FELIZ POV
Dali-dali akong nagpahid ng luha dahil ayokong magmukhang mahina sa harap ni Anon. Baka mas lalo pang magalit si Sir Daze kapag nalaman pa ng bisita ang dahilan ng pagdadrama ko.
"Kumain kana pala, Anon. Sa kwarto ko tayo mag-usap." masayang imbita ng amo ko. Ni hindi man lang niya ako natrato ng ganyang kasaya. Yung feeling na welcome ba welcome ka rito sa unit niya. Pakiramdam ko kasi, impyerno ang pinasok ko.
Ngumiti na lang ako ng mapait kay Anon at nagmadali na sa pagbabalot. Sa katangahan ko, napansin kong butas pala ang lalagyanang nilalagyan ko kaya may natapon na pagkain. Aish. Buti na lang at kakaunti ang nasayang.
"Heto na ang hinihintay mo." walang emosiyon kong sabi kay Quiel na nakasaksi ng nangyari kanina.
"Tss. Iyakin" napapikit ako dahil natamaan ang mukha ko ng isang magaang bagay. Pagkamulat ko, panyo pala iyon at kaagad kong pinulot. Dapat na ba akong umasa ulit sa kanya? Hays. Baka kasi he's being a gentleman lang. Mga lalaki talaga, ang LABO!
Dire-diretso lang ako sa paglalakad at hindi nahubad ang suot kong apron papunta sa bakery shop, to forget about what happened earlier.
"Nanay Puring, gabi na po, susunduin niyo pa po si Icer (ayser) ako na po ang bahala sa shop. Bukas po ulit." laking pasasalamat ko talaga at masipag pa rin itong si Nanay puring.
Kung tutuusin, nahihirapan na siya sa ibang bagay pero heto at tuloy pa rin. Ni hindi ko siya narinig na nagreklamo sa kahit anong bagay kaya naman lubos-lubos rin ang ibinabalik ko sa kanya bilang kabayaran.
"Naku oo nga pala! Baka naghihintay na iyon kanina pa." dali-dali siyang naglakad pero dumagsa naman ang buhos ng ulan. Timing!
"Jusko po. Umulan pa" nadismaya naman si Nanay dahil napagtanto niya sigurong mahihirapan siya dahil sa lakas ng ulan.
"Nay, pwede naman pong ako na lang ang sumundo sa apo niyo, dito po muna kayo sa shop magpatila."
"Sigurado ka ba ineng? Nakaabala pa yata ako sa date niyo ni--"
"Ayos na ayos lang po." nakita ko namang sumaya si Nanay Puring.
"Sige, mag-iingat ka ha. Hihintayin ko kayo rito, pakisabi ay pasensiya na't hindi makakaalis ang lola" tumango at nagmano ako bago umalis at nagdala ng payong palabas.
Sa aking pag-alis ay may humarurot na motor sa may harapan ko kaya naman tumalsik lahat ng tubig ulan sa suot kong damit. TANGINA. SAGAD! May kasama pang putik 'yon!
Napatingin ako at good naman pala dahil may apron nga pala akong suot. So paano kung wala? Edi para akong basang sisiw? HAYOP NA 'YAN.
"Ikaw pala 'yan sis, Sorry" ang gagong si Deinz na kausap ko kani-kanina lang ay nasa harapan ko na naman.
"At tinaymingan mo pang humarurot sa harap ko? Nananadya ka ba?" pinigilan kong sumigaw dahil nasa may kalsada kami at nakakahiya.
"Hindi naman. Slight lang" at may gana pa siyang ngumiti sa lagay na 'yan. GRRR!
Minabuti kong maglakad na lang muli para iwas gulo pero parang sira na sumunod sa akin ang motor kaya naman napatigil ulit ako.
"Saan ka pupunta?"
"Sa Poblacion National High School" sagot ko.
"Tara. Hatid na kita"
"Ayoko pang mamatay"
"Hindi pa naman, sasagasaan lang kita kapag hindi ka talaga sumakay" sinamaan ko siya dahil dito. Lagi na lang wala akong choice kapag mga Alhambra ang kausap ko. Seriously?
"Madulas ang daan. Baka sumemplang tayo" palusot ko. Sana effective. Lol.
"Arte mo" akala ko ay sumuko na siya sa kakapilit sa akin pero napansin ko na lang na umangat ang katawan ko at huli na ang lahat.
Naisakay na niya ako sa likuran na para bang bata lang ang binuhat niya. KASALANAN MO ITO SELF. ANG PAYAT AT ANG GAAN MO!
Nakita kong ngumisi siya at nagpatakbo na ng motor.
"Nasaan si Quiel?" tanong ko, para mabasag ang katahimikan.
"I dumped him. Boring pala. Pero friends pa rin kami." ano yun? Eat and run? WTF!
"Ayan, pagkatapos magsawa, tatakbuhan. Ang gwapo mo ah!" punong-puno ng sarkastiko ang sinabi ko sa kanya kaya naman humalakhak siya.
"Ganun talaga, kaysa naman manatili pa ng hindi na masaya" napatahimik ako at tinamaan sa sinabi niya.
Another moment of silence.
"Free na ulit si Quiel mo. Pwede na siyang maging sa'yo."
"Bakit ba ang dami mong alam na bata ka? 'Di nga tayo close eh"
"Sus. Hindi raw. Kaya pala ganyan ka kahigpit na humawak. Sa lahat ng pwedeng kapitan ay sa bewang at tiyan ko pa. Ikaw ha" ang yabang amp.
"Natatakot lang ako"
"Eh naman. Pwede namang humawak sa balikat ko, bakit diyan? HAHA hinay lang aba! baka kapag pumereno ako, biglang bumaba 'yang kamay mo at iba ang mahawakan." hindi ko magets kung bakit mas manyak na ang bata ngayon kaysa sa matatanda. Yung totoo? Maagang naexposed sa mga rated SPG?
"No thanks. Kung ikaw si Quiel, wala nang bewang o balikat. Diretso na doon ang hawak" maski ako ay napatawa sa aking sinabi. Ghad. Nakakahawa ang kamanyakan niya. HAHAHAHAH
"Edi lumabas rin. Oops. Nandito na 'tayo" napatingin naman ako sa mga nagtatakbuhang estudyante. Ang cu-cute nila! Mga daycare students T_T
"Ate Fe!!!"
"ICEEEEER!!!"
BINABASA MO ANG
Known Secrets of FELIZ
Roman d'amourFeliz Nevada, isang manager sa kanyang sariling Restobar ay mahuhumaling sa kanyang co-manager na si Daze Alhambra? Magawa kaya niyang kayanin ang tindi ng bagsik ng kanyang katrabaho at maisautak ang lahat ng sikretong dapat niyang ibunyag? **** Cr...