FELIZ POV
"Ma'am, wala na raw po talaga tayong magagawa dahil masyadong ma-impluwensiya ang mga Consignado," dismayado akong napatingin sa itaas dahil sa narinig ko. Fuck this!
"Thank you. You may now go," utos ko sa sekretarya ng aming kumpanya na naghatid ng balita sa akin.
Nakita ko ang balance sa isang receipt noong huling nag-withdraw ako at napailing sa kawalan dahil alam kong hindi sapat ang pera ko para mapabalik siya sa kulungan.
Hindi naman kasi ako mayaman. Kailangan ko pang paghirapan ang lahat bago ako magkaroon ng pera.
Anak na pogi calling...
"Ma..." napahaba ang pagtawag niya sa akin. Hmm, mukhang may kailangan siya.
"Anak, bakit?" tanong ko. Sana huwag babae ang sabihin niya, magdadrama talaga ako!
"I'm here..." kahit anak ko siya, minsan hindi ko magets kung bakit pabitin siya.
"Saan ba, Giorgio?" napatingin ako sa relo ko at napagtantong kaawas lang niya kaya siguro napatawag.
"In his place,"
Hindi kaagad ako nakapagsalita at napalunok ng laway. Kadiri, pero totoo.
"Magagalit ka po ba, Ma? Pwede naman po akong umalis," kahit naman sinabi niya, alam kong labag sa kalooban niyang gawin ang binanggit niya dahil halata sa tono ng boses niya.
"Balitaan mo na lang ako anak kapag ginalaw ka niya dahil ako ang makakalaban niya. Mag-iingat ka," wala namang masama na pagbigyan siya dahil sa nasayang na taon na wala ang ama niya.
"Alright, Ma. Mas mahal po kita," kinagawian niya na mayroong 'mas' na agad para wala na akong masabi.
Hindi ko alam sa kanya kung nahihiya ba siya o gusto niya lang agad na tapusin ang usapan. Ugh! Pakiramdam ko ay maraming mata ang umaaligid sa kanyang kakisigan.
Tinapos ko ang trabaho ko at umuwi sa bahay para kumain. Mag-isa na naman, kasama ang mga appliances namin at furnitures. Ang saya-saya.
Nagliligpit ako ng kinain nang may kumurot sa kanang pisngi ng pwet ko.
Basta bastos, kilala ko na kung sino."Utang na loob, huwag pwet ko. Tirahin mo na lang ang mga baka sa lupa nina Daze," suhestiyon ko. Alam kong mukha siyang may saltik pero hindi naman ako na-inform na mas may ilalala pa pala siya. Awit sa'yo, gago.
"Ang galing, ganyan din ang sinabi sa akin ni sister. Buntis ka rin ba, huh? Ang likot mo masyadong mag-isip," nawiwirduhan niyang sambit at isinalampak ang sarili niya sa sofa namin.
"At least ganoon lang, hindi katulad mo na malikot ang lahat ng parte ng katawan," hinayinan ko siya ng tutong na kanin at tuwang-tuwa siya nang makita ito.
"Napakawalang-kwenta mo talaga, Lemuel! Tutong lang ang idinayo mo ritong hayop ka," walang preno kong sabi at ngiting butiki pa siya.
"Shut up ka na lang, gusto mong pandesal? Nagdala talaga ako for you," magiliw pa siya sa lagay na 'yan. Ibang klase!
Tiningnan ko lang siya at hindi na nagsalita.
"Ayaw mo? Sayang, anim pa naman 'to," hindi ko siya ma-gets. Naiwan yata ang utak niya sa mga damo ng bukid nila.
"Anong konek? Hindi mo ba alam 'yung dapat tatlo lang para 'I love you' ang ibig sabihin?" ganti ko. Mema, sa true lang. Gwapo niya kasi ngayon >.<
"Ibig sabihin kasi ng mga pandesal na 'to..." lumapit siya at umupo sa may kitchen sink para ipakita ang sarili niya sa akin.
Sa gulat ko, itinaas niya ang damit niya at pinagpipindot ang sinabing pandesal.
