZ POV

Another day it is. Maaga akong pumunta sa restobar ko at nanatili sa opisina para trabahuhin ang mga hindi ko nagawa noong nasa Japan ako. Medyo marami rin 'to.

Narinig kong nagbukas ang pinto at iniluwa nito si Shanon. Ang saya-saya niya. Ibinalik ko ang tingin sa laptop ko at hinayaan muna siya rito.

"May kailangan ka?" kaswal kong tanong. Ilang linggo na rin ang nakalipas simula nang dito siya namalagi. Umuuwi naman siya sa bahay nila pero kada umaga, nandito siya.

Umupo naman siya sa may table ko "Gusto mo ba? Nag-crave kasi ako kaya bumili ako." Inalok niya sa akin ang kutsaritang may laman na ice cream na parang gusto niya akong subuan.

"Okay lang. Busog naman ako, kulang pa 'yan sa baby niyo." sambit ko. Bakit parang ang bitter ko sa part na 'yon? Hays.

"Sige na, isang subo lang naman e." Eto talaga ang problema sa mga buntis e. Ang kukulit! Hindi naman dapat ako ang nagawa nito! Bwisit na Daze 'yan!

"Shanon, busog pa nga ako. Alukin mo na lang 'yung ibang crew, mag-uunahan pa sila sa offer mo," walang gana kong sabi.

"Kakainin mo 'to o ipalalaglag ko ang bata sa sinapupunan ko?"

Awtomatiko naman akong napalingon sa kanya. What the fuck?

"Anong sabi mo?" seryoso kong tanong. Hindi magandang biro 'yan, Shanon. Dahil lang sa Ice cream?

"W-wala. Sige, sorry pupunta na lang ako sa labas at maglalakad-lakad" natataranta niyang sambit at umalis na.

Minasahe ko ang noo ko sa mga ikinikilos niya. Dapat nga galit siya sa akin ngayon dahil obvious naman na mahal ko pa rin si Daze at malaki akong sagabal sa kanila. Anong plot twist 'to? Bigla siyang naging mabait.

--

Akala ko malala na 'yung scenario na 'yun. Nagkamali pala ako. Parang gusto na akong iuwi ni Shanon sa bahay nila. Hindi ko na siya maintindihan.

"Dito ka na lang matulog please, wala akong kasama sa bahay." hatak niya ang kamay ko pero desidido na akong umalis ng bahay nila.

"Huwag mo nga akong lokohin, darating ang magulang mo mamaya kaya may kasama ka. Let go, Shanon. I'm tired" wala na akong ibang masabi para lang tantanan niya na ako.
Daig ko pa ang nagka-syota. Napaka-needy niya. Minsan hinahabaan ko na lang ang pasensiya ko.

"Bakit ba kasi ayaw mo akong pagbigyan? Hindi na nga kasi babalik si Daze!" sigaw niya. Napapikit na lang ako at pinigilan ko ang sarili kong saktan siya dahil parang sinasagad na niya ako.

"Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo? Nililinlang mo lang ako, Shanon." nakangisi kong sabi at sumeryoso ang mukha niya. Showing her true colors, eh?

"Totoo ang sinasabi ko, Feliz! Hindi niya na nga ako pinanagutan at sinundan! Wala siyang kwenta kaya layuan mo na siya!" Ano ba talaga? Ayaw niya kaming magkasama ni Daze pero panay ang paglapit niya sa akin.

Keep your friends close and your enemies closer. 'Yan ba ang gusto niyang ipahiwatig?

"Huwag mo akong diktahan, Shanon. Buhay ko 'to!" halos isampal ko na sa kanya lahat ng salita para lang paalisin niya ako ngayon pero hindi siya kumbinsido. Puta.

"Ang buhay mo ay buhay ko rin, Tangina naman Feliz! Bakit ba ang manhid mo?" nagsimula na siyang umiyak ngunit natakot siyang lumingon sa akin.

No, hindi siya sa akin nakatingin, kundi sa likod ko.

Napalunok ako at kinabahan. Sinong nasa likod ko? Mamamatay tao? Shit. Baka kung anong mangyari kay Shanon.

"Napakasama mong babae ka. Ginamit mo kaming lahat para sa kanya?" bungad ng lalaking nasa likuran ko na siyang nagpanginig sa mga tuhod ko.

Known Secrets of FELIZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon