FELIZ POV
Clench Erol Consignado, ang kinilala ko dating si Felix Nevada.
Malapit na akong mabaliw sa kahihintay sa kanya. I'm 30 years old now, 4 na taon na ang nakalipas pero wala akong napala sa kanya kadadalaw sa presinto matapos ang una naming pagpunta ng anak ko.
Giorgio is already 14, currently staying in his dormitory near his school. Umuuwi siya sa bahay namin tuwing weekends pero minsan, hindi na dahil sa group works.
Mahirap pala kapag pa-fall lang ang tao. Sobra akong umasa sa kanya na baka sakaling mabuo ang pamilya namin after all these years, but no.
Mas lumala pa ang sitwasyon.
I heard that he's secretly giving some detainees something. It's none other than, illegal drugs.
Hindi ko alam kung paano niya nasisikmurang gawin iyon sa loob pa mismo ng presinto. I'm really disappointed. Tama pa bang tanggapin ko siya sa bahay ko?
Natigil naman or more like, napigilan ang gawain niya pero may naging alternative ito. Sa halip na magpakasasa sa droga ay napagdiskitahan niya ang mga babaeng nakakulong doon.
Palibhasa'y gwapo, hindi siya inurungan at nagpadala sa kanyang mga gustong makuha. Dito talaga parang nawasak ang pagkatao ko.
Gabi-gabi akong palihim na pumupunta sa presinto pero sinasabi lamang ng mga pulis na may kaniig siya sa loob. Gusto kong maglupasay sa tuwing sinasabi nila iyon pero wala naman akong karapatan dahil ni hindi ako shota/jowa o ni asawa niya para sabunutan ang mga babaeng iyon.
Kinuwestiyon ko ang sistema ang kulungan nila dahil pinapayagan nilang gawin ito ng katulad ni Len. Hindi ba siya makakatakas sa mga ganoong pagkakataon?
Hanggang sa umabot sa akin ang balitang buhay pa ang tiyuhin niyang may kaugnayan at katungkulan sa presinto kaya naman pala siya pinapayagan. Ano ang kapalit? Malamang, pera.
Mali nga talaga siguro ako ng desisyon na dalhin si Giorgio noon at sa kanya pa mismo nanggaling.
Tama na sigurong mag-settle na lang ako sa mga taong handang tumulong sa amin at laging nandiyan sa aming tabi.
"Flowers for you," muntik na akong mapabahin dahil sa bulaklak na sinadyang ilagay sa ilalim ng ilong ko kaya singhot na singhot ko ang halimuyak nito.
"Agang-aga Adecer, ibaba mo nga 'yan! Kita mo namang may ginagawa ako," sabay iwas ko sa bulaklak. White flowers ba naman ang ibinigay sa akin. Mukha na ba akong patay? Gigil niya ako.
"Agang-aga Nevada, umiiral na agad ang buwanang dalaw mo...kita mo namang nage-effort na nga ako sa'yo," kunwari ay nagtatampong sabi ni Lemuel Adecer, kapatid ni Sylvannia Adecer na nanghiram ng pagkatao sa akin.
Natawa naman ako dahil sa halip na magmukha siyang cute at maamong tuta, mukha siyang askal sa lagay niyang 'yan.
"Mag-aabot ka niyan, mukha kang bagong gising. Napakagaling, Lemuel," naiiling kong sinabi pero tinanggap din ang bulaklak.
"Para fresh ang bulaklak. Kung mamaya ko pa ibibigay, edi magagalit ka lalo kasi lanta na? Nag-iisip ka ba ha?" Hindi naman ako nagalit sa huli niyang sinabi dahil tanga at bobo amg tingin namin sa isa't isa kaya sanay na akong sabihan niya ng ganoon.
"Ibigay ko man ng umaga o hapon, galit o inis ka pa rin naman, sana pala inilagay ko na lang ito sa puntod ni Sherry," pinupunto niya ang namatay niyang pusa last year.
Napakaarte ni Lemuel dahil ginawa pang tissue ang panyo ko dahil wala daw siyang dala. Ilang bareta yata ang nasayang ko para lang matanggal 'yung nga uhog niya at kulangot na dumikit sa panyo, kadiri. Sorry sa kumakain.
"Mas mahal mo naman pala si Sherry, edi siya na lang jowain mo," ganting sabi ko naman. Wala talaga ako sa mood para lumandi. 5 am pa lang naman kasi! Pwede bang mamaya na lang? Chos.
"Seryoso ka ba diyan? Hindi ko pa nasusubukang magpenetrate sa mga hayop..." humina ang boses niya pero nahuli iyon ng tainga ko.
Pinigilan ko ang sarili kong matawa dahil iyon talaga ang naisip niya. Ang layo naman kasi ng tinutukoy kong 'jowa' sa 'sex' na sinasabi niya.
Palibhasa, panay lumot ang utak niya.
"Umalis ka na nga, salamat sa offer mo," nilingon ko siya at kinindatan. Hay nako!"My Condolences, kaya puti ang bigay ko sa'yo," nakangising sabi niya sa akin. Wait, kinilabutan ako kasi parang may mali.
"Huh? Natanga ka na naman, inom kang tubig," suhestiyon ko pero hindi siy natinag sa sinabi ko.
Lumapit siya at isinarado ang laptop ko kaya natuon ang atensiyon ko sa kanya.
"He's now free, Feliz. Ako pa rin ba ang pipiliin mo?" seryoso niyang sambit at napakalapit ng mukha niya.
Kumalabog ang sistema ko sa loob at hindi ko malaman kung paano ako mag-iisip.
Bakit gustong-gusto ba nilang pinahihirapan ako sa pagpili?
Hindi na sana siya nakalaya, Tangina. Sumasakit lang ang ulo ko dahil sa kanya.
BINABASA MO ANG
Known Secrets of FELIZ
RomanceFeliz Nevada, isang manager sa kanyang sariling Restobar ay mahuhumaling sa kanyang co-manager na si Daze Alhambra? Magawa kaya niyang kayanin ang tindi ng bagsik ng kanyang katrabaho at maisautak ang lahat ng sikretong dapat niyang ibunyag? **** Cr...