"...ay 'Ang sarap sarap sarap sarap ko,'" sabay nakaw ng halik sa akin.
"Ang harot harot harot harot mo," at binato ko siya ng isang sandok at nakailag siya. Sayang, sapul sana!
"Sige, payag akong ibato mo ang lahat ha! Basta huwag kutsilyo, pucha," pinulot niya ang sandok at ibinalik sa akin.
Medyo tanga lang, lumapit pa ang nilalang kaya naman nakatikim siya ng hampas sa ulo niya galing sa akin. Mahina lang naman pero napa-aray siya.
Nakangiti pa siyang ibinigay sa akin ang platong pinaglagyan ng tutong na kanin na para bang inuutusan pa akong linisin iyon para sa kanya.
Nakikikain na nga lang, abusado pa!
"Pakilinis na lang, ako naman ang maglilinis sa'yo mamaya," nakuha pa niyang kumindat sa dirty joke niya. Nasuka ako, pramis.
"I can clean myself, moron," komento ko at tumaas ang kilay niya.
Inagaw niya ang scotch brite sa akin at nilinis ang platong hawak niya. Akala ko nga tapos na siyang mang-trip pero hihirit pa pala.
"Ows? Kaya pala panay inda ka sa sakit at binubulong mo pang 'do me a favor' kasi nga ang sabi mo kanina, kaya mong linisin ang kalat mo," puno ng sarkastiko niyang sabi at napuruhan ang utak ko dahil masyadong mabilis pasukin ng lumot.
He's my fubu. Funny, pero hanggang doon lang. Love is too complicated for me lalo na't malapit na siya. I can't choose.
Selfish? Yes, I am. Para kasing pinaglalaruan ko si Lemuel given the fact na may gusto siya sa akin.
Natahimik na lang ako dahil naisip ko ang sitwasyon namin.
"For the nth time, Lemuel. Are you sure about our set-up? I'm hurting you physically and emotionally," since topic naman namin ay about 'cherry popping', naisipan kong itanong ulit ito sa kanya para malinaw.
Sumeryoso naman siya sa tinanong ko at nagbuntong-hininga
"If that's what it takes for you to feel me, then it's fucking fine. I told you so many times, Feliz. Kahit ano, basta ikaw."Hindi na ulit ako nakapaglabas ng salita dahil umimik muli siya...
"I know it's kinda shitty but, sex is the only way to make myself connected with you, at least I could express my love through giving you a satisfying happiness," huli niyang sambit at umalis na sa bahay namin ng anak ko.
Nakaramdam naman ako ng kirot sa sinabi niya. Gusto kong manggaling mismo sa bibig niya na ayos lang talaga pero para akong tanga dahil alam kong hindi naman talaga.
Tinawagan ko ang cellphone ni Lemuel at nagbaka-sakali.
"Bakit?" wala man lang siyang hello!
"Balik"
Tinapos ko ang tawag namin at naisip kong pwede namang itext ko na lang siya at nagsayang pa ako ng laway pero mas gaganahan kasi siya kapag narinig niya ang boses ko.
Sanay kasi si Lemuel na kada isang salita ko, may ibig sabihin at connected ito sa usapang lumot.
Nagtago ako sa likod ng pintuan at naipit ako sa pagbukas niya nito. Bigla ba naman kasing binuksan!
"S-Sorry, hindi ko na babanggitin--"
Then the cherry has been popped, once again! Surrendering itself to the mighty eggplant which happened to be long and hard.
Unregistered number calling...
Nag-hesitate pa akong sagutin ito pero iniwan ko muna saglit ang bitin na nilalang para rito.
"He--"
"Usap,"
"T-teka, sino--"
"Bukas,"
"What the hell--"
"Usual,"
Then the line went dead.
Just like that, kuya?
BINABASA MO ANG
Known Secrets of FELIZ
RomanceFeliz Nevada, isang manager sa kanyang sariling Restobar ay mahuhumaling sa kanyang co-manager na si Daze Alhambra? Magawa kaya niyang kayanin ang tindi ng bagsik ng kanyang katrabaho at maisautak ang lahat ng sikretong dapat niyang ibunyag? **** Cr...